chapter 5

267 6 0
                                    

Andrea's POV

Championship na ngayon araw, kaya itong mga kasama ko excited manood nang basketball. Naglalakad kami ngayon papunta sa gym. Actually kinakaladkad nila ako at nagmamadali silang naglalakad. Ewan ko ba sa mga ito. Kelan pa nila nahiligan ang basketball at bakit ganito sila makareact.

" uy sister dalian mo namang maglakad. Ang bagal bagal mo naman. Daliaan mo--- halika nga dito" ang excited na pahayag ni Chelle at talagang hinawakan pa ako sa kamay at hinila habang ang bilis ng lakad nila

" oo nga dalian mo. Excited na akong manuod. Bilis bilisan mo--- tulungan na nga kita Chelle" sya namang hila sakin ni Camille sa kabila kong kamay. Kaya eto kinakaladkad nila akong dalawa.

" ay mga sister, mauuna na kami sa inyo huh. Para makahanap na kami ng magandang pwesto para sa atin" ang maarteng pahayag ni Vicky at isa pa to nagmamadali. Habang nakahawak sa magkabilang braso nya si Alexa At France habang chill lang ang itsura pero mukang nagmamadali din base sa paglalakad nila

Hindi ko na ito kaya, ang sakit na nang paa ko. Kaya naman winaksi ko ang mga kamay nila Chelle at Camille kaya nagulat silang dalawa sa ginawa ko

" Sandaleee!" Ang sigaw ko at napahinto din sila Vicky at napatingin sakin na binigyan lang ako ng anong-problema-mo-look

" pwede ba sandali lang. Bakit ba kayo nag mamadali? Para naman aalis yung gym at maiiwanan tayo. Sobra ata kayong excited? Huh?"  Nakapamewang kong bulyaw Sa kanila

Nagkatinginan lang sila sa isa't isa

" nagatataka na ako huh. Sabihin nyo nga kelan pa kayo nahilig sa basketball kung magmadali kayo dyan para kayong mga kabayo. Anong meron" nakataas kilay kong tanong at naghihintay ng sagot habang tinitingnan ko sila isa isa

" oh ano? Sabihin nyo na kung bakit. Naghihintay ako?"

" makaloka ka naman sis. Excited lang kaming panuodin sila Jin at Andy. Di ka ba excited? Nakita mo naman kung paano sila maglaro kaya nagmamadali kami kasi excited kaming panuorin sila--- halika na, mamaya ka na magtaray pagkatapos ng laban nila. Baka mawalan tayo nang upuan, panigurado madami ang manunuod ngayon. Pati ata mga teachers natin ay manunuod din. May mangilan ngilan din na college student ang nandoon. Kaya bilisan mo na wag ka nang magpatumpik tumpik pa. Karakaraka na" ang mahabang lintanya ni Vicky at hinablot ako. At nagmadali nang naglakad. Kaya wala na akong nagawa kundi makisabay sa kanila.

Excited din naman akong panuodin si Andy eh... este sila ni Jin pati yung iba pang maglalaro...

" whooooo!" 0__0

Nanlalaki ang mata kong pahayag nang makarating kami dito sa gym. Tulad noong unang nood namin ay madami din ang tao kaso mas madami ngayon. Tama nga si Vicky madami ang manonood ngayon at may mangilan ngilan ding college at teachers.

Kaya di na nagpatumpik tumpik pa ang mga kasama ko hinila na naman nila ako para humanap ng mauupuan at nang makahanap na ay nagsi upuan na kami. Bilib talaga ako sa baklitang ito eh, ang galing pumili nang pwesto. Ang ganda nang pwesto namin. Kitang kita talaga namin.

At makalipas ang ilang minuto nagsimula na ang laban, kila Andy ang bola. Sya ang may dala  at noong susugod sana sya papasok ay hinarangan sya sa gitna at bigla nyang pinatalbog ito patalikod sa direksyon ni Jin? At agad din itong tinira ni Jin. Naka score agad sila.

Grabe sobrang higpit nang laban kahit nagsisimula pa lang. Pero nakakamangha talaga itong magbest friend na ito ang galing mag laro meron silang coordination. Dahil sa higpit nang laban ay walang tigil sa pag hiyaw ang bawat supporter ng bawat kupunan. Mukang nahihirapan ang mga 4th year kina Andy. Sobrang higpit nang pagbabantay nila. Kaya hirap din makapuntos ng kalaban nila. Samantalang sila ay napaka bilis lang at napakadali lang para sa kanila. Hanggang umabot nang last quarter, lumabas na yung ibang players ng mga 4th year at nagpalit ng manglalaro. Wala na din kasi silang magawa eh. Naubos ang lakas nila halos manghina sila tapos di manlang nila makalahati ang lamang nila Jin. Kaya ayon parang nag bigay na sila sa iba nilang kasama na gustong maglaro.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now