Chapter 26 [ Rooftop ]

448 23 7
                                    

Trixcy's Pov



Nacorner niya na ako ngayon. Ang sama parin ng tingin niya sa'kin halos hinihigop na ako ng mga titig niya.

"I repeat, why did you throw this to me?!" Bawat salitang binibitawan niya ay may diin.

'Waahhh!! Die Trixcy DIE!'

"Hi-hindi ko -"

"Don't deny it! I saw you, Trixcy!" Kumonot naman ang noo kong tumitig sa kanya. Ang takot at kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng inis.

"Pwede ba, patapusin mo muna ako sa pagsasalita! Inuunahan mo'ko lagi eh! Nakakadalawa kana ha!" Inis kong sumbat sa kanya. Imbis na matakot at kabahan ako ay nagingibabaw na ngayon ang inis sa kabuoan ko.

'Kainis! Hindi lang man muna ako pakinggan!'

"Hu-what?" Galit niyang tanong at umiwas ng tingin sa'kin sabay napahilamos sa bibig niya. Kinagulat ko naman nang bigla siyang humarap sa'kin at iniharang ang kamay sa bandang kaliwa ng mukha ko.

"Ulitin mo nga sinabi mo?" Pigil inis niyang tanong.

'Hay nako! Ang init yata ng ulo ni BOSS ngayon?'

"Ang sabi ko, let me finish my statement first before you react. Okay na translated na'yun." Walang gana kong sabi.

"What the..." at binitawan niya ang hawak niyang sapatos ko at inilagay naman ang sa kanang bahagi ko ang kamay niya.

'Now, this is really corner!'

"Ngayon mo ipaliwanag lahat, hahayaan kita hmp!" At mas lumapit pa siya sa mukha ko.

'Anak nang tsanak! Amoy ko hininga niya! Mabango naman eh. Hihihi'

"A-ang la-apit mo, Jared layo ka ng kaunti." ang lapit niya pa kasi sa malapit pwede naman siyang tumayo nalang sa dulo diba?

"Magpaliwanag kana, kung ayaw mong...?" Huminto muna siya at titig na titig na mga mata ko.

"Ano, huh!" paghahamon ko. Kung ayaw akong magpaliwanag ano, tatanggali niya ako sa trabaho ko gaya ng ginawa niya sa'kin noon? Kapal! 

"Kundi hahalikan kita." 


'Wtf! Hahalikan?'

Nanlaki naman mga mata kong nakatingin sa kanya.

'Waahhhh! Bakit iba ang dating ng sinabi niya, kinakabahan ako!' Agad ko namang tinakpan ang bibig ko at sabay na napailing.

"W-wag m-ong g-gawin 'yan!" Usal ko. At mas inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin at ngumisi ng nakakilabot sabay tingin sa bibig kong tinakpan ko. Gusto kong umatras pero wala na akong maatrasan. 'Ang tagal naman yata bumukas ng elevator na'to? Bumagal ang oras genern?'

"Sabihin mo nga sa'kin, bakit mo'ko binato? Ahh... 'wag mong sabihin." At mas lumaki pa ang ngisi niya. "Nagpapansin ka ba sa'kin? Mapapansin naman kita eh, wag lang sa ganitong paraan, please?" Mas ikinalaki pa ng mga mata ko ang mga sinabi niya. My GHAADD!! 

'Kinikilabutan ako sa kanya, para siyang multo na biglaang sumulpot sa harap ko.'

"A-ang kapal ng mukha mo! Assuming ka masyado! Ikaw nalang, sayo, magpapapansin ako? Nag-iisip ka ba?" Inis na sagot ko. Wala na talagang mas kakapal pa sa makapal niyang balat. "Ang layo ng nangyari sa iniisip mo. Hello? May bastos lang talagang bumangga sa'kin kanina at sa kanya ko sana itatapon 'yang sapatos ko. Kaya lang umepal ka at lumiko naman siya sa kabilang side at sa'yo tumama, masyaso kang ilusyonado!" Hinihingal na paliwanag ko, ang bilis kasi ng pagkakasabi ko dito. Masyado kasing mabaho 'yung conclusion niya eh!

"Aahhh... okay." Tatangu-tango pa siya. At akala ko okay na talaga nang biglaan niyang inilapit agad ang mukha niya sa'kin. 'Damn it!'

"But I think I'm not convince...." at ngumiti siya ng napakasweet. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko. 

'What Trix? Napansin mo ang sweet niyang ngiti? Wtf!! Crap that!'

"I see your." At bumaba ang tingin niya sa bibig ko 'WAAHHHHH'  "Soft lips."

"H-HOY! Wag kang manyakis!" Agad kong nasabi sa kanya, sa dami ng pwedeng mapansin lips ko pa talaga?

"Pinuri ka lang eh. By the way, gamotin mo 'tong ginawa mo! Makabawi ka naman sa pagiging brutal mo!"  Napapikit naman ako dahil sa pagsigaw niya.

"Tsk! Asa much!" Bulong ko nang tumalikod na siya sa akin. 

"Akala mo di ko narinig?" Bigla niyang sabi at lumapit ulit sa'kin. Ang bilis ng pangyayari, kunti nalang at magkalapit na ilong namin sa isa't-isa at maling kilos ko lang ay maglalapat na 'yung labi namin. Napakapit na lamang ako sa damit ko wala akong pake kung mapunit man. Naninigas ang buong kalamnan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw at parang uminit 'yung pisngi ko sa subrang kaba na idinulot niya na hindi ko alam kung paano ito mapipigilan.

"Baka nga, gusto mo lang talaga magpapahalik?" Nanlaki naman mata ko sa mga sinabi niya "Mamili ka gamotin ako o hahalikan kita ngayon?" seryoso niyang sabi pero may bahid itong pagtatangka at tumingin siya sa labi ko.

'Ghad! Hindi ko alam kung paano mag-react!'

'Waahh!! Kailan matatapos 'to?'

"H-ha? G-gamotin ka-ka na lang kita." utal kong sabi na hindi maayos ang sasabihin. Tae!

"Ahhh... akala ko gusto mo na ng kiss?" mas lalong nanlaki ang eyeballs ko dahil sa tanong niya. Ano bang nakain niya? 'Baka epekto 'yan ng pagkabato sa noo niya, Trix?' 

"Silence means yes!" Bahagya pa siyang natawa.

"Hi-hindi ah!"

"TINGG!" Hudyat na bubukas na ang elevator.

Sabay naman kaming napalingon ni Jared sa labas ng elevator, pareho naman kaming nilingon pabalik ang isa't-isa at lumingon ulit sa mga taong nakaabang sa labas ng elevator na gulat na nakatingin sa'min.

Pareho yata kaming nababato sa posisyon namin ngayon,  hindi ko magawang gumalaw at nanatili lang akong nakatingin sa mga staff ng kompanyang ito.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now