35

1.4K 11 1
                                    

Lexie

"Lexie, lika nga dito anak, tulungan mo ko." Tawag sakin ni mommy mula sa terrace.

Nagulat ako nang paglabas ko ay nandoon si Jake.

"Asan na yung mangga ko?" Nakasimangot na tanong ko sakanya.

"Oo, kukuha ako, may pinag usapan lang kami ni tita." Nakangiting sagot naman niya.

"Anak, maupo ka nga sandali." Sabi ni mommy na ikina-kunot ng noo ko. Akala ko ba magpapatulong ito?

Naupo ako at naupo naman si mommy sa tapat ko habang si Jake ay tumayo sa likuran ko at ipinatong ang mga kamay sa balikat ko.

"Nak, papacheck up tayo bukas ha, tamang tama sunday naman, wala kang pasok." Nakangiting sabi ni mommy.

"Bakit Mhie, may nararamdaman po ba kayo?" Nagaalalang tanong ko.

"Ikaw ang magpapa check up, hindi ako." Masuyong sagot niya. Na ikina-kunot ng noo ko.

"Wala naman po akong sakit." Nalilitong sabi ko.

"Antok na antok ka daw kaninang umaga sabi ng kakambal mo." Sabi ni mommy. "Hindi ka ba nahilo?"

"Kanina po sa resto. Pero nawawala din naman po. Pag nagluluto lang ako bumabalik. Sa pagod lang po siguro sa trabaho. Tamad na tamad nga din akong magtrabaho kanina eh." Sagot ko naman.

Nagkatinginan sila ni Jake, ngumiti si mommy kay Jake pagkuwan ay si Jake ang nagsalita.

"Nagcrave ka ng chocolate potz tapos sarap na sarap ka eh ayaw mo naman ng chocolates di ba?" Sabi ni Jake.

"Naghanap kasi ng matamis panlasa ko. Eh teka, ano naman konek nun sa pagpapa check up ko?" Nalilito ko paring tanong.

"Yung mangga bakit ayaw mong ipamigay?" Imbes na sagutin ako ay muling tanong ni Jake.

"Akin nga kasi yun." Nakangusong sagot ko.

"Yung pabango ko bakit inlove na inlove ka? Dati mo na naaamoy toh ah." Tanong niya ulit.

"Hindi ko alam. Baka ngayon ko lang napansin." Sagot ko naman.

"I know why, sweetie." Sabi ni mommy. Tinignan ko lang siya ng may pagtatanong.

"You're pregnant baby." Masuyong sabi niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko.

Am I? Buntis ba talaga ako?

Medyo lang naman yung hilo ko ah. Saka di naman ako nagsuka. Saka isang beses lang naman yun ah.

Isang beses pero nakatatlo kayo.

Namula ako sa naalala kong yun.

Naramdaman kong pumisil ang mga kamay ni Jake sa balikat ko kaya lumingon ako sakanya. Bakas sa mukha nya ang tuwa.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa tiyan ko at hinaplos iyon. Napangiti ako. Nangilid ang luha ko dahil sa tuwa. At pagtingin ko kay mommy ay ganun din siya. Naupo si Jake sa tabi ko at hinawakan ang tiyan ko.

"Papacheck tayo bukas para maconfirm natin. Tumalon ka pa naman kanina nang abutin mo yung mangga. Mamaya bawal pala sayo ang tumalon." May pagaalalang sabi ni Jake.

Nakangiti akong tumango. Sinabi ko rin sakanila na wag na munang sabihin sa iba hanggat hindi pa namin nasisigurado.

----------**********----------

Jake

Kinabukasan ay sinimulan namin ang araw namin tulad ng nakagawian na tuwing linggo. Ang pagsisimba.

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon