29

1.2K 17 7
                                    

Lexie

"Congratz, Alex!" Halos sabay sabay na sabi ng tropa matapos sabihin sakanila ni Jake ang balita.

"Thank you." Nakangiti ko namang sabi sakanila.

Nasa tapat kami ng bahay namin at hinihintay si Drew bago kami maglaro.

Nang biglang tumunog ang cp ni Jake. Binasa nya yun at napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon nya.

"Potz," tumingin sya sakin at nasa mukha nya ang gulat at pagaalala.

"Bakit? Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

Pinabasa nya sakin ang text.

Kaibigan ako ni Rica, she told me to text you. She tried to kill herself. She wants to see you.

Nakatingin sya sakin na parang tinatanong kung anong gagawin nya.

Tumango lang ako para ipahatid sakanyang okay lang na pumunta sya.

"Gusto mong sumama?" Tanong nya.

"No. I don't think makakabuti sakanya pag nakita ako." Sagot ko naman.

"I won't be long." Sabi nya at humalik sakin. "Kayo muna bahala kay potz, bantayan nyo mabuti yan." Baling nya sa tropa.

"I love you," pahabol nya pa sakin.

"Ingat. I love you." Sagot ko naman.

Tumakbo sya papunta sa bahay nya para kuhanin ang motor.

Nakita ko pa nang masalubong nya si Drew kasama si Mike pero nilagpasan nya lang ang mga ito.

"Anyare dun, parang walang nakita?" Kakamot kamot sa ulong tanong ni Drew nang makalapit samin.

"Hi Lex, congratz nga pala." Nakangiting sabi naman ni Mike bago pa ako makasagot sa tanong ni Drew.

"Salamat." Nakangiti ko ring sagot.

"Pasensya ka na pala last time. I hope we can be friends." Seryosong sabi nya.

"Oo naman. Wala na yun. Pasensya ka narin kung napagtaasan kita ng boses." Sagot ko naman sakanya.

"Kasalanan ko naman eh." Sabi naman nya.

Inilahad ko ang kamay ko para makipag kamay.

"Friends?" Sabi ko. Tinanggap naman nya ang kamay ko at ngumiti.

"Friends." Sagot pa nya.

"San punta si Jake?" Tanong ulit ni Drew nang matanaw namin na nakaalis na si Jake.

"Kay Rica." Pabuntong hiningang sagot ko.

"What??" Gulat at halos magkasabay pang tanong ng magpinsan.

"May nagtext sakanya, kaibigan ni Rica. Nagtangka daw magpakamatay si Rica at ngayon ay hinahanap si Jake." Paliwanag ko sakanila.

"Bakit ka pumayag? Dapat sumama ka." May pagaalala namang sabi ni Mike.

"Sinasama nya nga ako, pero naisip ko baka hindi yun makabuti kay Rica pag nakita ako." Sagot ko.

"Masama ang kutob ko dito. I think it's a trap." Sabi muli ni Mike.

"Tama si Mike. Alam natin kung gaano kabaliw yung babaeng yun kay Jake. Gagawin nya lahat masira lang kayo." Nagaalala din sabi ni Drew.

"Naisip ko rin naman yan. Pero pano kung totoo nga? Kilala naman natin si Jake, alam nating allergic yun kay Rica. Ngayon pa ba ako magaalala eh inalok na nya ako ng kasal." Sagot ko.

"Si Jake kilala natin. Pero si Rica hindi. Hindi natin alam kung anong pwede nyang gawin." Sabi naman ni Mike.

Nagtuloy kami sa court para manood ng mga naglalaro. Hindi na kami naglaro dahil nakay Jake ang isip namin.

Best FriendsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum