28

1.2K 13 4
                                    

Jake

Nasa kwarto na ako at nakahiga pero para parin akong nakalutang sa ulap.

She said yes. Napangiti ako.

Tumunog ang cp ko. Text galing kay Lexie.

Lexie: Thank you for everything. You never fail to amaze me. Iloveyou fiance.

Fiance. Lalong lumapad ang ngiti ko.

Jake: Iloveyou more fiance. My goal in life is to make you happy.

Muling tumunog ang cp ko. Chat. Nagsend sya ng picture na nakahiga sya sa dibdib ng bear na bigay ko at nakayakap ng mahigpit.

Para bang iniinggit ako na yung teddy bear ang kayakap nya at hindi ako.

Jake: Ugh, i wish it was me😒

Lexie: I have an idea😉

Bago pa ako makapag reply ay may incoming call na mula sakanya.

Video call. Sinagot ko yun.

Nang marinig ko ang boses nya, namiss ko sya. Pakiramdam ko ang tagal ko na syang hindi kasama.

"Potz, may extra pillow ka?" Mayamaya ay tanong nya.

"Yeah, why?" Tanong ko din.

"Ihiga mo sa braso mo, then think na ako yan. Parang ganito." Sabi nya at saka sya umunan sa braso ng teddy bear at yumakap sa tyan nito.

Naibaba na nya ang cp nya at inayos yun para makapag usap kami ng maayos.

Inayos ko din ang cp ko at ginawa ang sinabi nya.

And the moment I did, I really felt like it was her beside me.

Napapikit ako at kuntentong bumuntong hininga. Ninamnam ko ang pakiramdam na parang katabi ko lang sya.

"Potz," tawag nya sakin.

"Hmm?" Nagmulat ako ng mata para tumingin sakanya.

"Thank you for making me happy." Mahinang sabi nya pero nakatingala sya teddy bear na parang yun ang kausap.

Nagets ko ang ginagawa nya.

She's thinking I'm beside her. She's talking to the bear coz she wants to feel my presence beside her.

And I did the same.

Pag tinitingala nya yung bear, titingin naman ako sa unan na nasa braso ko, imagining that I'm looking to her eyes.

And it really worked. It really feels that we are together.

Then nakita ko syang isiniksik pa ang mukha nya sa leeg ng teddy bear at pumikit. When she did that, hinigpitan ko ang yakap ko sa unan.

Hanggang sa marinig ko ang banayad na paghinga nya.

Pagtingin ko sakanya, she's sleeping peacefully. So innocent. Like an angel.

Napangiti ako at binantayan ko sya hanggang sa hilahin narin ako ng antok.

Para kaming L.D.R, eh limang bahay lang ang pagitan namin.

Siguro kung may makakakita samin, para kaming tanga.

But for us, it's heaven.

Una akong nagising sakanya.

Ayaw ko pa sana syang gisingin pero may pasok kami. At ito rin naman ang oras ng gising nya.

"Good morning sleepy head," sabi ko na narinig naman nya agad.

Best FriendsWhere stories live. Discover now