Chapter 16 [ That Feeling... ]

624 44 8
                                    


3rd Person

"What bro, nakipagsuntokan ka kay Dylan? Eh sino ba ang Dylan na 'yun?" Natatawa na may pagkagulat na tanong sa kanya ni Ezekiel. Nabanggit niya na kasi ito kay Ezekiel dahil kanina pa siya kinukulit na ikwento ang nangyari kagabi.

Nasa cafeteria lang sila ngayon nag-uusap nasa office niya pa kasi si Trixcy pinaghintay niya doon as a punishment na late siya.

"It sounds funny, akala niya siguro gaya ako ng mga lalake dyan. Hay! Hindi ko nga rin alam bakit ako pumatol sa kanya." Nakahawak lang siya sa chin niya habang nakadekwatro. Halata mo itong nagtataka rin siya sa kanyang sarili.

"Baka naman iba na 'yang sayo bro ha?" Pang-asar sa kanya ni Ezekiel sabay tapik sa batok niya.

"Pinagsasabi mo dyan? Kung ano-anu nalang pumapasok sa isip mo." Inis na sabi niya sa kaibigan.

"What I mean is baka naman si Trixcy na?"

"Aish! Hindi ko naman alam pinagsasabi mo!" Akmang babatokan niya ito pero pareho nalang silang napatawa. Close na close talaga ang dalawa since last four years na nagkakilala sila.

"By the way, according to my research Dylan is the owner of a famous restaurant here? Which is malapit lang dito." Sabi niya kay Jared sabay scroll ng iPod niya, ni'research niya ngayon kung sino si Dylan, hindi niya pa naman kasi ito na meet kaya na curious siya at ini'stalk ito. Mahilig talaga siya alamin ang buhay ng iba.

"Famous? Kaya pala ang tapang na humarap sa'kin kagabi!" Di makapaniwalang sabi ni Jared.

"Stalkin mo pa, I want to know a lot about him. And who is Trixcy for him?"

"Wait bro, sabi sa article wala pa raw siyang girlfriend pero may ina'admire daw siyang babae and its been four years na hinihintay niya itong makuha ang loob niya. Hay! Di ko akalain ito ang ilalagay niya, pero loyal siya ha, sino kaya ang maswerteng babae na'yun?" Pagkasabi ni Ezekiel ay agad na hinalbot ni Jared ang iPod ni Ezekiel at binasa niya ito sa kanyang sarili.

Pagkatapos niyang mabasa ay pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Darian n'ong sabay-sabay silang nag lunch sa restaurant ni Dylan at 'yung sinabi ng staff niya sa birthday surprise kay Trixcy.





***



'Yeah, single nga siya Yesha. Kahit 'yang si Dylan ilang taon na 'yang nakabuntot kay Trixcy pero basted parin! Hahaha!' ito naman 'yung sinabi ni Darian no'ng first time niya sila makasama sa pag kain ng lunch.

'Ang ibig ko pong sabihin pangatlo niya nang ginawa 'yan kay Trixcy. Ang sweet nga ni Sir Dylan eh. Ewan ko ba diyan kay Trixcy sir kung bakit hindi nagugustohan si Dylan. Pati kami nalilito kung ano talaga hinahanap niya sa isang lalake.' ito 'yung sinabi ng staff niya no'ng birthday surprised ni Dylan kay Trixcy.



***



"AHA!" Sabay siya na napa-snap.

"Anong aha?" Nagtataka na tanong ni Ezekiel.

"Si Trixcy, ang babaeng ina'admire niya." nakangiti na saad ni Jared.

"How did you know? Wait, kaya pala matindi galit niya sayo nang malaman niyang magkatabi kayong natulog?" Gulat niyang sabi.

"I think so."

"If I were you Jared I'll keep my distance with her, baka mag worst lang galit niya sa'yo." Natatawa pa itong sabi ni Dylan.

"Keep my distance? I don't think its a nice idea." At ngumiti si Jared, 'yung ngiting may balak.

"Wait, I know that look Jared, what's on your mind?" Sabay niyang tinapik si Jared sa balikat, pero tanging smirk lang ang sinagot nito. Nabaling naman agad ang tingin ni Ezekiel sa may likoran ni Jared.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now