Chapter 17 [ Let Me Love You ]

571 37 10
                                    

"Boss Jared, sa tingin ko po hindi na papasok si Trixcy?" Nakayuko ang ulo ni Darian nang sinabi niya ito kay Jared, nakatalikod lang ito sa kanya habang pinagmamasadan ang tanawin sa labas glass type kasi wall ng office niya.

"Did you call her?" Nakapamulsa lang rin ito.

"I-"

"What on earth is she doing lately, why she's always late!?" Di naituloy ni Darian ang sasabihin dahil sa pagsigaw ni Jared na ikinagulat niya naman. Napapikit nalang siya habang kinagat ang ibabang labi.

"Sir baka po."

"Cut it off! I don't need your explaination, you may go now." Namumula na si Jared sa sobrang inis. Ayaw niya pa naman sa mga employee niya ang nale'late kinon'seder niya lang ang pagkalate ni Trixcy kahapon dahil sa plan niya, pero ngayon hindi niya na ito palalampasin.

"Yes sir." At tumalikod na si Darian.




~ Trixcy's House ~

"Wake up your future husband is ready!"

"Wake up your future husband is ready!"

"Wake up your future husband is ready!"

Isa itong tunog ng alarm ni Trixcy ngayon ang boses na ito ay boses ng isang chipmunk.

Habang nag-iingay ang alarm niya ay mahimbing parin siyang natutulog sa kama niya na nakabitay ang ulo at kamay nito sa kama habang nakanganga at humihilik pa ito. Halatang late na siya natulog kagabi.

Nagring rin naman ang cellphone ni Trixcy kasabay nang pagkalaglag niya sa kama na nauna ang ulo.

"Ahw! Ang ulo ko." Sabog pa siya nang sinabi ito habang hinimas ang ulo niyang nauntog sa sahig.

"Wake up your future husband is ready!"

"Riinngggg! Ringgggghg!"

"Ang ingay naman anong oras naba?" At umupo siya sa sahig sabay kinamot ang buhok niya at kinuha ang cellphone niya para sagutin ang tawag.

"Hello?" Nakapikit niyang sagot sa cellphone niya.

[ "Good morning sleeping ugly, hanggang kailan ka po magiging ganito?" ] Sarcastic lang na sabi ni Darian sa kabilang linya.

Nabuhayan naman ng dugo si Trixcy sa sinabi ni Darian at naidilat ang mata na parang gulat at lumingon sa alarm clock niyang kanina pa tumutunog. Agad din naman siyang napatayo at tiningnan ang oras.

"Patay! Darian late na naman ba ako!?" Sigaw ni Trixcy. At napalaki pa ang mata niya habang hawak ang ulo niya.

[ "OO LATE KANA AT SOBRANG LATE MO NA!" ]

"Walangya! Bakit ngayon ka lang tumawag!?"

[ "I'll hang up now." ] walang emosyon sa sagot ni Darian. Pagkababa rin naman ng tawag ay tiningnan ni Trixcy ang screen ng cellphone niya at nakatanggap lang naman siya ng 60 missed calls and 51 messages.

"Late na naman ako? Sapul na naman ba ako sa boss ko?" At tiningnan ang alarm clock niya.

"Ikaw! Oo ikaw chipmunk ka bakit ngayon mo lang ako ginising huh!" Sigaw niya sabay turo sa alarm clock na walang alam at pinalo pa ito. Mabilis rin naman siyang nag-ayos sa sarili, at pumusok na sa office.





~ Guan Company ~

Nasa meeting area na ang buong staff habang si Trixcy ay palihim na sumilip sa pinto. Ang lahat naman ay seryosong nakikinig kay Jared ngayon na nakaupo lang sa dulo ng long table.

Nasa likoran kasi ni Jared ang pinto kung saan ang area niya na nakaupo. Kaya humanap na nang tsimpo si Trixcy upang hindi siya maramdaman at makita nitong dumating. Umaasa na nakalimutan nitong late siya.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now