6

2.3K 24 7
                                    

Jake

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Niyakap ko ng mahigpit si Lexie. Natatakot akong baka panaginip lang ito at paggising ko ay wala sya sa tabi ko.

Kung panginip nga ito, ayoko nang magising.

Napangiti ako nang maalala ko ang paghalik nya sakin.

Para akong mauubusan ng hininga.

Pero tuluyan akong naubusan ng hininga nang sabihin nyang mahal nya rin ako.

"Bakit ang lapad ng ngiti mo jan?" Tanong ni Lexie nang tingalain nya ako.

"Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya." Bulong ko sakanya at hinalikan ko sya sa labi.

"Teka, may tanong ako." Sabi ko sakanya at huminto ako saglit sa paghalik sakanya.

"Ano yun?" Kunot noong tanong nya.

"San ka natutong humalik? Bat ang sarap?" Natatawang biro ko sakanya na ikina-blush naman nya.

"Raulo ka talaga," nahihiya namang sabi nya sabay subsob ng mukha sa leeg ko.

Lumakas naman ang tawa ko. Pero natigil din yun nang maramdaman kong hinalikan nya ang leeg ko.

Pag tingin ko sakanya ay sya naman ang natatawa at kinindatan pa ako.

Wala na, talo na ako, harhar.

"I love you so much potz." Masuyong bulong ko sakanya habang yakap ko sya.

"I love you too..." Ganting bulong naman nya at hinigpitan ang yakap sakin.

"Sige na, umakyat ka na para makapag pahinga ka." Kumalas ako sakanya. "Baka ano pa magawa ko sayo. Ako na magliligpit dito."

Namula na naman sya. Natawa naman ako.

"Tulungan na kita para makapag pahinga ka narin, madaling araw na pla oh." Sabay tingin sa orasan. 3am.

Ang bilis ng oras. Gusto ko pa syang kasama pero mukhang pagod na sya.

Nang matapos kaming magligpit ay nagpaalam na syang aakyat na.

Niyakap ko muna sya at hinalikan. Inubos ko ang powers ko para lang pakawalan sya. Dahil kung ako ang masusunod, ayoko nang matapos ang halik na yun.

"Girlfriend na kita, wala ng bawian." Bulong ko sakanya bago ko sya tuluyang bitawan.

Nakakailang hakbang palang sya sa hagdan nang lumingon sya sakin.

"Ligawan mo muna ako." Natatawang biro nya.

"Yun lang pala eh. Kahit girlfriend na kita, araw araw parin kitang liligawan." Sabi ko sabay kindat.

Nakangiti naman syang iiling iling saka na tuluyang umakyat.

Nahiga naman ako sa sofa. Doon ako sa kwarto ni Jester natutulog pag dito ako nagpapalipas ng magdamag.

Pero dahil mag uumaga narin naman kaya dito nalang ako sa sala matutulog.

Ayaw akong dalawin ng antok. Gusto kong magtambling sa sobrang tuwa.

Nahaplos ko ang mga labi ko at napapikit ako nang maalala ang ginawang paghalik sakin ni Lexie.

Namumungay pa ang mga mata ko nang imulat ko at tumingin sakanya nang hawakan nya ang baba ko at iharap ang mukha ko sakanya.

Napapikit naman akong muli nang lumapit ang mukha nya. Hanggang sa maramdaman kong hinalikan nya ang mga mata ko.

Nanatili akong nakapikit sa takot na baka nananaginip lang ako at pagdilat ko ay matapos din ang panaginip na yun.

Best FriendsWhere stories live. Discover now