17

1.4K 17 3
                                    

Jake

Bibigyan ko sya ng panahon na mag isip kung yun ang kailangan nya. Kahit mahirap.

God, i miss her so much.

Binaba ko ang iniinom kong beer para pagbuksan ang kumakatok.

Hinanap ng mga mata ko ang shirt na hinubad ko kanina pero hindi ko makita kaya nanatili nalang akong walang pang itaas at tinungo ang pinto.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang tumambad sakin si Lexie pagbukas ko ng pinto.

Pareho kaming natulala.

Nakita kong bumaba ang tingin nya sa dibdib ko. Pagkatapos ay bumaba pa sa abs ko. Narinig ko din ang paglunok nya bago nag iwas ng tingin sa hubad na katawan ko.

Gusto kong ngumiti pero di parin ako makakilos.

Nagulat ako sa pagdating nya. Pero mas nagulat ako sa ayos nya. Sexy, pero hindi mababastos.

"P-pasok ka..." Nauutal kong sabi. "P-pasensya ka na medyo magulo." Sabay ligpit ng bote.

"Umiinom ka?" Tanong nya sakin.

Alam kasi nyang hindi ako umiinom magisa.

Umiinom lang ako pag nagkaka yayaan ang tropa. O pag nagkakatuwaan sa bahay nila.

"Pam... Pampaantok lang." Hindi pa rin ako mapakali.

"Potz, we need to talk..." Mahina nyang sabi.

Potz. Nabawasan ang bigat ng dibdib ko.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko sakanya.

Kumunot ang noo nya.

"Hindi naman ako nagalit." Sagot nya.

"I... I'm sorry kung iniwasan kita," panimula nya. "I'm sorry kung hindi kita hinarap nung gusto mo akong kausapin... Hindi ako galit sayo... Ang totoo nyan, kaya ako umiiwas ay dahil wala akong mukhang maiharap sayo... Nahihiya ako sayo... Iniisip ko na baka dahil sa nangyari, bumaba ang tingin mo sakin... Na baka inisip mong ang dali mo lng akong nakuha... Una, ako ang unang humalik sayo, tapos ngayon, ganun lang kadali akong bumigay sayo... Na kung walang dumating nung mga oras na yun, baka.... Baka...." Hindi ko na sya pinatapos dahil maliwanag na sakin ang paliwanag nya.

Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mata.

"Potz, kahit konti, hindi ko naisip yun. Ang totoo kaya kita gustong makausap kagabi ay dahil inaalala ko na baka magalit ka sa ginawa ko... Na baka isipin mong binastos kita, na hindi kita nirespeto... Kaya gusto kong linawin sayo na hindi yun ganun.. nung ayaw mo akong harapin, hindi ko alam kung pano ko pa mababawi ung iniisip mo sakin... Pero kahit iniisip kong galit ka sa ginawa ko, hindi ko magawang pagsisihan yung nangyari... Kasi gusto ko un..." Mahabang paliwanag ko.

"Sorry kung nag jump into conclusions agad ako... Sorry kasi hindi kita hinarap kagabi... Sana nalinawan natin agad... Sorry..." Naiiyak nyang sabi.

"Shhh... Sorry din dahil nag jump into conclusions din ako... At wag na wag mong iisipin na bumababa ang tingin ko sayo dahil hinding hindi mangyayari yun... Kahit natuloy yung nangyari kahapon, hindi yun magiging dahilan para bumaba ang tingin ko sayo, dahil magiging patunay lang yun ng sobrang pagmamahal mo sakin. At ngayon pa lang sasabihin ko na sayo, kahit anong gawin mo, hindi bababa ang pagtingin ko sayo. Ayokong mag aalangan kang gawin ang gusto mo dahil lang iniisip mong bababa ang tingin ko sayo. That would never happen. Okay?" mahabang sabi ko sabay halik sa kamay nya.

"Promise, mula ngayon, kung may gumugulo sa isip ko, pag uusapan natin agad... Tama si mommy at Lexa, hindi makakatulong ang pagka praning.." nakangiting sabi nya.

Best FriendsWhere stories live. Discover now