15

1.5K 17 2
                                    

Jake

"Tol, galing ako kila Alex, wala pa kayo dun, pero andito motor mo kaya pinuntahan na kita." Bungad agad ni Drew nang pagbuksan ko ng pinto.

Hindi pa rin humuhupa ang init ng katawan ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Drew o maiinis.

Gusto kong mainis dahil istorbo nanaman ito.

Pero gusto ko din magpasalamat dahil napigilan ang pwedeng mangyari.

Mahal ko si Lexie. Gusto ko yung nangyari samin. Pero hanggat maaari ay ayokong isipin nya na hindi ko sya nirerespeto.

Hindi ko alam kung anong iisipin nya sakin ngayon.

"Dito na kasi kami dumerecho para hindi ko na dalhin yung motor sakanila saka para magpalit narin ng panglaro." Walang gana kong sagot.

Iniisip ko parin ang kung anong tumatakbo sa isip ni Lexie.

"Kanina pa dapat kami nandun kaso dumating si Rica, kaya nadelay kami. Paalis na rin kami, nag C.R lang si Lexie." Dagdag ko pa.

Iniwan ko si Drew at kinatok si Lexie.

"Potz," tawag ko sakanya. "Andito na si Drew."

Binuksan nito ang pinto at lumabas.

Tumingin sya sakin at agad ding nag iwas ng tingin. Maging nang batiin nya si Drew ay wala ding sigla.

Umalis na kami at nagpunta sakanila.

Iniwan nya kami sa labas ng gate at nagpaalam na magpapalit ng damit.

Pagbalik nya ay naupo sya sa batong madalas nyang upuan.

"Pass muna ako guys, masama pakiramdam ko." Matamlay nyang sabi sa tropa.

Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa noo. Tumingin lng sya sakin at mabilis ding nag iwas ng tingin.

Tumayo sya at nag excuse saka naglakad papasok.

Pero bago pa sya makapasok ng gate ay nahawakan ko na ang kamay nya. Tumigil sya pero hindi tumingin sakin.

Nilingon ko ang tropa at sinenyasang mauna na sila. Bakas ang pag aalala nila kay Lexie dahil ngayon lang nila ito nakitang ganito.

Tumango sila at umalis na.

"Potz, let's talk." Mahinang sabi ko.

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"Not now, Jake... Not now please." Garalgal na sabi nya. Bakas sa boses ang lungkot.

Jake.

She never called me by my name.

She did. Awhile ago. When she was moaning your name in pleasure.

Well, that's an exception.

Hindi nya pa ako tinawag na Jake in a serious, firm tone. Ngayon pa lang.

And it hurts. It damn hurt.

Lumuwag ang pagkahawak ko sa kamay nya. Ayaw ko syang bitawan, pero ramdam kong hindi ito ang tamang oras para ipilit ang gusto ko.

Patakbo syang pumasok ng bahay habang naiwan naman akong hindi alam ang gagawin. Gulong gulo ang isip ko.

Napaupo ako  sa bato at nasalo ko ang mukha ko.

"Need a friend?" Nag angat ako ng mukha.

Si Lexa yun na kadarating lang. Naupo sya sa tapat ko at tinitigan ako.

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon