Chapter 1 [ Christening ]

1.2K 76 48
                                    

[Christening]

Trixcy 'Point Of View'

"Happy Christening to you Jelay!" masiglang bati ko kay Jela na nasa 2 months old palang. Jela is the daughter of Mr. and Mrs. Joshua and Sophia. Siguro noon ay nagpropose palang itong si Joshua ngayon ay may sisiw na sila. Happy family diba? Andito kami ngayon sa isang function hall ng hotel kung saan ang reception ng binyag ni Jelay.

Andito rin sina Fyzer na ngayon ay isang professional chef na which is siya rin ang may-ari ng hotel na ito, he is really a successful man maswerte girlfriend nito.

Si Rocky naman ay isa na ring business management teacher sa isang sikat na university, medyo nerdy ang style ni Rocky hindi ko nahalata yun dati, sino ba mag-aakala na ang isang gangster ay mag eevolve.

Si Alex naman ay isa na ring photographer, a high proffesion photographer, hindi basta-basta ang talent fee, to the highest level ang mga clients nito.

Sila nalang ang naiwan sa kanilang lahat ang iba nangibang bansa na. Anyways before I forgot si Xander ay nasa kulongan parin ilang buwan nalang ay makakalabas na siya, I really missed him, after nang nangyari kasi dati di naman matatanggi na wala siyang kasalanan kasi kung iisip ay pumatay rin siya ng tao. Sad to say pero dahil rin naman sa'kin 'yun. Dahil sa pagiging careless ko.

4 years na rin ang lumipas since that unhappy moments happened, and now I'm looking forward for my future and still hoping that I can forget that stupid shokoy!

Pag siya nagpakitang muli nako! Ipapakain ko talaga ang buong pancake sa kanya at ipa-inom ang isang garapon ng honey! Ng malaman niyang hindi madali ang maghintay ng matagal.

"Trixcy, pakihawakan nga muna si Zhi may kukunin lang ako saglit." sabay bigay sakin ni Sophia si Jelay at binuhat ko naman ito.

"Ang cute cute mo talaga Jelay." Sabay kong pisil sa pisngi niya. Nang bigla siyang umiyak, naku patay na anong gagawin ko sa kanya? di pa naman ako marunong magpatahimik ng bata. Huhuhu!

"Waaahhh! Huwaahhhh!!" Iyak parin ng iyak si Zhi, naku ano bang kapahakan ang ginawa mo Trixcy? Bata 'yan!

"Hala ka anong nangyari kay Zhi?" May mapang-asar na sabi ni Fyzer at may lagot sign pa siya, as usual mahilig parin siyang mang-asar and also a childish, kulang nalang magkaroon na siya ng girlfriend para kahit kunti may changes sa ugali niya.

"Tulungan mo'ko! Expert ka naman diba?" Habang niyoyug-yug ko parin si Zhi na grabe na yung iyak, pinagtitinginan tuloy ako.

"What? Trixcy expert ako sa pagluluto ng dish, hindi sa pagpapatahimik ng batang umiiyak, tsk!" Napailing pa ito, langya talaga 'tong Fyzer na'to kahit kailan talaga di maaasahan.

"Umalis ka nga dyan! Mas lalong umiiyak si Zhi dahil sa panget mong mukha eh!" I'm worried with this cute little angel, I don't know how to stop her from crying!

"Lagot ka sa mommy niya!" May pambata niya pang sabi, ba't ba nakaka high blood minsan itong si Fyzer!

"Chupe! Alis ka nga! Kaasar." pagtaboy ko sa kanya.

"Edi, aalis."

"What happened?" tanong naman ni Dylan ng makalapit sa'min. Si Dylan nga pala ay isang manager ng restaurant na katabi ng kompanyang pinag tatrabahoan ko. At naalala ko dati siya 'yung nagbigay ng ball pen sa kin sa may garden ng school, simula no'n naging magkaibigan na kami.

"Ewan ko umiiyak lang kasi bigla, pinisil ko lang naman ang pisngi niya, eh." pagpaliwanag ko.

"Come to ninong baby Zhi, inaway ka pala ng ninang mo?" Parang tanga talaga siya pag kumakausap ng bata, naka duck face pa kasi eh, sabay na binuhat si Zhi.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz