39

1.4K 17 0
                                    

Jake

Pagbalik ko sa loob ng bahay pagkaalis ng tropa ay naabutan kong nangingiti si Lexie.

"Bakit nangingiti ang asawa ko?" Malambing kong sabi sakanya sabay upo sa tabi niya at inakbayan siya.

"Hmm, ang sarap naman sa pandinig nun." Malambing din niyang sabi sabay ngiti ng matamis.

Hinalikan ko siya sa labi.

"So, bakit ka nga nangingiti?" Tanong ko ulit sakanya.

"I was just thinking how blessed I am. God blessed me with a loving and understanding family," ngumiti lang ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.

"He blessed me with a bunch of friends that I can count as a family," tumango tango ako. She's right, napaka swerte namin sa mga kaibigan namin.

"He blessed me with a husband who has been nothing but kind, thoughtful, loving, understanding, faithful, sweet, handsome, sexy and yummy." Natawa ako sa huling sinabi niya.

Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Bahagya niya pang kinagat at sinipsip ang ibabang labi ko.

Agad na lumalim ang paghinga ko. Napaka bilis talagang mag react ng katawan ko pagdating sakanya.

Pilya ang ngiti niya nang kumalas sakin. Pagkuwan ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"And now, He blessed me—He blessed us with an angel." Dugtong pa niya sabay haplos sa tyan niya.

Napangiti ako at hinaplos ko din ang tyan niya.

"Amen to that. And I am so blessed to have you both." Masuyong sagot ko sabay kabig sakanya.

"Potz," malambing na tawag niya sakin.

"Hmm?" Bulong ko naman.

"San na yung mangga namin ni bebe? Kumain na ako ah." Nakalabing sabi niya.

Natawa naman ako at kumalas sakanya para kumuha ng mangga.

Habang kumakain siya ng mangga ay napansin kong biglang nangislap ang mata niya na tila may kapilyahang iniisip. Pinagmasdan ko lang siya at mayamaya ay nagsalita siya.

"Potz, I want to take a shower." Sabi niyang medyo nakaangat ang sulok ng labi dahil sa pinipigil na ngiti.

Mukhang alam ko na ang nasa isip ng asawa ko. Harhar.

"Okay? And?" Sabi kong naghihintay ng susunod.

Pinakawalan niya na ang pinipigil na ngiti.

"Last na for today. Promise." Sabi niya at nagtaas pa ng kamay. "Please?"

Napangiti ako sa rekwes niya. Pano ko naman tatanggihan ang rekwes na yun mula sa pinakamamahal kong asawa?

But then, naisip kong baka delikado. Unang una, madulas sa banyo. Pangalawa, standing ovation— este, position.

"Potz, that sounds tempting and I badly want to say yes, pero baka delikado. Madulas sa banyo mahal ko. Tapos patayo ang mangyayari dun. And you're still weak from the nausea, and you will be weaker when I make love to you. Your knees will not hold you, baka mapano kayo ni baby. And I don't want that to happen." Masuyong paliwanag ko sakanya.

I tried my best para hindi niya mamis-interpret na tinatanggihan ko siya. Dahil sensitive ang mga buntis.

"Yeah, you're right." Pabuntong hiningang sagot nya. "But I will add that on the list of the things I want to do with you. And you'll have to fulfill that paglabas ni baby." Warning niya sakin. Na ikinatawa namin pareho.

"Babe, that's already on my list even before you put it on yours. So I think you'll have to fulfill that for me." Sagot ko sakanya sabay kindat.

Natatawa siyang yumakap sakin

"I love you hubby." Bulong niya at bahagyang hinigpitan ang yakap.

"I love you more wifey." Ganting bulong ko naman at mas hinigpitan ang yakap sakanya.

"Potz, pag tumaba ako, mamahalin mo parin ba ako?" Paglalambing niya sakin.

"Oo naman," seryosong sagot ko sakanya. "Nang mahalin kita, maluluwag ang suot mo. Minahal kita ng hindi nakikita ang hita mo, ang pusod mo, ang bewang mo, o ang cleavage mo. Kaya kahit ano pang maging size ng mga yan, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo dahil nang mahalin kita, puso ang ginamit ko at hindi mata." At kinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya.

"Hindi ka titingin sa mga sexy?" Muling tanong nya.

"Only you can make me rock-hard even without doing anything, alam mo ba yun? Tignan mo lang ako, ngitian mo lang ako, nagre-react na ang katawan ko sayo. Why do you think nakabuo tayo agad?" Sabi ko sabay kindat sakanya.

Namula siya at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"I love you whatever size you become. Ikaw lang ang sexy sa paningin ko, okay?" Bulong ko sakanya at hinalikan sya sa buhok. Tumango naman siya.

Mayamaya ay tumayo siya.

"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya at tumayo narin ako.

"Sa kusina, mag aayos dun para sa hapunan mamaya." Sabi niya nagsimulang tunguhin ang kusina.

"Nope, ako ang mag aayos." Sabi ko na sinundan siya.

"Edi tayo nalang dalawa." Sabi naman niya.

"Hindi. Ako lang. Maupo ka lang diyan." Sabi ko at pinaghila siya ng upuan sa kusina.

"Potz, sumasakit na ang katawan ko sa kakaupo at higa. Gusto kong may gawin." Reklamo naman niya.

"Okay, pero wag kang magbubuhat ng kahit ano. Mag ayos ka lang jan, wag ka masyadong magkikilos." At nagsimula naman siyang ayusin ang mga laman ng fridge.

"Potz, magresign ka na pala sa resto ha," mayamaya ay sabi ko sakanya.

Alam kong nag eenjoy siya sa trabaho niya dahil may puso talaga siya sa pagluluto. At alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya na iwan ang trabaho niya.

Tumingin siya sakin bago sumagot.

"Okay," nakangiting sabi niya at agad na binalik ang atensyon sa pagaayos sa loob ng fridge.

"Pero potz, kailangan mong—" napahinto ako nang marealize ko ang isinagot niya. "—what? Did you say okay?" Paninigurado ko.

"Yes. Okay. I will resign." Sagot naman nya pero nasa pag aayos parin ang atensyon.

"O...kay, that was easy." Nalilito kong sabi pero masaya din ako dahil sa pagpayag niya. "How come, hindi ka nagdalawang isip?" Tanong ko pa.

Sinara niya ang fridge, tinitigan ako, saka ngumiti bago sumagot.

"I know what you're thinking. Yes, I love my job, coz I love cooking. But living here with you today, made me realize that I can give up my job for a more important job. And that is to be a fulltime mom, and soon, a fulltime wife. I will still cook. But this time, it will be for you. And soon, for our kids. That, my love, is the job I want." Seryoso at kuntentong sabi niya.

Napatitig ako sakanya, natunaw ang puso ko sa sinabi niya. This girl can make me fall inlove harder each day. How is that even possible?

"You're hired. You may start today." Biro ko sakanya.

"But sir, if I may ask, am I going to be contractual or regular?" Ganting biro naman niya.

"Coz I will only sign a contract if it is marriage contract. A lifetime contract. With you. No expiration." Dagdag pa niya sabay kindat.

Napangiti naman ako. Nilapitan ko siya at kinulong ang mukha niya sa mga palad ko. Tinitigan ko siya sa mata bago nagsalita.

"Lifetime it is. Till death do us part." Seryosong sabi ko at masuyo siyang hinalikan sa labi.

Best FriendsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ