Chapter 12 [ She Got Drunk ]

536 47 26
                                    

"Let us celebrate! Saan tayo mamaya? Party club? Oh sa bahay mo Trix?" na-eexcite na tanong ni Sophia.

"Wow! Party huh? Feeling mo naman single ka." Pagbara ni Darian sa kanya. Nasa resto lang sila ni Dylan lagi naman nila itong tambayan nasa may garden area lang sila. Mag aalas sais narin at kaka-out lang nang lahat sa trabaho. Andito sina Alex, Darian, Rocky, Fyzer, Dylan, Josh, Sophia at Trixcy.

"Pwede ba Darie! 'wag kang ganyan sa akin. May baby sitter na naman si Jela eh." Maarte nitong sagot kay Darian.

"Geez! Look at her binago na naman pangalan ko." Sungit na sagot ni Darian at akmang susugurin ng batok si Sophia pero agad din naman siya na pinigilan ni Alex. Minsan talaga nagkakainisan ang dalawa dahil lang sa pagbago ni Sophia ng pangalan ni Darian 'yun kasi ang pinakaayaw niya.

Napatawa nalang sila sa inasal ng dalawa.

"Hey! Stop being childish Darian." Pagsuway sa kanya ni Alex.

"Che!" At inirapan niya lang si Alex.

"Halika nga sweetie ko." Paglalambing ni Alex dito. Hinug niya naman si Darian dahilan para magulat ang lahat.

"Wait, are you two going on a date?" Takang tanong ni Sophia.

"Well, nanliligaw palang." Nahihiya pa itong sagot ni Alex.

"Ligawan mo pwet mo! Ang kapal pumayag ba'ko ha?" Sungit na sabi ni Darian.

"Grabe ka! Ano ba ang definition ng panliligaw sa'yo? May kiss? Sabihin mo lang di ako magdadalawang isip na gawin 'yun ngayon!" Saad sa kanya ni Alex, sabay na inalis niya ang kamay ni Alex na nakaakbay sa kanya kanina. Tiningnan lang nila ang isa't-isa. Habang ang iba nagtilian na dahil kinikilig na sa kilos ng dalawa.

"Ehem! Tigilan niyo na nga 'yan. Birthday ngayon ni Trixcy oh! Tapos naglalampungan pa kayo?" Pagsuway sa kanila ni Rocky.

"Owh! Okay lang 'yan Rocky alam kong nagseselos ka lang." Pang-asar sa kanya ni Trixcy na ikinatahimik ng lahat at nakatingin lang sila sa dalawa.

Si Rocky naman ay sinamaan lang ng tingin si Trixcy nahalata naman ni Trixcy ang tingin niya kaya napatingin siya sa lahat ng kasama nila na nakatitig lang sa kanila.

"Ah- I mean nagseselos lang si Rocky dahil single pa siya! Hindi niyo ba alam na allergy si Rocky sa mga couples? Hehehe" at nag peace sign lang siya kay Rocky. Napaniwala naman ni Trixcy ang lahat kaya sabay silang napa "Ahhhhh."

"Oo." Tipid na sagot ni Rocky sabay inom ng juice niya.

"Akala ko pa naman may gusto ka talaga kay Darian." - Fyzer.

Naibuga naman agad ni Rocky ang juice na ininom niya sa sinabi ni Fyzer. Napatawa nalang ang lahat sa naging reaksyon niya pero mas tumawa ng malakas si Trixcy.

"Grabe ka naman ng iniisip Fyze!" Sumbat sa kanya ni Rocky.

"HAHAHAHA!" tawa parin ng tawa si Trixcy. Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari kay Trixcy kaya napatingin ang lahat sa kanya, bale si Trixcy nalang ang tumatawa habang ang lahat ay tahimik na nakatingin sa kanya.

Napansin naman ni Trixcy na siya lang ang maingay sa grupo kaya huminto na siya sa pagtawa.

"Ehem! Sorry guys I'm just carried away." Seryoso niyang sabi pero pinipigilan niya lang ang tawa. Natutuwa lang talaga siya sa mukha ni Rocky kanina.

"Okay ka na Trix?" Tanong ni Rocky sa kanya na may halong sarcastic.

"Yeah! Common let's party!" agad siya na tumayo at inakbayan si Rocky. Nagulat naman si Rocky sa ginawa ni Trixcy pati na rin si Dylan na sinisigaw ng isip niya na sana siya nalang si Rocky ngayon na inaakbayan ni Trixcy.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now