Chapter 40: Ms.Understanding

1.6K 66 3
                                    


Joshua's POV

Pagkatapos kong maihatid si Klair ay bumalik ako sa bar kung saan ko iniwan ang kambal ko.

Kanina pa nagtetext si mama kung nasaan na daw kami ni Jonathan.
Inaya ko kasi siyang uminom sa isang bar nung nalaman kong nasaktan siya ni Klair, at hindi niya alam, ako rin ay nasaktan.

At ngayon, muntik ko na siyang makalimutan.

Nafocus kasi nang sobra ang atensyon ko sa katotohanang nalaman ko na may gusto si Klair kay Hance.

Sobrang sakit eh!

Sobra talaga!

Pero alam kong kahit na pagkakaibigan lang namin ay dapat na maisalba. Hindi lang para sa akin pero para rin naman sa kanya.

Masaya na ako dun, kahit hindi niya masuklian, o hindi niya MUNA masuklian yung nararamdaman ko o ng kambal ko, basta nandiyan pa rin yung pagkakaibigan namin. 'Yon ang mahalaga.

Nang makarating na ako sa bar ay agad na akong lumapit sa mesa kung saan ko iniwan si Jonathan.

At nandun pa nga siya.

At mukhang marami-rami na rin ang nainom niya dahil sa mga boteng wala ng laman sa harapan niya. At pati na rin kasi parang kalahating-tulog na ang mukha niya.

"Tan? Uwi na tayo.", bulong ko sa kanya tapos dahan-dahan siyang inalalayang tumayo.

"Uy? nan-diyan ka -ka na pala.", lasing niyang tugon.

"Oo, kaya umuwi na tayo.", sagot ko.

Mabuti naman at parang kahit na kaunti ay nahimasmasan na ako dahil kung hindi pa, baka sa daan kami makatulog ne'to ng kambal ko.

"Na-nakita mo ba si-si Klair?", tanong niya.

"Wala, natutulog na 'yon.", pagsisinungaling ko.

Pagkatapos ko siyang sagutin ay bigla nalang siyang umiyak.

"Ta-tara, pun-puntahan natin. Do-doon. I-miss -I miss him.", utal niyang wika habang umiiyak.

Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang umiiyak. Oo, nasaktan din naman ako ni Klair, pero parang mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita si Tantan na umiiyak. At wala naman akong masisisi dahil wala naman talagang may kasalanan. Talagang napakamapaglaro lang ng tadhana.

"I miss him Josh. Ku-kunin mo siya. Please. Gus-gusto ko siyang makita.", pagpapatuloy niya habang mas umiiyak pa lalo.

"Ssh. Don't worry. You'll see him soon.", naluluha ko na ring sagot.

"I just love him so much bro. You know?", seryoso niyang tanong.

Yumuko lang ako at 'di siya sinagot.

Ako rin naman eh. Mahal ko siya. Sobra.

"Peste kasi yang -yang Hance na yan eh!", biglang pagsisigaw niya habang
parang inaaway ang hangin.

Tinitingnan na kami ng mga tao sa paligid.

"Tama na Tan.", bulong ko para tumahan na siya.

"Ba't pa kasi nabuhay yang Hance na yan eh! Malas siya! Panira siya!", mas umiyak pa siya nang sobra pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang 'yon.

Kung pagkukwentuhan na kami ng mga tao dito, wala akong pakialam.
Dahil kung gusto ng kambal ko na palabasin ang saloobin niya, hahayaan ko siya.

At kung anu-ano pa ang mga pinagsisigaw ni Jonathan hanggang sa makarating kami sa kotse ko at maayos ko siyang naipasok sa loob.

Tiningnan ko siya habang nakasandal ang ulo niya sa bintana ng kotse habang humihikbi pa rin.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon