25

1.2K 15 6
                                    

Jake

Pababa na si Lexie ng hagdan pagdating ko sa bahay nila.

"Ready?" Tanong ko na tinanguan lang nya.

Kinakabahan parin ako. Pano ko ba malalaman ang gusto nyang singsing na hindi sya nakakahalata?

Humingi narin ako ng tulong kay Drew pero wala namang binigay na idea.

Ang sabi lang nito ay sya ang bahala.

Dinala ko si Lexie sa mall. Kumain muna kami at nagpahinga ng konti bago ko sya niyayang maglibot sa loob ng mall.

Gustong gusto ko na syang dalhin sa jewelry store pero hindi parin ako makaisip ng idadahilan.

Si Drew naman ay wala paring balita. Nakalimutan na yata yung 'akong bahala' nya.

Patuloy parin kami sa paglalakad nang biglang tumunog ang cp ni Lexie.

Nakita kong nagreply sya sa nagtext sakanya at tumunog ulit ang cp nya, at nagreply ulit sya bago nagsalita.

"Si Drew. Tinatanong kung nasan tayo. Sabi ko nasa mall." Sabi nya saka tumingin sakin. "Sabi nya tamang tama daw, may hihingin daw syang favor." Dagdag pa nya.

"Ano naman daw?" Tanong ko naman.

Ano kayang nasa isip ng tukmol na yun.

"Hindi pa nagreply eh." Sabi nya pagkatapos ay muling tumunog ang cp nya at binasa yun.

"Samahan mo ko potz." Mayamaya ay sabi nya sakin.

"Saan?" Litong tanong ko at lalong nadagdagan ang kaba ko.

Pano kung magyaya na itong umuwi?

"Hanap tayo ng jewelry store." Sabi nya saka lumingon sa paligid. "Ayun, tara!"

Kumabog naman ang dibdib ko.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko sakanya.

"Hanap tayo engagement ring." Sabi nyang hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako.

Lalo naman akong kinabahan nang marinig ko ang engagement ring.

May alam na ba ito?

Praning.

Napapraning nga yata ako.

"Engagement ring? Potz, magpopropose ka sakin?" Biro ko sakanya para itago ang kaba ko.

"Raulo." Natatawang sabi nya saka huminto sa paglalakad. "Sabi kasi ni Drew nagpapatulong daw yung kaibigan nya. Ako daw naisip nyang hingan ng tulong dahil ako lang naman daw kilala nyang kapareho ng gf nung kaibigan nya. Pareho daw kasi kami ng taste. Kaya tara, tulungan mo ko, alam mo rin naman ang mga taste ko." Paliwanag nya sabay hila ulit sakin.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Genius ka Drew.

Mayamaya ay huminto ulit sya sa paglalakad.

"Teka, di ko natanong kung magkano budget nya." Sabi nya saka akmang kukunin ang cp.

"Okay lang yan." Pigil ko sakanya. "Hahanap lang naman tayo ng maibibigay na idea kung anong taste ng girlfriend nya eh."

"Sabagay. Osya tara na." At tuluyan na kaming pumasok sa store.

Tumingin tingin kami. Pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon nya.

Hanggang sa may umagaw ng atensyon ko.

Simple lang yon pero nang makita ko ay para kong nakitang suot ni Lexie yun. Ganun kasi ang gusto nito. Simple lang.

Best FriendsWhere stories live. Discover now