Chapter 43 [ Happiness over Anxiety ]

268 13 0
                                    


  Fyzer's POV

Kakagaling ko lang sa office ni Jiro at hindi ako mapakali sa mga nangyayari ngayon. Bakit naman kaya sila nanggugulo ngayon na kung kailan okay na ang lahat? Gusto ko rin sanang sabihin sa kanila ang mga threats na natatanggap ko pero hindi na ako dadagdag pa sa iniisip nila. I need to look for it by my own.



"Mr. Froxter, may bisita po kayo." Sabi ng secretary ko.


"Sino daw?" Taka ko namang tanong. Sino naman kaya ang bibisita sa akin.


"He's someone you know, sabi niya po." kumunot naman noo ko. Someone I know?


"Where is he?"


"Sa lobby po na-" Hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang sinabi niya dahil mabilis ako na nagtungo sa ibaba ng hotel.



Pagkadating ko sa lobby ay wala namang tao na naghihintay. Tatalikod na sana ako nang may isa sa mga staff ang lumapit sa akin at binigay ang isang paper bag.



"Pinabibigay po ng kaibigan niyo, sir Fyzer." kumunot naman ang noo ko nang tanggapin ko ito. Aalis na sana siya nang nagsalita ako.



"Who gave this?"



"Sabi niya kaibigan niyo daw po siya, halata naman sir kasi gwapo matangkad at maputi tapos -"



"Tapos?"



"Secret lang sir ah, para siyang pulis or private bodygaurd kasi may dala siya baril, nakita ko kasi sa likoran niya na may nakalagay doon na baril. May kaibigan po ba kayong gaurd sir?" I clenched as I heard what the staff said to me. Something is not right.



Nagtungo ako sa parking lot at pumasok sa kotse para tingnan ang nasa loob ng maliit na paper bag.



Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang duguang damit kaya agad ko ito nabitawan, tiningnan ko ulit ang laman ng paper bag at nakita ko ang isang picture. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito.



"T....Tj?" Mahinang usal ko. Naghahalo halo na ang nararamdaman ko, kaba, takot, pagtataka at pangamba.


Baka nga si James ang may gawa nito. Now I know what's their point. Revenge is what they want.



Trixcy's POV


"Hi, wifuu."


"Ay shokoy!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tinawag niya ako.


"Tsk! May iniisip ka ba?" tanong niya at inikot niya ang swivel chair na inuupoan paharap sa kanya.



"Uhmm... Ikaw. hehehe" Sagot ko, kita ko naman ang pamumula ng tenga niya.



"Ngumiti ka na kasi, namumula na tenga mo oh." Pang-aasar ko. Tsk! Mga lalaki talaga ang hilig itago ng emotion nila eh halata naman.



"Why are you thinking of me?" Hmm... bakit nga ba? Isip Trixcy isip. Itinaas ko naman ang tingin ko para maisip. Pinagtataka ko naman ng tumingala din siya. Kaya napatingin ako sa kanya, nakaupo lang siya ngayon sa table kaya medyo mataas siya ng kunti.


His lips is really tempting.



"Nasa kisame ba ang sagot, wifuu?" Hindi ko siya pinapakinggan dahil parang may kung ano sa akin na gusto ko siyang halikan sa pisngi. Hehehe! Hanggang ngayon di paron ako makapaniwalang si Jiro nga siya, naghahalo ang nararamdam ko sa tuwing magkasama kami pero nangingibaw parin naman doon ang kasiyahan.



Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo para halikan sana siya sa pisngi. "Hindi ko naman mak-" pero bigla naman siyang lumingon kaya sa labi niya lumanding ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Waaahhh!! Nakakahiya! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Wahh! Bakit ba kasi lumingon siya bigla hindi man lang nagpaalam.



Eh?



"Trix.....cy" Rinig ko naman na tinawag ako ni Darian kaya humiwalay ako bigla. "Ay sorry. hihi" Aalis na sana si Darian nang magsalita ako.



"Ano 'yu-" di ko natapos dahil mabilis akong hinawakan ni Jiro sa bewang at hinila papalapit sa kanya. Malaki pa mata ng tarsier ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.



Ngumiti naman siya ng nakakatunaw kaya napalunok ako. Ano kaya iniisip nito?



"Because you kissed me first." Hindi na ako nakapagpalag pa dahil mabilis pa kay flash ang paghalik ni Jiro sa akin. Sa gulat ko ay pumiglas pa ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya.


Wahhh!! Jiro ang PDA mo! Nakakahiya naman.



Naramdaman kong ginalaw niya na ang labi niya, sa hindi ko malaman kung bakit nakikisabay na rin ang labi ko. Hanggang sa pinikit ko na ang mata ko ang I round my arms into his nape.


Throught this kiss I feel secured and safety, I can feel the care and above all the love.


"Ayyyiiieee~~" Tili ng mga empleyado. Pareho naman kaming natigilan ni Jiro at pareho rin kaming pumiyok-piyok, pero magkadikit parin ang labi namin. "Ang sweetttt..." Tili ng isang babae kaya bumitaw na kami.



Ghad nakakahiya!



Nakatungo lang ako habang kagat ang lower lip ko. Ang daming nakakita, si Jiro kasi eh!



"Pfft! Stop biting your lip, you're cute. Baka hindi ako makapagpigil eh." Tiningnan ko naman siya ng masama.



"What?! Don't you like it?" nakangisi niyang sabi sabay kindat. Aba't huh! Hiyang-hiya na ako tapos siya pangisi-ngisi lang?



"Let's go." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.



"Saan naman?"



"Tsk! Just go with me." at umalis na kami na hindi pinapansin ang mga empleyadong nakatingin sa amin.



"Ayos yan, sir. Dapat talaga sa hotel niyo gawin yan!" Ang rude naman. Mabilis namang nawala si Jiro at nakita ko nalang na nakahandusay na sa sahig ang nagsabi non.



"Don't you dare to step in this place again, if you love your life. You're fired!" Sigaw niya dito kaya lumapit n ako. Tiningnan ko yung lalaki na ang sama ng tingin sa kanya habang pinahiran ang dugo na ilong niya.


Nanosebleed, nag English kasi si Jiro eh!


"Tara na, Jiro." Sabay ko siya hinila papasok sa elevator.



"Ano bang ginawa mo? Kawawa naman 'yung employee eh."



"Yaan mo na yun hehehe." Eh? Kanina ang beast mode niya tapos ngayon pa ngiti-ngiti na?


May saltik na yata sa utak tong shokoy na'to eh!




- * -


"Jiro saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Eh kasi naman nakablind fold pa ako tapos wala pa akong makita. Malamang Trixcy nakapiring mata mo. Tanga.



"Where here!" Sabi niya. Parang nandito na nga kami kasi huminto na yung kotse. Rinig ko naman ang pagsara ng pinto ng kotse at maya- maya ay bumukas ang pinto sa gilid ko at nakahawak na siya sa kamay ko.



"Dahan-dahan, wifuu."


"Teka nga Jiro, kanina ka pa sa wifuu na yan ah. Ang panget pakinggan."


"Tsk! Edi Honey Bun nalang. I love you, honey bun." I was stunned when he kissed me on my forehead. Yiieee~~ gusto kong gumulong sa kilig. Waahhh! Parang kinikiliti ang tiyan ko hahaha!



"I love you too, shokoy ko."



"Tsk! I don't like the shokoy thingy." Kung wala lang takip ang mata ko siguro nakikita ko yung reaksyon niya ngayon.



"Edi dugong nalang!"



"I prefer the shokoy, sounds like ugly but I think I like it." Napangiti nalang ako. Hahaha! Ano bang nakain ni Jiro ngayon?



"Bagay naman kasi sayo. Hahaha! Aray!" Yaish! Pinitik niya ilong ko. Masakit yun ah!



"Bakit ka ba namimitik?" Kunware naiiyak kong sabi.



"Did I?" aba kunware pa ang dugong na'to.



"Tsk! Deny ka pa!"


"Nakita mo ba?"



"Hindi!"



"Hindi naman pala. Namimintang ka agad."



"Aba malamang kasi nakatakip ang mata ko paano ko makikita, Jiro ka aber?"



"Tssk!" Narandaman ko nalang na may dumaping malambot sa ikong ko. Ano yun?



"Hindi na ba masakit?" Namumula ako waahhh!! Ang init na naman ng mukha ko. Tumango lang ako bilang sagot. Hehehe wala naman talagang sakit mas nawala nga lang nong hinalikan niya. Mwehehe! Gusto ko na talagang gumulong.




"Tara na nga." Inalalayan niya akong lumabas mula sa kotse. Naglakad pa kami ng ilang hakbang at huminto din. Siguro nandito na kami.



"Tatanggalin ko na ang blindfold. 1...2...3... Tadaaaa!" Dahan-dahan ko namang inimulat ang mata at...



"Wahhh! Jiro bakit blured? Hala mabubukag na ab ako nito?" kinusot ko pa ang mata ko. Pero blur parin.


"Huh?" Hinawakan niya naman ang pisngi ko. "May nakita kana ba?" I opened my eyes but still blur. Kinusot ko ulit at ayan na may nakita na ako nang biglang.


*tsup!* He kissed my eyes.


"Eh?"


"May nakita ka na ba?" Nag-aalala niyang tanong habang hawak parin pisngi ko.


"Pfft! Ano naman akala mo sa kiss mo gamot? Hindi na blur, hahaha! Kalahating oras mong tinakpan mata ko paanong hindi blur pag tinanggal mo. Hahaha!" Kita ko naman ang pagtagpo ng dalawang kilay niya at ang sama ng tingin.



"Hehehe! Smile ka na, nagmumukha kang hipo sa mukha mong yan eh." at pilit siyang pinapangiti.



"Tssk!"



"Ano nga pala yung ipa-" Napatigil sa sa nakita ko sa harap ko ngayon. "Wow!" Naiusal ko nalang. Ito yung bakanteng area na pinuntahan namin dati nong una kaming magkatrabaho. At parehong-pareho ito sa sinagest ko sa kanya noon.


Nilingon ko si Jiro at nakangiti lang siya ngayon.



Humarap ako ulit sa isang cafe sa harap ko. Kita ko na ang mga lights sa loob dahil sa maggagabe na rin.


Itinaas ko ang tingin sa pangalan ng cafe.


"RedRix Coffee Amore?"


"I combined our names, do you like it?" Tumango lang ako. Maganda ang exterior design. Glass style ito pero may mga 3D designs din na nakaukit sa kalahating pader, isa itong cup ng coffee na may nakaupo sa tasa.  

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now