1

7.9K 62 6
                                    

Lexie

Nasa tapat ako ng bahay namin at nakaupo sa isang bato sa gilid ng kalsada. Naka focus ako sa pagtalbog talbog ng bolang hawak ko.

"Potz!"

"Ayy nahulog ang pwet!!!" Gulat kong sigaw dahil sa ginawang pang gugulat sakin ni Jake.

Tawa naman ng tawa ang mokong.

Bestfriend ko si Jake mula pa pagkabata. Babaero ito pero hnd naman two-timer. Naghihiwalay muna sila bago sya magpalit.

"Gago ka tlga!" Binato ko sakanya ang bolang hawak ko. "Kelan ka ba titigil sa pang gugulat mo sakin?"

"Ouch!" Tumatawang reklamo nya dahil tumama ito sa sikmura nya. "Pag nag bestida ka na."

Inirapan ko sya. Habang ang luko-luko eh tawa ng tawa.

Alam ko naman kung bakit gustong gusto nyang ginugulat ako. Aliw na aliw sya sa ekspresyon kong "ayy nahulog ang pwet!" kapag nagugulat ako.

"Raulo! Baka mauna ka pang mag bestida sakin noh!"

Boyish ako. Di ako tomboy. Babaeng babae ako. Ayaw ko lang talagang nagsusuot ng palda o bestida. Pakiramdam ko nasisilipan ako.

Mas gusto ko ang maluwag na shirt, at jersey shorts o pantalon.

"Tsk! Pano ka maliligawan nyan?" Pang aasar nito.

Inirapan ko lang sya.

"Oh, Jake anjan ka na pala. Pumasok muna kau nagluto ako ng pansit pang meryenda." Tawag samin ni mommy.

"Hi tita! Naku mukhang masisira nnmn diet ko nito!" Sabi ng mokong habang pinagkikiskisan pa ang mga palad na para bang excited na exited.

"Urur, di ka naman nagdadiet!" Pambabara ko dito.

Natatawa nlng si mommy at naiiling habang naghahain ng meryenda.

Ganito tlga kami mag usap. Normal na ang mga ganyang ekpresyon namin. Nasanay narin sina mommy at daddy.

"Mhie, bat wala pa po si Lexa?" Tanong ko kay mommy.

"Parating narin yun. Sige na kumain na kayo." Sagot ni mommy.

Kakambal ko si Lexa. Magkamukhang magkamukha kami pero ibang iba kami.

Boyish ako at laging maluluwang ang suot at sya naman ay kikay at mas mahilig sa dress.

Makwento sya tungkol sa mga boys o sa mga crush nya. Ako naman ay hindi. Sabagay wala naman akong crush na ikukwento. Ang mga crush ko lang naman puro artista.

Pero kahit magkaiba kami, close na close naman kami.

Napangiti ako at naalala ang kabataan namin.

"One, two, three, game!" Tumakbo kami palapit kina mommy at daddy na nanonood sa sala.

Tumayo lang kami sa harap nila at nakangiti.

"Oh, Lexie bat naka dress ka? Akala ko ba ayaw mo ng dress?" Tanong ni mommy na nakatingin sakin.

"Ihhh, Mommy I'm Lexie!" Reklamo ni Lexa na pumapadyak pa.

"No sweetie," malambing na sagot ni mommy. "Kahit magkamukha kau, at kahit magsuot pa kau ng parehong damit, alam ko kung sino ang sino sainyo."

"Tama ang mommy nyo," nakangiti namang sang-ayon naman ni daddy. "Kahit ano pang gawin nyo, alam namin kung sino si Lexie at kung sino si Lexa."

Lumapit kami sakanila at kumandong ako kay mommy at si Lexa naman kay daddy.

"Eh bakit hnd po kau nagkakamali?" Tanong ko sakanila.

"Dahil galing kau sakin." Nakangiting sagot ni mommy. "Alam ko lahat ng tungkol sainyo. Alam ko kung malungkot kau, kung masaya kau, at alam ko din kung may binabalak kaung kapilyahan"

*BURRRRPP!!*

Natigil ang pagpa flashback ko ng marinig ko ang dighay ni Jake.

Pagtingin ko sa plato nya ay may dalawang plato na ang simot na simot.

Nang akma na akong kakain ay wala na ang plato ko sa harap ko.

Ang mokong, kinain pati pagkain ko!

"Wengya ka, pati pagkain ko tinira mo." Natatawa kong sabi sakanya.

"Sarap kasi ng luto ni tita eh." Nakangisi naman nyang sagot.

"Asus binola pko nito," Sabi naman ni mommy. "Ang sabihin mo marami kang alagang sawa."

Nagtawanan kaming tatlo.

"I'm home!" Masiglang bati samin ni Jester.

Bunso namin. 5years ang tanda namin sakanya.

"Oh bunso, umupo kna at magmeryenda bago pa masimot ng kuya Jake mo pati ang kaldero." Sabi sakanya.

"Grabe ka sakin ha," sabi naman ni Jake sakin pero nakatingin sa kaldero. "Tita meron pa ba?" Sabay tanong kay mommy.

"Kita mo!" Sabi ko saka ko sya binatukan.

"Aray naman!" Reklamo nito.

Paborito talaga nito ang pansit lalo na ung luto ni mommy na maraming sahog at gulay.

"Jake, sau nalang ung para sakin." Bungad ni Lexa na kadarating lang.

Di kasi mahilig sa pansit ang kakambal ko dahil ayaw nya ng gulay.

"Yes!!" Tuwang tuwa nmng bulalas ng mokong. "Bait mo talaga Lexa, dapat ikaw nlng bestfriend ko eh." Nang aasar pang sabi nito.

"Di yan mabait noh, di lang yan kumakain ng gulay kaya binibigay sau!" Sabi nmn ni Jester na punong puno pa ng pansit ang bibig.

Close kami ni Jester. Magkasundo kami. Dahil siguro nasasabayan ko sya sa paglalaro ng basketball. Di tulad ni Lexa na lagi silang nag aaway.

"Nye, nye," pang gagaya skanya ni Lexa.

"Mhie, di po ako uwi tonight, may sleep over po kami kila Casey." Baling ni Lexa kay mommy. Na tinanguan lang ni mommy.

Si Casey ay ang bestfriend ni Lexa.

"Tita pwd ko po bang isama si Lexie, gigimik po kasi kami ng tropa." Paalam naman ni Jake.

"Huy, ayoko noh! Ano naman gagawin ko dun!" Sabi ko kay Jake.

"Sige na potz, naman eh! Kasama kasi nila mga gf nila, ako lang walang kapartner edi na-OP ako dun" pangungumbinsi nya sakin.

"Mao-OP ka pla edi wag kna pumunta. Saka gf nila kasama nila, bakit jowa ba kita? Bat di ung gf mo isama mo? Oopps, wala ka nga plang gf kasi nabasted ka." Pang aasar ko dito.

"Hoy, excuse me noh, Jake Alcantara? Mababasted? Di siguro." Sabi nya na nag mister pogi sign pa. "Ako tumigil sa panliligaw dun, ang arte eh!"

"Woohh, hangin! Kapit kayo baka liparin kayo!" Sabi ko naman at humawak pa sa sandalan ng upuan ko.

"Sige na anak, sumama ka na, dayoff mo naman bukas eh." Si daddy na kadarating lang.

"Hi dad," humalik ako sakanya. "Bat ang aga mo po?"

"Eh namiss ko mommy nyo eh, kaya umuwi nko tutal wala naman na ginagawa sa clinic." Sabay kindat niya kay mommy.

Natawa naman kami lahat at sabay sabay na nag "ayieehhh".

Super sweet talaga ang mga magulang ko. Kahit 24 years na silang kasal ay hnd nawawala ang kasweetan nila. Araw araw paring nililigawan ni daddy si mommy. Sila ang patunay na may forever.

"Isama nyo narin c Jester para masolo ko ang mommy nyo." Sabi pa ni daddy sabay halik sa noo ni mommy.

Basta si Jake talaga ang kasama ko, kampante sila. Alam nilang safe ako pag sya ang kasama dahil alam nilang hindi ito sumasama sa masamang barkada.

"Ouch!! Aray, aray!" Sabi ko sabay kamot sa paa ko.

"Napano ka ate?" Nag aalalang lapit ni Jester sakin.

"Ok ka lng twinie?" Tanong din ni Lexa.

"Andaming langgam kinagat ako." Sabi ko na tumatawa.

Tawanan kaming lahat.

Best FriendsWhere stories live. Discover now