2

3.8K 39 10
                                    

Jake

Saturday night at nagka yayaan ang barkada na mag roadtrip. Pickup ni Drew na isa sa barkada namin ang gamit ng tropa. Ako naman ay dinala ko ang motor ko. Iaangkas ko nalang sina Lexie at Jester. Kasya naman.

Kumpleto na kami at si Lexie at Jester nalang ang kulang. Sinundo ko na sila at nakasunod naman sakin ang pickup.

Nadatnan ko sila na nasa harap na ng bahay nila. As usual, maluwag ang shirt ni Lexie at naka pantalon. Naka ponytail ito at nakasuot ng cap.

Hinagis ko sakanya ang extra helmet ko na mabilis naman nyang sinalo.

Tinanggal nya ang cap nya at isinuot ang helmet.

"Jes, kunin mo kay drew yung hiniram kong helmet para sau." Baling ko kay Jester.

Bumaba nmn si Drew at lumapit samin dala ang helmet.

"Hi Jes, hi Lexie!" Bati nito sa dalawa.

"Alex" Pagdidiin naman ni Lexie.

Napangiti ako at napailing. Ayaw na ayaw tlaga nito na tinatawag syang Lexie. Mas gusto nyang patawag na Alex.

Wala lang sya magawa sa pamilya nya dahil mapilit ang mga ito sa Lexie kaya hinayaan nya nalang.

Alexis is her real name. Alexis Villanueva. At ang kakambal naman nyang si Lexa ay Alexa.

Kahit sakin ay ayaw nyang patawag na Lexie. Kaya potz nalang ang tawag ko sakanya na naging tawag na rin nya sakin.

"Yah, yah, yah. Alex." Sabi ni Drew na iniikot pa ang mga mata.

Inabot nito kay Jester ang helmet.

"May space pa ba sa pickup? Dun nlng ako." Sabi nito. Ayaw kasi nitong nagugulo ang buhok.

Mas maarte pa sa buhok ito kaysa sa ate nitong si Lexie.

"Meron pa naman. Sige tara na." Sagot naman ni Drew at sumakay na sila.

Naiiling naman si Lexie sa kapatid at nangingiti.

Napatitig naman ako sakanya. I really like her smile. Tipid at medyo nakaangat lang ang isang sulok ng labi pero litaw ang dimples.

Yung smile lang ba??

Luh, sino ung boses na yun? Pero tama ito, I like her too. Not just her smile.

Pero syempre di nya alam. Ayokong masira ang pagiging magbestfriend namin.

That's why marami akong nagiging gf. Sinusubukan kong ibaling sakanila ang pagtingin ko sa bestfriend ko.

Pero nauuwi din sa hiwalayan. Because no matter how I try, I still find myself thinking of her.

"Huy!" Pukaw sakin ni Lexie at pumitik pa ng daliri sa harap ko. "Bat lutang ka nanaman? Tsk, sabi ko sau potz tigil tigilan mo pag aadik eh!" Pang aasar nya at umangkas na sa likuran ko. "Larga na, nakaalis na sila oh!" Sabay turo nya sa pickup na nasa unahan na.

Napaunat ako nang maramdaman ko ang kamay nya na humawak sa balikat ko.

Sanay na ito sa motor kaya hindi na nya kailangan yumakap pa sa bewang ko.

Kahit nga di na ito humawak ay kya na nyang ibalance ang sarili nya. Enjoy na enjoy ito sa roadtrip lalo na kung motor ang gamit.

Ibang klase talaga. Walang kaarte arte.

Mas gusto pa nito magfoodtrip sa fishbolan at isawan kesa sa restaurant.

That's why i like her-

Like?

-Nope, erase that- That's why i love her.

Yes, i love her. Matagal na. Pero mananatili nalang sigurong ako lang ang nakaka alam nun.

Best FriendsWhere stories live. Discover now