36

1.4K 17 0
                                    

Lexie

Nagising ako sa amoy na nanuot sa ilong ko.

"Ano yun?" Tanong ko na lukot ang ilong at luminga linga pa sa paligid.

Nang mapansin ko si Jake.

"Hala, napahaba pala tulog ko. Sorry potz, nangawit ka ba?" Tanong ko sakanya na nginitian lang niya.

Naamoy ko nanaman yung amoy na yun. Sumakit ang ulo ko sa amoy nun kaya nahilot ko bigla ang sintido ko.

"Okay ka lang potz?" May pagaalalang tanong ni Jake.

"Ano ba yung amoy na yun? Nakakahilo." Sagot ko naman sakanya.

Suminghot singhot siya para amuyin kung ano ang amoy na tinutukoy ko.

"Amoy bawang, baka yung niluluto ni tita." Mayamaya ay sabi niya.

Napatayo ako bigla para tumakbo sa c.r dahil biglang bumaligtad ang sikmura ko sa amoy.

Paglabas ko ng c.r ay nakaabang dun si Jake at nagaalala akong hinaplos sa likod.

"Okay ka lang?" Tanong niyang nasa boses ang pagaalala. Tumango ako.

"Potz, nagugutom ako." Tila pagod na sabi ko sakanya.

"Anong gusto mong kainin?" Mabilis naman na tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Sige, maupo ka muna sa sala, punta lang ako sa kusina, hahanap ako ng pwede mong kainin, ha?" Masuyong sabi niya sakin.

"Sama ako." Sagot ko at kumapit pa sa braso niya.

Ayaw ko siyang nawawala sa paningin ko. Mukhang napaglilihan ko toh ah. Harhar.

"Sasama ka, eh nasusuka ka nga sa amoy ng niluluto dun." Kumakamot sa ulong sabi niya.

Tumayo si daddy at nilapitan kami.

"Okay ka lang ba anak?" Nagaalalang tanong niya sakin na tinanguan ko naman.

"Nagugutom daw po tito, ayaw naman ako pakawalan para maihanap ko ng makakain sa kusina. Gusto sumama pa siya eh nahihilo nga siya sa amoy ng niluluto doon." Kumakamot sa ulong sumbong ni Jake kay daddy.

Natawa naman si daddy.

"Pasalamat ka nga at ayaw kang pakawalan. Nung yung mommy nyo ang nagbuntis kay Jester, ayaw na ayaw akong nakikita. Sa sala ako lagi natutulog." Natatawang sabi ni daddy na tinawanan din namin.

"Sige na, iakyat mo nalang siya sa kwarto niya para di na maamoy yung ayaw ng pang amoy niya. Aakyatan nalang namin kayo ng pagkain dun." Sabi ni daddy kay Jake.

"Thank you daddy." Sabi ko naman dito at niyakap pa bago kami umakyat ni Jake.

Inalalayan akong maupo ni Jake sa kama ko nang makapasok kami ng kwarto.

"Potz, di naman ako pilay, grabe ka naman makaalalay." Natatawang sabi ko sakanya.

"Mas maganda yung sigurado. Baka bigla kang mahilo at matumba, o kaya baka madulas ka." Seryoso naman niyang sagot.

"Thank you, daddy." Nakangiti kong sabi sakanya saka ko siya hinalikan sa labi.

Napangiti naman siya.

"Ang sarap pakinggan. Mahal na mahal ko kayo." Masuyong bulong niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Potz, gusto ko ng mangga." Sabi ko sakanya.

"Sabi mo ayaw mo? Teka, ite-text to si Jester pabibilhin ko." Natatawang sagot niya.

"Ayaw ko ng bili. Gusto ko yung nakaw." Nakalabing sabi ko sakanya.

Best FriendsWhere stories live. Discover now