Chapter 10 [ Unintentional Kiss ]

545 54 40
                                    


3rd Person



"Trix bibili lang ako ng coffee sa baba gusto mo bang sumama?" Yaya ni Darian sa kaibigan habang nakasilip siya sa cubicle ni Trixcy. Ilang araw na rin ang nag daan at busy si Trixcy sa paggawa ng report dahil hinahabol niya ang 1 week na palugit bago ito i-present at may tatlong araw na lang siya para tapusin ito. Tungkol naman sa maamong boses ni Jared ay hindi parin nawawala sa isip niya, mas nagkakaroon siya ng lakas ng loob na alamin ang tunay na nangyari kay Jared dahil malakas ang kutob niya na si Jiro nga ito.

"Okay lang ako Dars." sagot nito ng hindi tumitingin sa kanya dahil busy nga ito.

"Praning! Hindi kita kinukumusta! Ang sabi ko sasama ka ba bibili akong meryenda dahil busy tayong lahat!" Pagbara ni Darian sa kaibigan. Si Trixcy naman napapikit nalang ang mata napangawi ng kaunti ang labi at tiningnan ng masama si Darian.

"hey! What's that look?"

"Umalis kana bilhan mo nalang ako, huh?" pagkatapos at ngumiti si Trixcy ng fake at humarap ulit sa gunagawa niya.

"Sungit! May dalaw yata?" Bulong ni Darian sa sarili at agar ito na umalis na hindi maipinta ang mukha, dahil nga sa pagmamasungit ng kaibigan sa kanya.

"Ako na nga itong nagmamagandang loob, ako pa itong sinusungitan? Goodness! Nag evolve na tao ngayon huh?" nagmamaktol parin si Darian habang nakasakay sa elevator.

Nasa baba na siya at palabas na siya ng lobe naglalakad siya patawid ng daan dahil nasa tapat lang naman ng building nila ang isang coffee shop.

Pumasok na si Darian at o-oder na sana siya ay may biglang lalake na sumingit sa kanyang harapan at napaalis siya sa pwesto niya dahil sa impact ng pagbangga sa kanya.

"Miss, two milk shake, pancake and two slice of chocolate cake. Please." The guy ordered, pero ang itsura ni Darian hindi na maipinta sa sobrang inis nito halos gusto niya nang tadyakan sa likod ang lalake, nagpigil lang siya sa sarili at isinara nalang ang kamao niya.

Dahil gwapo ang nilalang na ito ay hindi na pinansin si Darian ng cashier at nasa lalakeng mang-aagaw ng pwesto nalang ang mga mata nito.

Hindi na nakatiis si Darian ay agad siyang tumabi sa lalake ng nakatayo at humarap sa sales clerk na nakangisi ng wagas pero plastic lang.

"Alam mo miss, nauna ako sa pila eh." pangiti-ngiti niya pa itong sabi. "Pero itong hinayopak na estrangherong na ito ay nagawa mo pang unahin? Gosh!" Biglang naging beast mode ang reaksyon ni Darian.

"At ikaw naman dugong ka, hindi ka ba marunong mag hintay? Huh!" Wala ng pakialam si Darian kung pinagtitinginan na siya ng iba pang costumers. Dahil bad trip na talaga siya. Napangawi nalang ang bibig ng lalake ng magsalita si Darian. Humarap naman sa kanya ang lalake.

"Excuse me miss... Ah! Sungit nalang, hindi lang naman nag-iisa ang sales clerk dito ah, tatlo! Bakit dito pa?" napahinto siya at nag-iisip ng susunod na sasabihin. "Aha! Alam ko na, napakagwapo ko ba talaga, para sundan mo 'ko dito?" Sabay pa itong napahawak sa chin niya na halatang pumoporma sa kanya.

"Ang kapal, hindi ba't dapat ay sayo ko ibato ang salitang 'yan? For your information in the first place, ikaw ang nang-agaw ng pwesto at hindi ako! Ang lakas din ng confident mo no!" Na-iinis na si Darian sa lalake pero ang rival niya ay relax lang parang wala lang nangyari. Mas nakakahighblood pag ang kaaway mo ay hindi tahimik lang tapos ikaw pumopula ka na sa galit.

"Gosh! You're such a jerk, punk! Makalipat na nga." Walang choice si Darian kundi ang lumipat dahil baka masipa niya pa ito palabas ng coffee shop. Halos rinig mo ang padyak ng kanyang mga paa papunta sa kabilang clerk dahil sa galit at inis niya.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon