11

1.6K 27 11
                                    

Jake

Nagkatinginan kami ni Drew. Nagulat kaming pareho sa pagtataray ni Lexie.

Mahaba ang pasensya nito kahit sa mga makukulit na manliligaw nya kaya di namin inaasahan ang mahaba nyang sagot kay Mike.

Pero mas nagulat ako dahil buong pagmamalaki nyang sinasabi na boyfriend nya ako.

Considering na naiilang pa sya lalo na sa harap ng ibang tao, pero sa mga oras na toh, ay walang pagkahiya o pagkailang na makikita sakanya.

"I.... I'm sorry Lex." Sabi ni Mike. "Pero hindi parin ako convinced na kayo na ni Jake."

Aba't makulit pala tong taong toh eh!

Narinig kong gigil na bumuga ng hangin si Lexie.

"Tulad ng sinabi ko, hindi importante sakin kung maniwala ka o hindi. But this man right here," sabi nya at kinuha ang kamay ko at bahagyang itinaas iyon. "is my boyfriend. And I love him so much. Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala. But I can help you convince yourself."

Napansin kong napakunot ang noo ni Mike.

Humarap sakin si Lexie, kinuha ang dalawang kamay ko at inilagay sa bewang nya.

Pagkatapos ay kinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya at tinitigan ako sa mata.

Pumikit sya at tumingkayad para halikan ako sa labi.

Tinanggap ko yun at gumanti ng halik at bahagya pa syang hinapit sa bewang.

Tumagal ng limang segundo ang halik na yun, saka sya bumitaw sakin.

"Did that convinced you?" Nakataas ang kilay nyang tanong nang bumaling kay Mike.

Habang si Drew naman ay namamangha parin sa mga sinabi at ginawa ni Lexie.

Tumingin sakin si Mike bago tumalikod at umalis.

"Whew! Intense yun ah!" Natatawang bulalas ni Drew.

Kinindatan naman ako ni Lexie.

"Pasensya na kayo sa pinsan ko ha." Bigla itong sumeryoso.

"Dapat ko pa nga yata syang pasalamatan eh." Biro ko sakanya sabay lingon kay Lexie at kinindatan ito.

Sabay sabay kaming natawa.

Mayamaya pa ay nagdatingan na ang iba pang tropa at may dalang bola.

"Tara na!" Pagyayaya ni Tikboy samin.

"Saglit lang," sabi ni Lexie bago bumaling sakin. "Potz, dala mo ba cp mo?"

"Yup, bakit?" Sagot ko sabay labas ng cp ko.

"Paki text naman si Jester, yayain mo maglaro tapos sabihin mo paki dala tuloy yung pantali ko ng buhok. Tinatamad akong umakyat ng kwarto eh." Nakangising sabi nya.

Natawa naman ako at tinext si Jester. Mayamaya pa ay lumalabas na ito.

"Catch!" Sabi nito sabay hagis kay Lexie ng pantali sa buhok.

"Thank you bunso." Sabi ni Lexie at nagtali na ng buhok. "Okay, game."

"Alex, parang ang ganda mo ngayon." Sabi ng isa sa tropa naming si Nick habang naglalakad kami palapit sa court.

Crush nito si Lexie at hindi yun lingid sa kaalaman ni Lexie. At okay lang yun sakanya dahil alam nyang hanggang crush lang naman talaga ito.

Humahanga lang ito sakanya dahil naaastigan sakanya. May girlfriend din ito.

"Baliw, maliit na bagay," pagbibiro ni Lexie. "Matagal na akong maganda noh!" Tumatawa pang dagdag nya.

"Oo nga, pero parang may nag iba sayo eh." Sabi nitong medyo tumingala pang nakakunot ang noo. Tila ba pilit iniisip kung anong nag iba.

Best FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant