chapter 23

152 4 0
                                    

Andrea's POV

Ilang linggo na pero hindi pa rin nagkakamalay si Andy.

Hanggang ngayon ay may nakakabit pa rin na oxygen sa kanya.

Ang sabi ng doktor maayos naman ang operasyon at naging successful ito.

Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising.

Nandito kaming lahat sa ospital ngayon. Weekends kaya walang pasok.

Kilala naman kami kaya pinapasok kami, malaki din ang room na ito kaya kasya kaming lahat

Ako, si Jin, Alexa, Cams, Chelle, France at Vicky

Tahimik lang kaming nakamasid kay Andy na hanggang ngayon ay nakahiga pa din at wala pa ding malay.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Kinakabahan ako

Lalo na nang magpakita sya  sa panaginip ko kagabi. Hindi ko maintindihan pero parang may ibang pinapahiwatig si Andy sa panaginip ko kagabi.

Nakita ko syang nakatayo sa harap ng isang malaking gate na purong puti at nakatingin sakin.

Pinipilit ko syang lapitan pero hindi ako makalapit. At nakita ko na unti unti itong nagbubukas at makikita ang liwanag na nanggagaling sa loob nito na unti unting bumabalot sa pagkatao ni Aj.

Ngunit bago pa sya tuluyang balutin ng liwanag, nakita ko si Mommy. Na biglang lumitaw sa gilid ni Andy at nakangiti sakin. Pagkatapos ay ganoon na lamang ang pag iyak ko nang tuluyan na silang balutin ng liwanag.

Kaya agad akong napabangon at sakto pa lang 6:30 am na magising ako.

Agad kong tinawagan sina Jin at ang iba pa para pumumunta dito sa ospital. Natatakot ako sa ibig ipahiwatig nang panaginip ko na iyon. Ang mas nakakatakot nakita ko si mama na kasama nya si Aj.

Nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha sa mata.

Nasasaktan ako parang hindi ko kaya kapag nangyari nga iyon. Hindi ko kayang mawala na naman sya sa piling ko.

Iisipin ko pa lang parang hindi ako makahinga.

Naramdaman ko ang paglapit ni Alexa at Jin sa aking likuran na sya namang hinahagod ang aking likod para pakalmahin.

Nag angat lang ako ng tingin at tinanguan ko lamang sila. Muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Andy

" Andy, please gumising ka na. Wag mo kong iiwan, di ba nangako ka na hindi mo ako iiwan. Na lagi ka lang sa tabi ko? Pero ano iyong kagabi. Please wag mo itong gawin sakin sana mali ang pagkakaintindi ko sa ibig mong ipahiwatig sakin. Pleaase Andy, nagmamakaawa ako. Wag mo kong iwan uli. Matagal kitang hinintay. Matagal kong hinintay ang makita at makasama kang muli. Di ba? Sabi mo papakasalan mo pa ako, handa akong magpakasal sayo. Basta gumising ka lang, wag mo kong iwan"

Hindi ko na napigilan pa ang emosyong nararamdaman ko. Sinabi ko ang mga salitang iyon habang umiiyak. Wala na akong pake kung marinig man nilang lahat. Ang mahalaga ay masabi ko ang lahat ng nandito sa puso ko

" Andy, pleease gumising ka na. Marami akong gustong sabihin sayo. Namimiss na kita ng sobra sobra. Hindi ka pwedeng umalis, hindi mo ko pwedeng iwanan uli. Sige ka magagalit ako sayo at hinding hindi kita mapapatawad sa oras na iwan mo akong muli. Pangako iyon hinding hindi kita mapapatawad kapag iniwan mo ko. Kaya Andy gumising ka na pakiusap!"

Humagulgol na ako at walang tigil sa pag alog sa kanya. Nagbabakasakali na baka magising sya sa ginagawa ko

" may kailangan ka pang malaman, at kailangan mo iyong marinig. Kailangan Andy! Kaya gumising ka na nagmamakaawa ako! Hindi ko pa nasasabi kung gaano kita kamahal!"

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now