21

1.3K 14 6
                                    

Lexie

"Now, buhusan mo ng maligamgam na tubig yung niyog. Konti lang, mga isang tasa." Utos ko kay Lexie nang matapos sya sa paghihiwa ng mga sangkap.

Gusto daw nitong matutong magluto dahil nalaman nyang mahilig magluto ang crush nya.

"Maghugas ka mabuti ng kamay, tapos pigain mo yan." Dagdag ko pa.

"What?" Iww!" Sabi nito

"Anong iww," sabi ko naman. "Ayaw na? Tsk, ano kayang sasabihin ni crush pag nalamang nandidiri ka sa pagpiga lang ng niyog." Sabi ko na kunwaring nagiisip.

Tinignan nya ako ng masama bago sumagot.

"Fine!" Padabog na sabi nya.

"Hep, hindi sasarap." Paalala ko sakanya at bigla naman nyang inayos ang mukha nya.

Nang matapos sa ikalawang gata ay pinalinis ko sakanya ang isda.

"Do I really have to do that?" Nakasimangot na tanong nya.

"Pano pag pinagkwento ka ni crush ng mga ginagawa mo pag nagluluto ka?" Pang aasar ko sakanya.

Huminga sya ng malalim bago nilinis ang isda. Pagkatapos ay inasinan iyon at naghugas ng kamay. Nakailang hugas sya ng kamay pero amoy isda parin yun.

"I smell fishy!" Reklamo nya. "I badly need a shower after this!"

Nang tumingin ako sakanya na parang nagpapaalala ay bigla nanaman syang ngumiti ng pilit.

Si Jake naman ay natatawa lang saming magkapatid.

"Painitin mo ung kawali bago mo lagyan ng mantika." Utos ko kay Lexa.

Nang uminit ang mantika ay pinalagay ko na ang isda.

"No! I can't!" Parang maiiyak na sabi nya. Takot matalsikan ng mantika.

"Mainit na ang mantika, hindi na matalsik yan. Pag natakot ka lalong tatalsik yan." Sabi sakanya.

"Okay, maglalagay ako ng isa para makita mo, tapos ikaw na ha?" Tumango ito.

Naglagay ko ng isda sa siyansi at bahagyang pinatiktikan iyon saka inilagay sa kawali.

"Dapat ganun, nakadikit sa mantika, wag mong ibabagsak at talagang tatalon sayo ang mantika." Paliwanag ko. "Okay, your turn."

Kinuha nya sakin ang siyansi at ginaya ang ginawa ko.

Napangiti sya nang magawa nya yun ng tama. Napangiti din ako.

Nang maprito ang isda ay hinango ko ito para matiktikan mula sa mantika. Nagsalang ako ng kaserola.

"Twinie, parang hindi pa luto ung fish." Sabi nya sakin na natingin sa isdang medyo brown lang.

"Hindi talaga, dahil iluluto pa natin yan," sagot ko nmn.

"Lagay ka na ng mantika, konti lng hindi na tayo magpiprito." Utos ko sknya.

"Now, put the ginger... Now garlic... Okay, onions...green beans and carrots... Two minutes and then put the tomato..."

Yup, gusto namin ang may konting tomato.

Mas masarap sana kung manghang. Pero di nila kaya. Kami lang ni Jake ang mahilig sa manghang. Two vs. four, so kami mag aadjust. Harhar.

"Nalagay ko na ang tomato," sabi nya.

"Okay, 3mins and put the bell pepper then season it. Salt and pepper. Don't put too much salt, you'll taste it later... Ilagay mo yung pangalawang gata... Pag kumulo ilagay mo yung isda tapos ung unang gata...wag mong haluin baka malusaw ung isda. Paliguan mo lng ng sauce....yan, very good. Pag kumulo ulit, ibaligtad mo ung isda tapos tikman mo yung sauce adjust mo sa panlasa mo..."

Best FriendsWhere stories live. Discover now