13

1.5K 15 4
                                    

Jake

Nakanganga si Lexie at nanlalaki ang mata nang tumingin ako sakanya.

Ang inaasahan siguro nya ay hahalikan ko si Lexa. At nagulat nang hindi nangyari ang inaasahan nya.

Hindi rin nakaligtas sakin ang lungkot sa mata nya nang lapitan ko si Lexa na napalitan din agad ng kislap nang lumayo ako dito.

"Bwisit ka talaga!" Gigil na sabi ni Lexa sa pang aasar ko sakanya.

Natawa lang ako at lumapit kay Lexie at inakbayan sya.

Nakakunot ang noo nyang tumingin sakin at may pagtataka parin sa mata.

"How did you know?" Tanong ni Lexa sakin.

"Nung tinignan kita," lingon ko sakanya. "Nakita lang kita... Nung tinignan ko si Lexie," lingon ko naman kay Lexie at hinawakan ang kamay nya. "Kumabog ang dibdib ko.." sabay ngiti kay Lexie.

Tumingin ulit ako kay Lexa at nagpatuloy.

"At nang tumingin ulit ako sayo para tignan ka sa mata, I just saw your eyes..." Lumipat ulit ang tingin ko kay Lexie. "But when i looked in your eyes," sabi ko kay Lexie. "I saw love." Pagtatapos ko.

Nakangiti namang nakatingin lang sakin sina tito at tita.

"Ugh," padyak ni Lexa. "Makapag palit na nga." Sabay akyat ng kwarto.

Natawa naman kami.

Pagtingin ko kay Lexie ay nagsalita sya ng i love you na walang boses.

Na nakangiti ko ring ginantihan katulad ng ginawa nya.

Pagkatapos naming mag almusal ay nagkwentuhan muna kami sa natitira naming oras saka na kami nagpaalam.

"Teka, baon nyo." Sabi ni tita bago pa kami makalabas ng pinto.

"Mhie, puro pagkain sa trabaho ko." Natatawang sabi ni Lexie. "Si Jake nalang po." Saka kinuha ang isang lunch box at inabot sakin.

"Oh, eh baunin mo narin tong isa, baka kulangin ka." Natatawa namang sabi ni tita sabay abot pa sakin ng isang lunch box.

"Tita, maiispoiled ako nyan eh." Tumatawa ko naman sabi sabay lagay sa backpack ko ng lunch box.

"Alis na po kami," paalam ni Lexie at humalik na sa ina.

Kinuha nya sakin ang backpack ko at sinuot yun.

"Mabigat yan, akina dito ko nalang sa harap isusuot." Sabi ko sakanya.

"Mabigat ka jan, eh pamalit mo lng na damit laman nito saka lunch box." Natatawa naman nyang sabi.

Kinuha nya ang helmet na nakasabit sa manibela ng motor. Pero bago pa nya maisuot yun ay kinuha ko sakanya. Hinalikan ko sya ng mabilis sa labi saka ko na isinuot sakanya ang helmet.

Nang sumakay sya sa motor, ay mas malapit ang katawan nya kesa noong hindi pa kami.

Pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko dahil sanay syang doon humahawak.

Kinuha ko ang kamay nya at inilipat yun sa bewang ko at bahagya ko pang hinila para mas mahigpit ang yakap nya.

"Better." Sabi ko sakanya at bahagya pang tinapik ang kamay nya bago pinaandar ang motor.

Naramdaman ko namang hinigpitan nya ang yakap sakin pagkatapos ay pinisil ang abs ko. Napapitlag ako sa ginawa nya at narinig ko syang tumawa ng malakas.

Napailing ako at napangiti. Talagang sinusubukan nya ang pagpipigil ko.

Nakarating kami sa trabaho nya. Inalis nya ang helmet nya at iniabot sakin. Saka nya isinuot sakin ang bag ko.

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon