Chapter 22 [ Ikaw at ako ]

540 26 17
                                    

(A/N: Sorry po sa supah late UD. :D)

Trixcy

"You're so fast." Hingal niyang sabi, at kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Napapikit na lamang ako at huminga ng malalim.

"Sorry, kanina ka pa ba? Di kasi kita napansin." Tanong ko sa kanya nang makaharap ako ng maayos.

"Hindi naman gaano. Uwi kana?" Sasagot na sana ako sa tanong niya nang bigla muling umepal ang dalawa.

"Trixcy! Ang bilis mong maglakad, may multo bang humahabol sa'yo?" Darian.

"Oh! Dylan andito ka pala?"  Tanong ni Darian nang makalapit sila sa amin.

"Ah, oo susundoin ko lang sana si Trixcy." Sagot niya sabay pa na tumingin sa'kin na nakangiti.

"Ayie! Keleg nemen eke!" Tili ni Darian sabay pa na krinoss ang kamay niya sa braso ni Joyce at dinuyan pa ito. Para talaga siyang tanga.

"Ehems!" madiin na sabi ni Joyce sabay hiniwalay ang kamay niya sa pagkakapit ni Darian. Nang mabitiwan niya ito ay agad niya kami tiningnan ng nagtataka look. 

"Ano na naman ba Joyce?" naiiritang sabi ni Darian. Ewan ko ba sa dalawang ito, bakit ba nagsisigawan sa maliliit na bagay.

"Wag ka na ngang umepal." Pagtataray niyang sagot kay Darian sabay tulak sa noo nito gamit ang hintururo niya, katamtaman na mapalayo si Darian sa kanya. Napapout na lamang si Darian.

Ano bang nangyayari sa dalawang ito? Napagtanto ko naman na nakatingin si Joyce sa amin habang nagtagpo 'yung mga kilay niya. Tiningnan ko na lamang siya ng nagtataka.

"Hmp! Anong ibig sabihin niyan?" At diniin ang tingin sa kamay ko este, sa kamay namin ni Dylan na kanina pa  magkahawak.

"Ah!" Sabay naman kaming napatingin ni Dylan sa mga kamay namin, at bibitaw na sana ako nang bigla itong pigilan ni Dylan at krinoss ang mga daliri niya sa kamay ko. Bali magkaholding hands na kami ngayon.

Napalunok na lamang ako ng buong laway habang nanlaki parin ang mata, dahil ba naman sa awkward na moment na'to?

Nahalata ko namang nagtilian ang dalawa, I mean si Darian lang ang tumili dahil si Joyce nasa state of shocked parin dahil sa ginawa ni Dylan.

This is the first time Dylan hold my hand like this, it makes me feel a bit awkward. He's being strange lately, I can't even read his move and what he's doing.

"Ah, ito ba?" tinaas niya pa ang kamay namin dahilan para mas klaro ito.
Lalo namang nagulat 'yong dalawa. Pero napawi rin 'yon at napalitan ng ngiti.

Pati ako ay di nakapaniwala, tiningnan ko na lamang ang mga kamay namin na gulat.

"I'm holding her hand. Wala naman sigurong magseselos, right Trix?" Anong pinagsasabi niya? Parang nantuyo 'yong lalamunan ko, ano ba ibig niyang sabihin ngayon?

Nahihirapan na nga akong huminga dahil sa ginawa ng Jared na 'yun kanina, dinagdagan pa ng Dylan na'to! Gusto yata nila akong atakihin sa atay nito.

"Trixcy!" Nabalik naman ako sa realidad nang marinig ko ang pagkalakas na pagkasabi ng aking pangalan.

"Huh?" Sa tingin ko ay para na akong sabog.

"Hahaha, I mean okay Iang ba na hahawak ko kamay mo Trix?"

"Huh?" Wala parin sa sarili kong sabi, ano ba kasi dapat isasagot ko?

"Sa tingin ko ayaw ni Trixcy, so pwede mo na bitawan Dyl." Sarcastic naman na sabi ni Joyce. Siniko din siya ni Darian sa tagiliran at ngumiti na lamang ng pilit.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now