Chapter 37 [ His Point of View ]

401 17 9
                                    


(A/N: Annyeong! Kyaaah! Flashback lang po ang Chapter na ito but next Chapter po is yung next part na HAHAHA! Gulo ko no? Medyo shinortcut ko nalang po yung flashback na ito dahil nabasa niyo naman na sa previous chapee haha Sorry tamad mag type ang lola niyo LOL! Well Enjoy reading! Don't forget to leave a comment and tap the star button! :D Gumuwoooo!!! )


Jiro/Jared's

"I'm not Jared?" Naiiling na bulong ko sa hangin habang nakatayo sa harap ng pinto dito sa library. Kakatok na sana ako kanina nang marinig kong sinigawan ni mama si papa, kaya naisipan kong 'wag na silang distorbuhin pero, may parte ng isip ko na kailangan kong makinig kahit na alam kong hindi dapat.

I heard everything by detailed. So everything was a lie? All my life everything was a lie?

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, parang ayaw itong tanggapin ng pagkatao ko. Parang gusto kong isipin na panaginip lang at hindi totoo ang mga narinig ko. Pero hindi, dahil nagawa ko pang pisilin ang pisngi ko at nararamdaman kong totoo ang mga ito.

Kaya pala, iba ang pakiramdaman ko noon nang una kaming magkita. Nasaktan ako na hindi ko alam kung bakit, dahil ba umiyak siya sa harap ko noon at inakalang ako nga ang taong hinahanap niya o baka dahil, nakilala siya ng puso ko pero ayaw ko lang tanggapin dahil napaka-weird sa pakiramdam noon. Naging interesado ako sa kanya, may kalahati pa sa loob ko noon na masaya dahil makakasama ko siya sa isang kompanya.

Sa maikling panahon na yun hindi ako makapaniwala na parang siya ang pumuna sa nawawalang bahagi ng pagkatao ko.

At ito ngayon ang sagot sa mga pagdududa at pagtatanong ko noon sa sarili ko.

I must be Jiro and I am so dunced for not knowing it sooner! I don't know how to react in this kind of scenario? Do I have to act as what I was before or just to pretend like nothing happened? I don't know.

Mahigit minuto kong ina-absorb ang lahat ng mga narinig ko at sa hindi ko inaasahan ay biglang bumukas ang pinto at lumabas mula dito si mama.

Ang reaksiyon niya ngayon na gulat at pangangamba ang nakapagsasabing, pinagkaitan niya ako ng buo kong pagkatao at itinago ang dapat ay kaligayahan ko.

Nang tanongin ako ni mama ay pinili kong hindi sabihin ang totoo na narinig ko talaga ang lahat. Maybe I have a choice, I chose not to over react of these things. I want to know why they need to hide my real identity although I heard it but it's not reasonable.

Matapos ang iyon ay dumiretso ako dito sa dulo ng garden. Wala na rin gaanong tao dahil malalim na ang gabi at nagsi-uwian na ang lahat.

Nakapamulsa ako habang nakatingala sa langit at may parang boses na bumulonhg sa tenga ko kaya napapikit ako.

--

"Alam mo, para kang bituin? Pakiramdam ko ang lapit mo sa akin pero bakit nahihirapan parin akong abutin ka?"

"I promised, Trixcy, I'll prove it papatunayan ko kay, tito na hindi na mauulit pa ang nangyare kay, Thea noon. Na hindi mangyayari yun sa atin."

"Gagawin ko ang lahat, buhay ko man ang kabayaran. I love you."

--

Napaupo ako sa bench sa harap ko matapos kong marinig ang mga katagang 'yun.

Napahawak ako sa batok ko habang nakayuko at pinipigilan ang galit ko at pag-iyak. Naghahalo-halo ang emosyon ko ngayon, magagalit ba ako dahil nagsinungaling sila sa akin o maging masaya dahil sa wakas, ang kalahati ng pagkatao ko ang naaalala ko na?

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now