Chapter 33 [ Lies ]

345 14 5
                                    

3rd Person

  "Chen, we need to talk." Malamig na saad niya sa kanyang asawa na masayang nagkikipagkwentohan sa mga bisita nila. 

 "Okay." Inosente nitong sagot kay Jackie. "Let me excuse first." Paalam niya sa mga bisita. Saka niya sinundan si Jackie at tahimik sila na pumasok sa library. 

 "Bakit, dito tayo mag-uusap, importante ba?" Pagsimula ni Chen. 

 "Kaya mo ba ginagawa ang lahat ng 'to dahil ito ang gusto mo?" Paggalit na sabi ni Jackie sa kanya, dahilan na ikinakunot ng noo niya. 

 "What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong."Chen, everything was a set up! And I know you're the who made this!" Saka lamang naliwanagan ang isip niya.

 "Nagkita na kayo?" Lumapit naman siya kay Jackie.

 "Oo, at alam kong plinano mo ang lahat ng 'to. Yung pagpanggap mong may sakit ka para maka-uwi dito si Jared and you lied to me, matagal na palang empliyado si Trixcy sa kompanya and you never bother to tell me that!? How could you?" Naiiyak dahil sa galit si Jackie nang isigaw niya kay Chen ang mga salitang ito. 

 "Jackie, please listen first." Pakalma niya dito. Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito pero kumalas lang siya. 

 "Listen?! Sa tingin mo ba magawa ko pang makinig sa'yo? All this time, Chen, plano mo pala ito?" Halos puputok na ang mga ugat nito sa ulo nito dahil pagsigaw at galit.

 "Can you please... hold your emotion? Ginawa ko ang dapat!" 

 "Dapat na ano? Na mapapahamak lang ulit ang anak ko?! Ganon ba, ha?!" 

 "Jackie, matalik na kaibigan ko si Franco at Harold, alam mo 'yun." Natigilan naman si Jackie, dahil naalala ang akanyang asawa noon. 

 "Anong kinalaman ni Franco dito?" 

 "Jackie, anak sila ng mga kaibigan ko. Sa paraang 'yun d'on lang ako bumabawi dahil nang namatay si Franco, pinangako ko sa kanya na aalagaan ko ang mag-ina niya. Kayo ni Jiro 'yun." Nagsimula nang tumulo ang luha sa mata ni Chen. Ramdam niya dito ang pagsisisi. 

 "Ako ang dahilan ng pagkawala niya, dahil sa akin 'yun, kaya nangako ako sa kanya noon na aalagaan ko kayo pero hindi nangyari 'yun. Dahil, nagkapamilya ako n'on. Kaya nang makita kita sa states nabuhayan ako dahil panahon ko na para bumawi sa inyo. Jackie, that's why I'm doing this. Gusto kong punan ang pagmamahal ng isang ama sa anak niya na minsan hindi niya pa naranasan. Kaya ito ang paraan ko, ang magkitang muli ang pinaghiwalay mo, ang mga anak ng kaibigan ko." 

 "Wala kang alam, Chen." Iling na sagot ni Jackie habang pinipigilan niya ang pagluha. "Hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi mo! Kung gusto mong bumawi hindi sa ganitong paraan, maraming paraan bakit sa ganito pa?!" Napaupo si Jackie sa sofa. Tinabihan naman ito ni Chen at niyakap, pero lumayo din siya agad. 

 "Pag may nangyaring masama ulit sa anak ko, I can not forgive you." Galit at sakit ang nararamdaman nito bawat salitang binibitawan niya.

 "Po'protektahan ko kayo. Mahahanap din natin ang taong 'yun, 'wag kang mag-alala. Gusto ko lang talaga maging masaya si, Jared ulit. At nakita ko na 'yun n'ong nagkita silang muli ni Trixcy." Tiningnan naman siya ni Jackie sa mga mata. Ramdam niya ang sensiro nito at pag-aalala sa mga mata niya. 

 "Kung ganon, aalis muna kami ni Jared. Hanggat hindi mo pa nahahanap ang taong 'yun, mananatili muna kami sa Hong Kong babalik na muna kami d'on." Cold nitong sagot, habang hindi tumitingin sa kanya.

 "Hindi ba't magdududa at magdududa lang si Jared niyan?" 

 "Wala akong pakialam, ang gusto kong mangyari ligtas siya at hindi na makakalapit pang muli sa, Trixcy na 'yon. Muntik na siya'ng mawala sa'kin noon at hindi ko gustong mawala siya ng tuluyan sa akin. Okay na siya, Chen burado na sa isip at puso niya si Trixcy, kaya wala ng dapat magbabago d'on, dahil di ko kaya pag naulit pa ang kahapon." NPuno ng pag-aalala si Jackie.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon