Chapter 4 [The Boss]

734 73 35
                                    

"Darian, asan na si Trixcy?" tanong ng assistant ni Mr. Guan.

"Yun na nga po eh! Hindi niya sinasagot tawag ko." nagpapanic na sila.

"Nako naman, bakit ngayon pa siya late? Kanina pa naghihintay boss natin at ang anak niya." nag-aalala na sabi nito. "Oh siya, pagdating niya ha diretso na kayo sa conference room, magpapalusot nalang ako kay sir after 10 minutes andito na siya." umalis na ito at sabay na napailing. Hindi pa kasi ever since na nalate si Trixcy, ngayon lang at iyon ang pinagtataka nila.

"Saan ba bestfriend mo?" Tanong ng isa niyang katrabaho na si Roxan. Siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat bukod sa matagal na itong nagtatatrabaho sa kompanya na ito ay pinagkakatiwalaan rin siya ng amo nila.

"Ewan ko nga eh. Nag-aalala lang ako baka kasi.-"

"Baka kasi ano?" pagputol niya sa sasabihin ni Darian.

"Baka- basta! Yun na yon!" ang pinag-aalala niya lang naman ang nangyari kahapon, baka 'yun yong dahilan na late si Trixcy.

"Ay ganern?! Pero teka lang, parang mapaaga yata ang pag-alis ni sir?"

"Onga no?" singit naman ng isa nilang ka-office mate na si Joyce. "Ate, Rox sa tagal mo na dito, nakita mo na ba ang anak ni sir?" dagdag nito.

"Hindi pa nga eh, pero ang alam ko dati isa lang ang anak niya at babae 'yun."

"Babae? Eh bakit lalake yata 'yong kasama niya kanina?"

"Baka ampon." Bulong nito sa dalawa. Hindi naman nagustohan ni Darian ang sinabi ni Roxan kaya lumayo ito ng kaunti.

"Pwede ba ate Roxan, kung saan-saan mo na lang napupulot ang pinagsasabi mo! Baka may makarinig sayo nako! Baka yan pa dahilan para mawalan ka ng trabaho." napailing nalang siya, tiningnan lang siya ng masama ni Ronita. "Ayan na pala si Trixcy oh!"

"Trixcy ba't ngayon ka lang?" sabay-sabay nilang tanong ng makarating si Trixcy sa gawi nila.

"sorry guys! Traffic kasi eh." pagrason niya, habang nagmamadali na inayos ang kanyang mga gamit.

"Wala kang make-up?" di makapaniwalang tanong ni Darian. Hindi nalang sumagot si Tc sabay na bitaw niya ng malalim na hinga.

"Late na'ko nagising-" di pa natapos ni Trixcy ang sasabihin ay nagsalita naman agad si Darian.

"I know na! Inisip mo siya kagabi?" magsasalita pa sana si Tc ng hindi siya pinatuloy nito. "Kaya hindi ka nakatulog ng maaga at wala kang make-up, look mukha kang ordinaryong babae tingnan parang wala ka sa trabaho. Pero 'wag kang mag-aalala maganda ka parin naman kahit wala kang make-up. Kaya let's go to conference room, kanina pa naghihintay ang mag-ama." maarteng sabi nito sa kaibigan at agad na hinatak papunta sa conference room.

"Sinong iniisip niya?" tanong ni Joyce.

"Non of your business!" Pagtataray ni Darian sa kanya.

"Ay, taray!" Bulong na lamang nito sa sarli.

"Ay, Dars wait nakalimutan ko ang document na pinapagawa ni Mr. Guan." agad nitong binalikan ang plastic folder na may laman na documents sa table niya at mabilis na sumunod sa tatlo.

"sa tingin niyo kaya mabait ang anak ni sir?" tanong ni Joyce habang papunta sila ng conference room.

"I don't think so? But I guess Trixcy have an answer?" may pagpaparinig na tuno ng boses ni Darian sabay tingin nito sa kaibigan.

"Di naman ako nakakasiguro, sabi lang kasi ni Mr. Guan mahirap itong pakisabayan dahil daw yata sa may pinagdadaan?" matamlay na sagot nito

"Ay malalaman naman natin 'yan eh! Pero pag ako susungitan niya ay nako! Lalabas ang mala matinik kong mga salita sa kanya!" may pagkainis na sabi ni Darian

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz