19

1.3K 17 6
                                    

Lexie

Maaga akong nagising para ako na ang magluto ng almusal. Pero paglapit ko palang para buksan ang pinto ng kwarto ko ay narinig ko na ang mga kaluskos sa kusina.

Napangiti ako napailing.

Si mommy talaga, hanggang ngayon bine-baby kami. Gusto nya ay sya ang naghahanda ng pagkain namin.

And she puts all her love in every food she cooks for us.

Paglabas ko ng kwarto ay may napansin akong papel na nakadikit sa pinto ko. Kinuha ko un at binasa.

Good morning sunshine.

At may pangalan ni Jake sa ilalim ng note.

Napangiti ako.

"Aga aga, ang lapad ng ngiti mo jan," sabi ni Lexa na kagigising lang din at palabas ng kwarto nya. "Ano yan?" Tanong nya nang makita ang hawak kong papel saka bigla iyong inagaw.

"Tamis ha, kelangan ko ng atsara!" Nang aasar na sabi nito.

Tinawanan ko lng sya at sabay na kaming bumaba.

May nakita syang papel na nakadikit sa handrail ng hagdanan na katulad ng hawak ko. Nasa unahan ko sya kaya sya ang nakakita nito.

Kinuha nya yun at lumingon sakin.

"I'm sure sayo toh," sabi nya sabay abot skin ng papel.

Smile. It looks pretty on you.

At may pangalan nya ulit sa ilalim.

Mas lalo naman lumapad ang ngiti ko.

"Luh, kilig na kilig ang lola mo!" Sabi ni Lexie saby kurot sa tagiliran ko.

Nang papasok na kami sa kusina ay meron din nakadikit sa pinto.

"Oh, ayan pa isa!" Sabi ni Lexa at iniwan ako at nagtuloy sya sa kusina.

Kinuha ko naman yun at binasa.

When I count my blessings, you're first on my list.

                                              -Jake

Ang inaasahan ko ay nasa kusina na si Jake, pero wala sya doon.

Tinungo ko ang ref para kumuha ng maiinom nang mapansin ko ang isa pang papel na nakadikit.

Katulad din ito ng mga nauna kaya kinuha ko yun.

I love you more today than yesterday and I'll love you more tomorrow than today.

                                             -Jake

"Yaw ku na sa earth!" Sabi ni Lexie na nasa likod ko pala at nakikibasa.

"Pabili nga ng Jake!" Sabi pa nito saka padabog na naupo pero nakatawa.

"Maaga yun dumaan dito para lang ilagay yang mga yan." Nakangiting sabi ni mommy habang nag lalapag ng kape para samin ni Lexa.

"Pero umalis din agad, di na daw dito mag aalmusal, maaga daw syang nagising kaya nakapag luto sya." Dagdag pa nito saka bumalik sa niluluto.

"Ako na po jan Mhie," sabi ko at kinuha ang sandok sakanya.

"Anak, hindi pa ba kayo magpapakasal ni Jake?" Wala sa loob na tanong ni mommy.

"Mommy!?" Gulat na sabi ko. "Wala pa nga po kaming 1week eh, kasal agad?"

"Eh pano kung yayain ka na nya?" Tanong nya ulit.

"Mommy naman eh, bat po ganyan ang tanong nyo?" Sabi ko naman sakanya. "Imposible pong magyaya yun, kasasagot ko lang sakanya."

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon