Chapter 2 [Prinsesa]

999 74 51
                                    

3rd Person

        Maagang nagising si Trixcy, dahil 8 o'clock ang pasok niya sa trabaho at ayaw niya rin na malate, kahit naman mabait ang boss niya ay ayaw niya itong abusuhin. Pinili ni Trixcy na magtrabaho sa ibang kompanya dahil gusto niya na magkapera siya sa sariling sikap at hindi niya gustong aasa siya sa parents niya, she is really independent may sarili na siyang bahay at kotse masaya siya dahil nagkakaroon siya ng mga bagay na galing sa sariling pawis. Malaki na ang pinagbago niya sa apat na taon ba naman, pero ang puso niya wala paring pinagbago she still love her shokoy.

Gusto ng parents niya na siya ang magmamanage ng business nila pero tinanggihan niya ito dahil gusto niyang magsimula ng sa kanya lang.

Matapos niya ng mag-ayos sa sarili ay sumakay na siya sa kotse niyang kulay torquois, sabay rin na bumukas ang gate automatic kasi itong bubukas pag lalabas siya pero pag pumasok naman siya ay remote na ito. Sakto naman na pina-andar niya ang kotse ay may humarang agad na kotse sa harap ng gate, bumaba siya para lapitan ito kaya lang nakita niyang lumabas si Dylan mula dito.

"Dylan, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito.

"Of course sinusundo ang prinsesa, isn't obvious?" with all a pleasant voice pa na saad ni Dylan.

"Funny Dylan, I can drive my own nag-abala ka pa." Nilapitan siya ni Dylan.

"Trixcy, let me drive for you, please? tutal magkatabi lang naman ang pupuntahan natin." nagpapacute siya habang humaharap kay Trixcy, dahil alam niyang madadala si Tc sa mga charm niya. Dalawang taon rin na nanligaw si Dylan sa kanya at tatlong beses niya na rin itong binusted, fre'nedzone pero hindi natinag si Dylan dahil ang alam niya mahal niya si Trixcy at di niya alam ang salitang give-up.

"Sige na nga ngayon lang 'to ha?" Trixcy agreed , napailing nalang siya sabay na napangiti. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sadakyan "please, your highness." parang prensipeng saad ni Dylan kay Tc.

"Silly!" natawa nalang si Trixcy sa ginawa niya. Sabay na silang pumasok sa trabaho, isang building lang kasi ang pagitan ng mga office nila. Habang nasa sasakyan sila ay may patingin-tingin pa si Dylan sa kanya na akala mo talaga isang clown si Tc dahil ngiti ito ng ngiti.

"Tingin ka naman sa daan baka mabangga tayo eh." Pagsuway ni Tc sa kanya. Ngumiti lang ito "Ganda kasi ng umaga ko, kasing ganda ng katabi ko." at tumingin ulit ito sa kanya, Dylan can't stop from smiling he really like Tc since then.

Naiiling nalang si Trixcy, dahil sa tuwing umiiwas siya dito ay mas lalong nagiging sweet si Dylan sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa kanilang distinsayon.

"Bye Trix, sabay tayo mag lunch mamaya ah!" sabi niya sa dalaga habang pababa ito ng kotse.

"Dylan per-"

"No more buts, 11:30 I will wait table 13!" di na nakaangal si Trixcy dahil umalis agad si Dylan pagkasabi nito. Nakangiti lang na pumasok si Dylan sa office niya. Habang si Trixcy di alam ang gagawin. Kahit anong gawin niya na gustuhin si Dylan ay di niya talaga magawa, dahil nag-iisa parin ang tao na nasa puso niya.

I'm worried baka masaktan lang kita Dyl. -sabi ng kanyang isip

"Ganda ng ngiti boss ah?" bati ng isa sa mga crew ng resto niya.

"Ganito talaga pag nakikita mo ang nagpapasaya ng mundo mo." hindi talaga mawala-wala ang mga ngiti niya sa mga labi dahil katabi niya si Tc sa front seat ng sasakyan niya kanina.

"Ang swerte naman ng tao na 'yun, isang ginoong katulad mo ang nanligaw sa kanya." dag-dag pa ng chubby niyang assistant na si Karen.

"Swerte ko rin sa kanya."

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now