27

1.2K 13 9
                                    

Lexie

Kumalas ako sandali sakanya at kinuha ko sa bag ko ang regalo ko sakanya.

Binalikan ko sya at inabot yun sakanya.

Magsasalita sana sya pero inunahan ko sya.

"Alam kong sinabi mong ayaw mo ng regalo. But please, accept this one. Ang daya mo nga oh, tinalo mo nanaman tong regalo ko sayo." Sabi ko sakanya sabay turo sa paligid na inayos nya.

Ngumiti sya at tinanggap yun. Binuksan nya at nakita kong natuwa sya dahil mahilig talaga ito sa watches.

"Thank you. I love it." Bulong nya.

Kinuha ko yun sakanya at hinawakan ang kamay nya.

Inalis ko ang suot nyang relo at ipinalit yun.

Hinila nya ang kamay ko at hinalikan ito.

Tinitigan ako at napansin kong nangingislap ang mga mata nya tanda ng pinipigil na luha.

"Is there something wrong?" May pagaalalang tanong ko.

"No," sagot naman nya. "With you, everthing is right." Seryosong dagdag pa nya.

Mayamaya ay sya naman ang may kinuha. C.D yun at isinalang nya.

Mayamaya ay napapanood ko na sa t.v ang slideshow ng pictures naming dalawa. Mga memorable pictures namin na magkasama mula pagkabata namin hanggang sa mga selfies namin together mula nung magbestfriend palang kami hanggang ngayong kami na. May mga stolen shots din na hindi ko alam na meron sya.

Nag init ang mga mata ko.

Muli nya akong niyakap at nilapit ang bibig sa tenga ko.

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim bago nagsalita.

"Potz," mahina nyang bulong.

"Hmm?" Malambing kong bulong habang nagsisimula ulit kaming sumabay sa music.

"This past two months was the most torturing days of my life." Bulong nya.

Naguluhan ako. Nahirapan ba ito sa relasyon namin?

Gumalaw ako para tignan sya pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang yakap sakin at nagpatuloy.

"Magmula nung unang araw natin, hinintay ko na ang araw na toh. God knows kung ilang beses akong muntik ng hindi makapag pigil. From day one, gusto ko nang gawin ito pero ayaw kong mabigla ka at maguluhan at makaapekto sa magiging desisyon mo. My love for you is so strong at napakahirap nitong pigilin sa pag apaw. Every day, I keep falling inlove with the same person. You make me fall inlove with you over and over again. Every time I hold your hands, I almost lose control and get down on my knees." Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Gusto kong magsalita pero lalo lang humihigpit ang yakap nya sakin. Habang ako naman ay nakatuon ang mga mata sa t.v at nakikinig sa mga sinasabi nya.

"Sa loob ng two months, wala akong ibang nasa isip kundi ang bumuo ng pamilya kasama ka. I can't wait for the days na gigising at matutulog ako na katabi kita. I can't wait for the days na gigising ka sa umaga at hahagilapin mo ako sa tabi mo pero wala ako dahil pinagluluto kita ng almusal. God, how much I love you... Every time I hug you, every time I hold you, the whole world is in my hands. I wouldn't change you for the world." Nagsimulang pumatak ang luha ko.

Kumalas sya sakin at kinulong ang mukha ko sa mga palad nya.

Nangigislap parin ang mga mata nya habang masuyo nyang pinapahid ang mga luha ko.

"Hind ako makapaniwalang two months palang tayo. It feels like I've been waiting forever. Potz, I love you so damn much. And I don't see myself with anybody else but you. Parang kailan lang bestfriend lang kita, and for two months now, girlfriend na kita. Pwede bang maging asawa naman kita?" Nanlaki ang mata ko kasabay ng lalo pang pagbilis ng pagtulo ng luha ko.

Best FriendsWhere stories live. Discover now