16

1.4K 17 0
                                    

Lexie

Bumalik ako sa kama nang tuluyan nang makaalis si Jake.

Napaiyak akong muli.

I know I'm being unfair to him dahil sa ginagawa kong pag iwas sakanya.

Pero natatakot akong malaman kung anong iniisip nya sakin matapos ang nangyari.

"Anak," tawag ni mommy kasabay ng pagkatok.

Hindi ako sumagot pero pumasok parin sya.

"Nakaalis na si Jake," sabi nya nang makapasok. Hindi pa rin ako sumagot.

"Baby," mahinang tawag nya.

Lumingon ako sakanya at nang makita nyang umiiyak ako ay umupo sya sa tabi ko.

"What's wrong?" Masuyo nyang tanong at bakas ang pagaalala.

Napayakap ako sakanya.

"Mommy," sabi ko habang umiiyak at hinigpitan ko pa ang yakap sakanya.

"Shh, baby." Paghaplos nya sa likod ko. "Tahan na... You can tell mommy anything... Everything. You know that, right?" Pag aalo sakin ni mommy.

Hindi pa rin ako makapag salita kaya puro iyak lang ang ginawa ko.

Mayamaya ay medyo kumalma ako. Hinawakan ni mommy ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Tell me, what's the problem?" Masuyo nyang tanong sakin.

"Mommy, I'm sorry.." humihikbi ko pa ring sabi. "I almost failed you."

"I don't understand. Ikwento mo sakin lahat. Makikinig lang ako." Sabi nya sakin.

"You won't hate me? You won't judge me?" Naiiyak ko nanamang tanong.

"We all make mistakes baby. I don't have the right to judge you. Trust me." Nakangiting sabi nya sakin.

"Sinaktan ka ba ni Jake? Niloko ka ba??" Tanong nya.

"Hindi po... And I know na hindi nya yun magagawa sakin." Bahagya pa akong ngumiti sakanya.

"Good. Ngayon pwede ko nang burahin sa isip ko yung pagsakal kay Jake." Tumatawang sabi nya.

"Mommy!" Medyo natawa ko na ring sabi.

"Okay, ngayon pwede ka na magkwento." Naghihintay na sabi nya.

"K-kahapon po kasi, medyo nagkatampuhan kami... Na naayos naman namin agad dahil wala naman samin ang may kasalanan.." panimula ko.

"So anong problema? Kung naayos nyo na, hindi halata." Nanunuksong sabi nya.

"Pagkatapos po kasi naming magka ayos, w-we kissed and...." Nahihiya akong tumingin sakanya.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Sinuko mo ang-" hindi nya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig nya.

"Mommy! Hindi po!" Namumula kong sabi.

Nakahinga naman sya ng maluwag at napasapo sa dibdib.

"P-pero... Muntik na po..." Sabi ko ulit na ikinalaki ulit ng mata nya.

Mayamaya ay seryoso syang nagsalita.

"So, kaya kayo hindi magka ayos ni Jake ngayon ay dahil nagtampo sya dahil hindi natuloy?" Kunot noong tanong nya.

"Mommy, hindi po... A-ako po yung umiiwas sakanya... Natatakot po kasi akong malaman na baka iniisip nyang easy to get ako.." naiiyak ko nanamang sabi.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Kasi di ba po, ako ang... Ang humalik sakanya bago sya nagtapat sakin? Tapos ngayon, muntik na akong bumigay sakanya... I'm sorry mommy." At tuluyan na akong umiyak.

Best FriendsWhere stories live. Discover now