Chapter 41 [ Pictures ]

323 13 2
                                    

Trixcy POV


Ilang minuto na akong naghihintay dito sa garden ng bahay pero wala paring Jiro ang dumating. Sabi niya sabay kami mag breakfast at susunduin niya ako dito sa bahay ngayonng umaga, pero bakit wala pa siya?

Tsk! Tiningnan ko muli ang wrist watch ko at 8:30 na. Indian game tayo ngayon ah.

"Ate?"

"Ay kalabaw!" Muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Bata po ako, hindi kalabaw."

"Maui naman kasi, nanggugulat ka naman eh!" 

Simula ng may naalala si Jiro parang ayaw ko ng mapag-isa sa bahay kaya nagtungo agad ako dito kagabi pagkatapos niya akong ihatid sa sarili kong bahay. Nagpaalam lang naman ako Darian dalawa na kami sa bahay ko hehe!


"Kanina ka pa kasi 'yang mukha eh, parang naiinip may hinihintay ka ba?" Sabay niya abot sa akin juice. Ang sweet niya talaga. Kahit ampon lang siya parang kapatid ko na rin siya dahil sa ka-cutan niya.


"Pumunta ka dito para ibigay sa akin ang juice?"


"Opo, hehehe! Hindi po kasi kayo nag-almusal eh."

"Sira, edi dapat pagkain o kape binigay mo sa akin. Bakit juice?"


"Kasi juice-to ko ngumiti ka. Hahaha!" Ang cute niya talaga naniningkit yung mata pag tumatawa.

"Ahh, juice-to ha? Juice-to ko ring kilitiin ka. HAHAHA!" Nilagay ko naman sa table ang baso ng juice at saka siya hinabol.

"WAAHHH! Ate Rix, 'wag!" Tumakbo.naman siya.

"Haha! Hintayin mo'ko ang bilis mong tumakbo!"

"Ayaw! Bleehh!" Humarap siya sa akin saka ako benelatan. Tumakbo naman siya ulit at sa pagtakbo niya ay nabangga siya sa hita ni, Jiro. Huh! At dumating pa siya!

Mabilis ako na lumapit kay, Maui.

"Maui, okay ka-"

"Are you okay?" Tanong ni Jiro sa kanya.

"Hmm." Tumango si Maui at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

"Omoo.." Mahina niyang sabi. Takot talaga siya sa taong hindi niya pa kilala.

"Momo? As in mama?!" Nanlaki naman mata niya nang humarap sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

"What?"

"He just called you, momo. Trixcy." Lumapit naman siya sa akin. "Is he our son?" Kinagulat ko naman lalo ang tanong niya. Paano niya naman kaya naisip na anak namin si Maui? Eh never nga kaming nagkatabi sa kama eh!

"Hindi ka lang bingi, sira ulo ka pa?"

"Trixcy, sabihin mo?" Aksyong lalapit siya sa akin.

"Sira!" sabay ko siyang binatukan. "Paano naman tayo magkakaanak aber? Ni hindi nga tayo nagkatabi sa kama noon! Mag-isip ka nga!" Kumawala naman si Maui sa akin at tumingala sa akin.

"Sino po siya, ate Rix?"

"A-ate? Ate mo ang babaeng 'to?" Gulat niyang tanong. Tumango naman si Maui bilang sagot. "Nagkaanak pa pala si tita Tes?"

"He's our adopted, never na nagkaanak si mommy no."

"Ahh... I thought he's our son, kamukha mo kasi eh." Sabay naman siya napangiti.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Where stories live. Discover now