18

1.4K 18 3
                                    

Lexie

"I'm happy we're okay now." Sabi ni Jake habang naglalakad kami pauwi. Hinigpitan pa nya ang hawak sa kamay ko.

"Alex???" Sabay sabay na tanong ng tropa nang madaanan namin sila sa court.

"Ikaw pala yan! Akala namin kaninang lumabas ka ng bahay nyo, si Lexa. Kaya di ka namin tinawag." Kumakamot ang ulong sabi ni Tikboy.

"Ang sexy mo pala Lex!" Sabi naman ni Drew at umikot pa sa likuran ko at sinipat ako.

"Respeto naman oh, harap harapan ba?" biro ni Jake. "Girlfriend ko toh, tusukin ko mga mata nyo."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pagdating namin sa bahay seryosong naguusap sina mommy at daddy.

Bumati kami sakanila at nang tumingin sila samin ay may pagaalala sa mga mata nila.

Pero sumigla din agad ang mukha nila nang mapatingin sa magkahawak naming kamay ni Jake.

Si daddy naman ay pinasadahan ako ng tingin at ngumiti ng malapad.

"Ang binata ko, dalaga na," pagbibiro nya.

"Dad!" Reklamo ko naman.

"Mabuti naman at okay na kayo." Mayamaya ay seryosong sabi ni daddy.

"Nak, tulungan mo kong magluto." Sabi naman sakin ni mommy.

Nakuha agad namin ni Jake ang ibig sabihin nun.

Gustong makausap ni daddy ng sarilinan si Jake.

Tumingin ko kay Jake na may pag aalala. Tumango lang sya at binitawan ang kamay ko.

Habang tinutulungan ko si mommy ay hindi ako mapakali.

----------**********----------

Jake

Umupo ako nang ituro ni tito ang katapat na upuan.

"Jake, naikwento na sakin ng tita mo ang tungkol sa di nyo pagkakaunawaan ni Lexie." Panimula nito.

"Sorry po tito kung napaiyak ko si Lexie. Hindi ko po sinasadya." Seryosong sabi ko sakanya.

Bahagya syang tumango bago nagpatuloy.

"Alam ko. Nasabi narin sakin ng tita mo ang dahilan nang pagiwas sayo ni Lexie." Sasagot sana ako pero pinigilan nya ako.

"Hindi ako galit. Pero nag aalala ako sa dalaga ko. Bago sakanya ang lahat ng nangyayari ngayon. Kaya sana habaan mo ang pasensya mo sakanya kung nagiging padalos dalos ang emosyon nya." Tumango lang ako dahil alam kong hindi pa sya tapos.

"Tungkol naman dun sa nangyari, napagdaanan ko din yan kaya naiintindihan kita. Nagmahal ka, at yung sobrang pagmamahal nyo sa isa't isa ang dahilan kaya kayo umaabot sa ganong sitwasyon. Napagdaanan na namin yan ng tita mo, kaya hindi namin kayo pinapakialaman. Dahil alam namin kahit anong sabihin namin sainyo, kung talagang gugustuhin nyo, mangyayari at mangyayari parin yun. Kaya imbes na pagbawalan namin kayo, mas pinipili naming magtiwala sainyo. Malalaki na kayo at alam nyo na ang magiging consequences ng mga gagawin nyo. Pero sana Jake, bago kayo gumawa ng isang bagay na maaring pagsisihan nyo tanungin nyo muna ang sarili nyo kung handa na kayo. Naintindihan mo ba ibig kong sabihin?" Tumango lang ako.

"Alam kong responsable kang bata. Alam kong sa dami ng naging girfriend mo, wala kang pinakialaman sakanila. Yun ay dahil alam mo sa sariling mong hindi mo sila kayang panindigan dahil alam mo sa sarili mong hindi mo sila mahal." Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Kaya naman alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na makakasakit kay Lexie. I trust you enough para ipagkatiwala sayo ang anak ko." Pagtatapos nito at tinapik ako sa balikat.

"Salamat po tito. Hindi ko po maipapangakong hindi sya masasaktan sa piling ko. Tulad po kahapon, nasaktan sya. Pero makaka asa po kayong hinding hindi ko sasadyain na masaktan sya." Seryoso kong sabi sakanya na tinanguan lang nya.

"Tara na sa loob, alam ko namiss mo luto ng tita mo." Natatawang biro nya.

Sadyang napaka swerte ko sa pamilyang toh. Hindi ko man kasama ang mga magulang ko, nakahanap naman ako ng pangalawang magulang sakanila.

Para ngang hindi pangalawang magulang eh. Dahil para nila akong sariling anak kung ituring.

Pinagsasabihan nila ako pag kailangan, pinapagalitan pag kailangan. At hindi man ako nabiyayaang magkaroon ng kapatid, nahanap ko naman yun kay Lexa at Jester.

At isa lang ang sigurado ako sa mga oras na toh. Mahal ko si Lexie at gusto kong maging parte ng pamilya nya.

Parte na ako nito, pero hind yun ang ibig kong sabihin. I want her to be my wife.

Kung pwede nga lang magpropose ngayon mismo gagawin ko.

Pero ayoko syang biglain. Ilang araw palang mula ng sagutin nya ako.

Sigurado na ako sa gusto kong gawin. At alam kong mahal nya din ako. Pero baka pag masyado ko syang binigla, baka maguluhan sya.

I can wait.

Pumasok na kami ng bahay at nadatnan namin si tita na nakikipaglaro ng scrabble kay Lexa at Jester.

Binati ako ni Jester at Lexa na ginantihan ko naman.

Lumapit sakanila si tito at tumabi kay tita.

"Si Lexie?" Tanong ni tito.

"Nasa kusina, sya ang nagluluto." Sagot naman ni tita.

Nagpaalam akong pupuntahan ko muna sa kusina na tinanguan lang nila.

Nang makita ko syang naghahanda ng mesa at binalikan ang niluluto, nakasuot ng apron, napangiti ako.

Naimagine kong sa bahay sya nagluluto at nakayakap ako mula sa likuran nya, pinatikim sakin ang niluluto, at nang sabihin kong masarap ay hinalikan ako.

Napailing ako para matigil ako sa pag de-day dreaming ko.

Napalingon sya sakin nang maramdaman ang presensya ko.

Ngumiti sya sakin pero nagtatanong ang mga mata. May bakas din ng pagaalala.

"Everything's fine." Nakangiti kong sabi sakanya at tila naman nakahinga sya ng maluwag.

Nang hawakan ko ang kamay nya, ay muntik na akong hindi makapag pigil na magpropose.

Not now. Specially, not without a ring.

Akma kong hahalikan ang kamay nya nang hilahin nya yun.

"Amoy bawang at sibuyas." Sabi nya saka tumawa.

"Kahit na amoy singkamas, talong, sigarilyas, mani, sitaw, bataw, patani, kundol, patola, upo, kalabasa, labanos , mustasa, sibuyas, kamatis, bawang, at luya pa yan, hahalikan ko parin yan." Sabi ko sabay kuha sa kamay nya at hinalikan yun.

Natatawa naman syang nailing.

"Sige na, gutom lang yan, paki tawag na sila at kakain na." Sabi nya sabay hawak sa balikat ko, ipinihit ako patalikod at bahagya akong itinulak sa direksyon ng pinto.

Masaya kaming naghapunan. Sa kabila ng nagdaang hindi namin pagkakaunawaan ni Lexie ay hindi ako nakaramdam ng tensyon sa pagitan ko at ng pamilya nya.

Best FriendsWhere stories live. Discover now