Chapter 9 [ The Fight ]

591 57 32
                                    

- Trixcy -

Pareho lang silang nakatitig sa akin lahat, hindi makapaniwala sa sinabi ko except Rocky na ngayon ay nakapout lang na nakatingin kay Darian at Alex, nag iba kasi sila ng table. Ang selfish lang nang dalawa diba? Naawa tuloy ako kay Rocky, ako lang naman kasi ang nakakaalam na may gusto na siya kay Darian, naunahan nga lang talaga siya ni Alex ang slow niya kasi.

Tinapik ko nalang siya sa balikat ng dalawang beses. "Okay lang 'yan." Palihim kong bulong sa kanya para di ako mahalata ni Joshua, Fyzer at Dylan.

"We should ask tita Jackie, para may hint tayo kung si Jiro nga siya. Namiss ko na rin kasi asarin ang Frankie na 'yun." Saad naman ni Fyzer na may malungkot ang boses. Kahit papano naman kasi malaki ang pinagsamahan nila syempre best friend eh. Ako nga sobra ko na siyang namiss.

"Wala naman si Tita Jack, hindi naman namin siya nakita ni Darian n'ong nagpunta kami."

"Nagpunta kayo sa bahay niya?" Shock na tanong ni Rocky.

Oh! Goodness! What did I say? May sayad na yata dila kong ito eh!

"Ah- I-I mean, hindi imposible na makita niyo si Tita Jackie sa bahay nila, eh nagpagamot sa ibang bansa ang boss ko dati kaya parang magkasama sila." Pwew! I don't know what kind of palusot I am talking about. Tinatantsa ko lang baka sakali. Pero what if?

"Aahhhh." sabay pa silang tatlo.

"Nasaan nga pala si Sophia?" pag-iba ko.

"Babysitter." Napatawa naman ako sa sinabi ni Fyzer, kahit kailan talaga abnormal.

"Aish!" akmang babatukan siya ni Joshua.

"Aga niyo kasi nagka baby eh!" Rocky.

"Eh, ikaw kailan ka mag-aasawa?" sarkastikong tanong ni Joshua. Matanda na kasi itong si Rocky wala pa ring jowa, nung college kami ang play boy nito. Nagtatapos lang rin pala siya sa pagiging single.

"Bukas!" paggalit niyang sagot, sabay inom ng tubig.

"Hindi nauubos ang bukas, Rocky." umiksena naman si Dylan.

"Teka lang, pareho naman tayong tatlo ah SINGLE!" Dagdag pa Ni Rocky, "diba Trix?"

"Wag mo akong dinadamay dyan Rocky!" sigaw ko sa kanya, pareho nga kaming single ano naman ngayon?

Nag-aasaran na sila kaya, sumibat na ako lalapitan ko na sana si Darian pero umalis na pala ito sabi ni Alex, I hate people who does not know how to say goodbye.

Umalis na ako at papasok na ako ng office ng bigla akong sinalubong ni Jared ng tingin. Pag-apak ko talaga sa opisina ay nakaharang na siya sa may elevator. Nakatayo siya habang may hawak na cellphone.

Cellphone ko 'yun! "Pa-paano napunta sa'yo 'yan?" Gulat ko na tanong sa kanya habang nanlaki ang mata ko at tinuro ang cellphone.

"Gulat ka no?" Ngumisi lang siya at nawala rin napalitan ito ng seryosong tingin. "Ako rin nagulat paano nga ba 'to napunta sa harapan ng bahay ko. Should I say na may paa ang cellphone mo? Or inakyat mo or niyo, ang puno para makita ako." Ang bawat salita niya ay may diin. Ako speechless lang. Nakaiwas ang tingin habang kagat-kagat ang ibabang labi.

"Stalker, oh ayan." mabilis niya naman na itinapon sa akin ang phone a buti nalang mabilis ang mga kamay ko at nasalo ito.
Wala talagang modo 'tong nilalang na ito.

"Alam ko naman na gwapo ako, hindi niyo na kailangan akyatin ang puno para makita ako. Araw-araw naman akong nandito sa office eh." Hawak-hawak niya pa baba niya. Tsk! Feeler din 'tong isang 'to eh!

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now