Nang makaalis na siya ay tinry ko ulit kumawala sa tali, I scream for help but I guess walang tao dito. I'm in a room where there's no window at all. Yeah at all. Tanging makikita mo lang ay puro itim, itim na king size bed, itim na kurtina, itim na lamesa, pinto, dingding, kisame at upuan. Lahat itim! Hilig niya ba ang kulay itim? Or a dark place? Habang nililibot ko ang mata ko ay nakakita ako ng mga rosas, their petals rather, nakakalat ito sa buong kwarto, iba't-ibang kulay ang mga ito at umiibabaw ang kulay ng mga ito dahil sa mga itim na bagay na nandito. Nang makita ko ang mga kulay ay napakunot ang noo ko.

Because what I saw are Orange rose petals at kung hindi ako nagkakamali it symbolize intense desire, pride and fervor. Sunod naman ay Lavender rose petals expressing love at first sight. Dog Rose symbolize pleasure and pain at kinutuban ako sa sunod kong nakita, Black Rose symbolozing Death. Hindi ko alam kung bakit ito ang mga nakakalat na petals dito, ano ang ibig sabihin ng mga 'to?

I look around para makahanap ng pwedeng ipatanggal sa tali na ito but I failed. I used all my strenght para kumawala sa tali pero nabigo ako. I Breathe heavily, I thought I have an asthma attack pero I'm thankful dahil sa pagod lang ito

I give up.

Senon's PoV

Nanlamig ako nung malaman ko kung sino ang na-kidnap. Nalaman ko iyon sa mga pulis na nasa labas ng cafè. Sabi ng mga tao sa cafè ay may isang lalaki na mukhang babae daw na sapilitang kinuha at natatakot silang makielam sapagkat baka kung anong gawin daw ng mga kidnappers kaya nung nakaalis na daw ang mga ito ay doon lang sila humingi ng saklolo.

Napakasinungaling niya! Sabi niya kapag ginawa ko ang lahat ay 'di niya siya sasaktan pero kasinungalingan lang pala ang mga ito. Dapat talaga ay 'di ako nagpauto sa kaniya. Ba't ba kasi ang tanga ko!!

Nang makarating na si Vienne ay sinabi ko ang iilang detalye sa kaniya.

Nang sabihin ni Vienne ang plano ay nagmadali na kaming pumunta sa mga Police. Sumang-ayon naman sila sa plano namin ni Vienne at pagkatapos no'n ay pumunta na kami sa Urban kung saan dinala si Ki.

Tahimik lang kaming dalawa ni Vienne habang ako ay nagda-drive. Walang nagtangkang magsalita sa amin, pareho kaming seryoso at kabado.

"I'm sorry " lakas loob kong sabi habang tutok parin ang atensyon ko sa daan at seryoso. Ramdam kong napatingin sa akin si Vienne pero nabaling agad sa labas.

"It's not your fault Senon, sadyang may tama lang 'yang Dave na 'yan." Sabi niya, napabuntong hininga ako pagkatapos no'n.

"Kasalanan ko parin, kung hindi ko lang sana iniwan si Ki edi hindi sana mangyayari 'to, hindi sana siya makikidnap!" Napahigpit ang kapit ko sa manibela. Biglang hinawakan ni Vienne ang balikat ko at hinimas himas ito.

"Calm down, wala kang kasalanan sabi eh, hindi naman ikaw ang sisisihin ni kuya Yukki sa nangyayari, sadyang may stock lang ng ecstasy 'yang Dave na 'yan at lakas makahallucinate ng mga gagawin niya." Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa huling sinabi ni Vienne o hindi eh kasi seryoso 'yung aura namin dito tapos biglang gano'n? Pero napaisip ako. Tama si Vienne, dapat 'di ko sisihin ang sarili ko pero 'di ko mapigilan at naisip ko na dapat maayos na kaagad ang gulong ito.

"Relax mag-judge ka muna." Sabay bigay sa akin ng judge na bubble gum kaya naibato ko kaagad sa kaniya.

"Siraulo!"

"Pero may tanong ako Vienne." Matagal ko narin itong gustong itanong ngunit nakakalimutan ko palagi.

"Ano 'yon?"

"Bakit ka nagku-kuya kay Ki?" Hindi ko rin kasi alam ang dahilan kung bakit sapagkat mas matanda naman siya kay Yukki, isang taon nga lang.

"Bakit may problema ba do'n?"

"Oo, eh kasi naman mas matanda ka kaya kay Ki ng isang taon." Totoo naman.

"H-huh?" Bakas ko sa boses nito ang pagtataka.

"Hindi mo alam?" Paano hindi niya malalaman eh kambal ni Ki ang asawa nito, kaya nakakapagtaka.

"H-hindi, sabi kasi ni Yura 25 na siya." Ako naman din ang nagtaka sa sinabi niya.

"Ba't naman sasabihin ni Yura 'yon eh kambal sila." Sa sinabi kong 'yon ay biglang huminto ang kotse na sinasakyan namin.

"Bakit ka naman biglang huminto, nagmamadali tayo!" Kita kong napahinga ng malalim si Vienne at hindi na nagsalita pagkatapos.

Yura's PoV

Nasa banyo ako, nakatakip ang isa kong kamay sa bibig ko dahil pinipigilan kong umiyak ng todo. Napatingin ako sa hawak ko na may dalawang guhit na pula at napaikbi nanaman.

Paano ko sasabihin sa kaniya 'to? Paano ko sasabihin ang lahat ng ito? Kahit siguro ay ipaliwanag ko ang lahat ay hindi siya makikinig sa akin. Napatingin ulit ako sa hawak ko at umiyak.

Patawarin mo 'ko Vienne, hindi ko sinasadya.

Positive

PretendWhere stories live. Discover now