Chapter 14 [ Wrong Thoughts ]

590 44 14
                                    


Trixcy

Tahimik lang kaming nakaupo ngayon sa couch, nasa bahay parin ako ng Jared na 'to. Kasi ba naman dumating si Yesha at Ezekiel alangan naman diba na tatakbo ako palabas ng bahay na'to baka sa pagtakbo ko may truck na biglang sumulpot sa daan at sagasaan ako baka 'yun pa ikamamatay ko diba? Goodness!

Ang awkward ng feeling ngayon, kinakagat-kagat ko nalang ang labi ko.

"Akala ko ba bro inuwi mo siya sa bahay niya kagabi?" Pagsira ni Ezekiel sa nakakabingi na katahimikan. Dapat lang talaga na 'yan ang itanong Ezekiel dahil baka pinagnanasaan ako ng mongoloid na ito kagabi, pero malabo yata 'yun ako 'yung- Aish! Lasing ako kaya ayun! Wag niyo lagyan ng meaning 'yun, kasi di kayo dictionary.

"I don't know where did she live, alangan naman na iwan ko siya sa gilid ng daan? Pero kung alam ko lang na -"

"Hep! Hep!" Hindi ko siya pinatuloy sa pagsasalita at tinakpan ko ang bibig niya na ikinagulat rin naman ng dalawa.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin eh, hindi niya ba ako naiintindihan? I was drunk last night! Gosh! Ikinatatakot ko kung ano pa ang sasabihin niya.

"You two are so cute." Pagkasabi no'n ni Yesha ay tinanggal ko naman ang kamay ko sa pagkatakip sa bibig niya at agad na napalayo ako sa kanya ng ma realize ko na ang isang kamay ko pala ay nakatukod sa hita niya. This so embarrassing. Mukha na yata akong kamatis sa sobrang pula ng mukha dahil sa hiya. Binatukan ko nalang sarili ko baka sakaling panaginip lang 'to at magising ako pero masakit eh kaya totoo 'to.

"Woah! Trix did you just hit yourself?" Natatawa na tanong ni Yesha. This is really wow nakita nila 'yun? Malamang Trixcy kaharap mo sila eh.

"Ah, ha? Ah oo, masakit batok ko eh. Minasahe ko lang." Palusot ko sabihan na nila akong tanga dahil para naman talaga akong tanga ngayon.

"Are you still drunk? Hindi kapa yata tapos sa pinaggagawa mo kagabi eh." Anong! Tiningnan ko lang siya ng masama. At talagang natatawa pa siya huh? Pambihirang buhay 'to.

"Ano ba talaga nangyari sa inyo kagabi?" Ezekiel.

"Oh my gosh! Did you two sleep with one bed and-? Omo!" sabi ni Yesha sabay takip ng bibig niya na akala mo na-shock talaga.  Sabay rin naman kaming napalingon kay Yesha na nakalugwa ang mata at nakanganga. I didn't expect na napaka over thinking niya.

"Hey! That's not what you're thinking! We just slept together and there's no more beyond that!" Pag depensa naman ni Jared na ngayon ay nag'struggle na, maski ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"So magkatabi nga kayo? Well we can't do nothing about that, nangyari na eh. Kung may something talaga na nangyari na'sa inyong dalawa na 'yun, pag-usapan niyo kailangan mo siyang panagutan Jared." Relax lang na sabi ni Ezekiel pero ang salitang 'yun ay parang freezer na full freez at kami naman 'yung meat na ngayon ay na frozen na, gosh! Pareho nga siya ng fiancé niya over thinker sa sobrang over thinking nila pati kami di makadepensa. Iniisip talaga nila na may nangyari sa'min, paano 'to? Para silang ina at ama dapat nga sila ang magkatulyan.

"I guess I'm right? Let's go Yesha we should better go, pag-uusapan na nila eh." What the! What's up with them? Naging speechless kami ah! Umalis na ang dalawa at nag wave pa patalikod.

"Take youe time guys! Balitaan niyo kami pag meron na!" Pahabol pang sigaw ni Yesha.

Kami naman ngayon ni Jared ay nagkatinginan lang, parang may after shock pa na namamagitan sa mga sarili naman.

"That was absurb!" Di makapaniwala niyang sabi.

"Wa-wala ba talagang nangyari?" Nauutala kong tanong, hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now