Chapter 3 [Its Him]

718 76 39
                                    


"Uy... Kumusta ang date kahapon hah?" tili ni Darian

"Hindi date 'yun!" sagot naman ni Trixcy.

Nasa mall ngayon ang magkaibigan dahil linggo at wala silang pasok kaya namamasyal lang sila.

"Alam mo Trixcy, boto ako kay Dylan. Bukod sa mayaman na gwapo mabait pa, gentleman at higit sa lahat caring. Nasa kanya na lahat ng ugali ng mga lalaki." puri ni Sophia na ngayon ay inakbayan si Trixcy habang naglalakad-lakad sila.

"Agree me d'yan!" dagdag ni Darian habang may minumoyang pagkain.

"Pwede ba kayong dalawa ha?!" sabay inalis niya ang braso ni Sophia na kanina at nakaakbay ito sa kanya. "Oo si Dylan na, nasa kanya na ang lahat. But please!-"

"Ki payn!" maypagka bisaya accent na pagputol ni Darian sa sasabihin ni Trixcy. Napailing nalang ang kaibigan.

"By the way, may bibilhin lang ako sa second floor, you wanna go?"

"No, Trix dito nalang kami ni Darian kakain nalang kami habang naghihintay sayo." pagtanggi ni Sophia.

"Okay! Mabilis lang naman ako, bye!" umalis na siya, naiwan naman sina Sophia at Darian sa food court. "Anong gusto mong kainin Sophia?" tanong ni Darian dito.

"Nako, sorry Dars kakatext lang ni Joshua si baby Jela iyak ng iyak."

"Hay, nako ang aga niyo kasi nagkaanak ayan tuloy di mo na maeenjoy ang araw na'to, oh s'ya layas na!" pagtataray ni Darian, sanay na sila na ganito magsalita si Darian kaya bali wala nalang ito sa kanila.

"Ikaw talaga sige bye na! *muah*" At nagmadali ng umalis si Sophia.

"Here's your order ma'am." abot ng crew ng isang tray ma may laman na in'order niya. Nasa food court siya kaya malamang self service ito, simpleng babae lang naman siya, hindi pasosyal. Tinanggap naman niya naman ito.

"Thank you." tumalikod na si Darian para maghanap ng bakanteng table ng biglang may bumangga sa kanya.

"What the!"

"Oh no! my pagkains!" Parang bata na sambit ni Darian, hindi naman talaga nasayang ang pagkain niya mahina lang naman ang pagkakabangga nito. Medyo nagmamadali lang kasi ang lalakeng nakabangga sa kanya. "Ano ba 'yan! Muntik na malaglag pagkain ko!"

"Sorry miss. I'm on hurry! Sorry ulit!" at umalis na ito.

"Teka, ganon lang 'yon?" reklamo niya, pero nakalayo na ito. "anong klaseng buang 'yon? Tsk!" bulong nito sa sarili. Nagpatuloy nalang siya sa paghahanap ng bakanteng table at nakakita rin siya. Ng mailagay niya na ang tray sa table ay napahinto siya ng maalala ang lalakeng nakabangga sa kanya.

"He looks familiar. Saan ko ba siya nakita?" bulong muli nito sa kanyang sarili. Inisip niya talaga kung saan niya ba talaga nakita ang lalakeng bumangga sa kanya. "Tama! Si Jiro!" Naalala niyang ipinakita pala sa kanya ni Trixcy ang picture ni Jiro noon. Napatayo siya at binaling ang mata kung saan-saan nagbabakasali na makita niya ulit ang lalakeng nakabangga sa kanya.

"I'm sure, matutuwa ni Trixcy pag nalaman niya ito. Pero paano ko makita ulit ang taong 'yon? But I'm not sure kung siya ba talaga 'yon."

* * *

"Ma'am naka block po ang credit card niyo." sabi ng cashier sa isang babae na kanina pa nakatayo sa harapan ng counter, dahil pang anim na na credit card ang ibinigay nito para mabayaran ang pinamiling mga gamit worth 12,000 pesos pero wala parin.

"Try this one, I'm sure hindi na naka block 'yan. That's the last one actually." in'swipe naman ng cashier ang card niya pero error parin ang lumabas sa unit nito.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now