Chapter 13 [ She's Driving me Crazy ]

545 50 11
                                    


Nasa loob na nang kotse sina Jared at Trixcy habang nag-iisip si Jared kung paano niya maihatid itong si Trixcy na hindi niya naman alam kung saan ito nakatira.

Tinawagan niya na rin si Ezekiel baka sakaling alam niya ang bahay ni Trixcy pero hindi lang nito sinasagot ang tawag. Kaya naisipan niyang kunin ang cellphone ni Trixcy sa bag niya para tawagan ang mommy ni Trixcy, pero may pattern naman ang phone niya, naitapon niya nalang sa backseat ang bag ni Trixcy.

"Aish! Ano bang gagawin ko sa'yo?" Sabay niyang tingin sa natutulog na si Trixcy habang nakanga-nga pa ito.

Narealize niya naman na titig lang siya kay Trixcy ay agad din siya na napailing sabay na binuhay ang makina ng sasakyan. Naisipan ni Jared na dalhin nalang ito sa bahay niya wala naman siyang balak kay Trixcy, kaysa naman iwan niya ito sa daan.

Huminto na siya sa bahay niya at agad na inalalayan na lumabas si Trixcy sa kotse.

"Are we here?" tanong niya habang ni'rub ang mata niya at tiningnan ang paligid.

"Alam mo nasan tayo?" tanong niya dito habang inilagay niya ang kanang kamay ni Trixcy sa balilat niya at hawak niya ang bewang nito.

"Na-sha bahay mo! Hehehe!" pagkasabi no'n ni Trixcy ay pinisil niya ang ilong ni Jared.

"Ahw! Why did you pinch my nose?!" Galit niyang tanong dito.

"Ang cute mo kasi. Hmp!" Parang bata na sabi niya kay Jared habang nakangisi.

"My ghad! You're drunk. Tara na nga!" At papasokin niya na sana ito sa loob ng biglang bumitaw si Trixcy at umupo sa lupa na parang batang inagawan ng candy at sabay na in'extend nito ang dalawang paa at nakapout pa.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga d'yan!" Bulyaw ni Jared, naiinis na talaga siya sa kinikilos ni Trixcy ngayon pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.

"Bakit mo ako iniwan?" Naiiyak na sabi ni Trixcy at mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na para marinig siya ni Jared.

Napatingin naman si Jared sa kanya ng seryoso napayuko naman siya para maging kapantay niya ito habang tinukod niya ang magkabilang siko niya sa tuhod niya.

"I waited for a couple of years, but he never showed up." This time tumolo na ang mga luha ni Trixcy at nakayuko lang ang ulo niya.

"You're drunk, let's go inside, malilimotan mo rin siya kung sino man ang hayop na 'yun." Nakaramdam naman ng awa si Jared kay Trixcy, dahil nararamdam niya ang sakit na'yun. Umiling nalang si Trixcy bilang sagot sabay pinahiran ang luhang dumaloy sa pisngi niya.

"Tumayo kana d'yan, siguro naman bumalik ka na sa katinoan mo." seryoso niyang sabi sabay na tumayo pero sa kanyang pagtayo ay hinawakan ni Trixcy ang kamay niya dahilan para mapahinto siya dahil sa kakaibang naramdaman niya sa paghawak nito sa kamay parang may kung ano na dumaloy sa katawan niya. Napalingon siya dito ng nagtataka at tinitigan ang kanilang mga kamay na ngayon ay magkahawak.

"Tulongan mo'kong tumayo!" Parang bata ulit na sabi niya sabay dinuyan ang mga kamay nila.

Nabalik naman sa pag-iisip si Jared sa pagduyan ni Trixcy sa kamay nila. He pull Trixcy to help her to stand up, kaya lang sa pagtayo ni Trixcy ay napalapit siya sa dibdib ni Jared, dahan-dahan namang inangat ni Trixcy ang tingin sa lalaking kaharap niya ngayon at nagkatagpo ang kanilang mga mata.

"Its been a years, since I look at you like this." Pagkasabi ni Trixcy no'n ay kinulong niya ang mga kamay sa leeg ni Jared, dahilan para mapalunok siya ng laway at nanlaki ang mata sa ginawa ni Trixcy na hindi niya in'expect na gagawin niya 'yun.

"Hoy! A-anong ginagawa mo?" nauutal na tanong ni Jared sabay hinawakan nito ang magkabilang braso ni Trixcy para bumitaw pero malakas ang pagkakapit ni Trixcy sa kanya balak niya sana itong itulak nang mapansin niyang nakakatotok lang ng tingin sa kanya si Trixy habang unti-unti na nilalapit ang mukha nito sa mukha niya. 

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora