4

2.5K 32 3
                                    

Jake

Nakauwi na kami at pumasok narin si Jester sa kwarto para magpahinga.
Naiwan kami ni Lexie sa sala, nagsalang sya ng movie para panoorin namin.

Hinain din namin ang isaw na inuwi namin.

"Potz," sabi nya habang naglalapag ng plato. "Parang gusto kong uminom. Di ka naman uminom kanina di ba? Inom tayo?"

Pumayag naman ako. At lumabas kami para maghanap ng bukas na tindahan para bumili ng beer.

Naglalakad kami at naalala ko yung mga sinabi nya.

"Walang mangyayari kung takot ang paiiralin."

"Pag nagmahal ka, wag kang matakot masaktan."

Napabuntong hininga ako na di naman nakaligtas sa pandinig ni Lexie.

Napalingon sya sakin.

"Whew, lalim nun ah!" Sabi nya saka humalakhak.

Hays, pag tumatawa talaga sya, nahuhulog ako.

"Potz, kung may problema ka, wag kang magdalawang isip na magsabi sakin ha." Seryosong sabi nya. "Kahit ano pa yan, andito lang ako." Lumingon sya sakin at ngumiti.

Tumango lang ako at gumanti ng ngiti.

May nakita kaming bukas na tindahan at bumili ng beer saka na kami bumalik.

Sinimulan na namin ang movie. Nakahiga sya sa sofa, nakaunan sa hita ko habang ang mga paa nya ay nakataas sa sandalan ng sofa.

Nakapatong naman ang mga paa ko sa isang upuan.

Gustong gusto kong haplusin ang buhok nya, ang pisngi nya... Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ganito kami palagi. Kahit sa harap ng mga magulang at mga kapatid nya. Kahit sa harap ng pamilya ko. Kahit sa harap ng mga kaibigan namin.

Normal na ang ganitong closeness namin. Minsan ay dito narin ko sa bahay nila natutulog pag nakainom.

Ayaw akong pauwiin ng mommy nya kahit ilang bahay lang naman ang pagitan ng mga bahay namin.

Napaka bait talaga ng pamilyang ito sakin. Palibhasa ay ninong ng kambal ang tito kong si tito Owen. Bestfriend din ito ng daddy nila na si tito Jonjon. Kaya naman hindi na kami iba sa isa't isa.

Umabot sya ng isaw mula sa lamesa kahit di pa bumabangon at inabot yun sakin.

Kinuha ko naman iyon at sinubuan sya bago ko kinain ang natira.

Sinusubuan ko rin sya ng chichirya habang focus na focus naman sya sa pinapanood.

Paminsan minsan ay sya naman ang nag aangat ng kamay para subuan ako.

Napalingon ako sa hagdan at si Lexie naman ay napatingala doon dahil sa narinig naming yabag.

"Hi tito, nagising po ba namin kayo? Malakas po ba volume?" Bati ko dito.

"Hindi, nauhaw lang ako kukuha akong tubig." Sagot naman nya.

"Eto Daddy, may tubig po dito. Samahan mo narin kami uminom." Sabi naman ni Lexie at umupo.

Lumapit samin si tito Jonjon at naupo sa tabi ni Lexie. Inabutan ko sya ng beer na kinuha naman nya.

Sumandal naman si Lexie sa balikat ng ama at ang mga paa ay pinatong naman sa mga paa kong nakaunat parin at nakapatong sa upuan.

"Kamusta ang prinsesa ko?" Sabi nito kay Lexie at ininom ang beer.

"Okay naman Dad," sagot naman ni Lexie.

Best FriendsWhere stories live. Discover now