chapter 26

191 5 0
                                    

Andrea's POV

Kriiiing! Kriii--

*haaaaaaa

Hikab ko matapos kong patayin ang aking alarm. Nagising din ako agad dahil halos magkasabay lang kami ng alarm kong nagising

Umupo ako ng  pa-indian sit at nag inat inat pa.
Matapos ay pupungas pungas ko at bigla na lamang akong napangiti ng maalala ko ang aking panaginip.

Kasama ko sya magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad at nagtatawanan sa park. Minsa'y naghahabulan

Nagpupunta sa kung saan saan. Road trip gamit ang baby raid nya.

Ang paghaplos nya sa aking mukha na tila kinakabisado ito at ang bahagya nyang paghaplos sa aking buhok at paghalik nito dito.

Ang mga yakap nya, ang presensya nya ang saya habang kami ay magkasama.

Agad naman akong napalingon sa side ng kama ko kung saan nakapatong ang mga litrato namin ni Andy/Aj.

May naka wacky, meron din iyong nakakiss sya sa noo ko habang nakapikit maging ako din ay nakapikit habang nakaharap din sa kanya, yung nakasandal sya sakin habang nakangiti na halos wala na ang kanyang mga mata. At marami pa, meron din naman iyong solo lang nya.

I miss you Aj

Hinaplos ko ito na puno ng pagmamahal. Bumangon na ko upang gawin ang aking morning ritual.

Hindi ako gaanong nagmadali kaya nagbabad muna ako ng ilang minuto bago maghanda maaga pa naman.

Wala kaming klase kasi nga may event kami ngayon.

At higit sa lahat pala muntik ko nang makalimutan kaarawan ko pala ngayon

Lalong lalo na ng Aj ko

Miss na miss ko na talaga sya

----

HAPPY VALENTINES DAY

Iyan ang bati ng bawat isa sa isat isa. Kaibigan, kaklase, kaiskwela lalong lalo na sa mga magkakasintahan. Maging sa mga guro din naman.

Naglalakad ako sa hallway at pinagmamasdan ang masasayang mukha ng mga taong nakakasalubong ko at bumabati rin naman sa akin.

Makikita ang mga hugis puso sa bawat sulok ng hallway. Ang mga nagpupulahang damit ng mga istudyante. Meron din namang ibang kulay,  may green, may puti at ang mas nakakatawa may mga naka itim din at may nakasulat na walang forever.

Hindi naman sila bitter. Hindi kasi obvious eh.

Kaya naman napapangiti lang ako sa mga ginagawa nila. Pero makikita din naman ang saya sa kanilang mga mukha tapos may mga dala pang bulaklak at gitara.

Ang iba binibigay nila sa mga mababait naming teacher. At sabay may kanta pa.

Hindi ba ang sweet nila sa mga teacher namin.
Siguro katuwaan lang ang pagsuot nila ng ganoong kulay ng shirt at ang nakaprint dito.

Tahimik lang akong nagmamasid sa lahat ng mga istudyante dito sa school namin. Meron ding mangilan ngilan na humaharang sakin para mag abot ng roses or chocolate.

Malababae o mapalalaki. Tinatanggap ko din naman, kaso mukang di ko kakayaning dalhin lahat kaya naman kinausap ko na lamang sila na sa room na lang.

Aba ayoko ngang maging hagardo versoza dahil sa pagdadala ng mga iyon. Dapat maganda ako ngayon.

Lalo na't valentines day at syempre birthday ko din.

Haaaay happy birthday sayo Aj

Bulong ko at bahagya pang napapikit

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now