chapter 17

139 6 1
                                    

Andy's POV

Aaarg!

Madiin pa ding nakapikit ang aking mga mata.
Habang nakasandal ang aking ulo sa pader.

Sumasakit pa din ang ulo ko, pakiramdam ko nanghihina na ako.

Ilang minuto na akong nandito sa loob ng cubicle.

Ni isa manlang tao na pwedeng tumulong sakin ay walang napapad pad.

Dahil siguro nasa stadium halos ang lahat.

Matatapos na ang laban para sa 3rd quarter.
Ngunit ito pa rin ako.

Nagbabalik sa aking alaala ang panyo na may nakaburdang Aj

Hindi ko maintindihan labis ako nitong binabagabag

" Aj?"   Ayan na naman yung boses ng batang babae

" Aj!"  Sumasakit na naman ang ulo ko.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at unti unti na ring humupa ang sakit sa ulo ko

Tinantya ko kung kaya ko na. Nanghihina pa ako kaya nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago tumayo upang makalabas na

Pagkalipas ng ilang minuto at sa tantya kong kaya ko na ay tumayo na ako.

Naghilamos akong muli, at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin

Pinunasan ko ang muka ko gamit ang tissue na kinuha ko pa sa loob ng cubicle

Naglakad na ako ng dahan dahan.

Nakahawak ako sa pader para maging suporta ko, hanggang makarating na ako ng stadium

buti na lang at medyo nakabawi na ako kaya kaya ko nang lumakad ng walang suporta

Pagpasok ko ay may biglang sumigaw

"Yes! sa wakas nandito na sya!"

" go Andy!"

Narinig ko lamang na sigaw nila. Nagpatuloy lang ako sa paglakad

Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman lumingon ako.

Authomatic na napangiti na lamang ako, nakita ko kasing nag aalala sya

Kaya nginitian ko na lamang sya at ganoon din ang ginawa nya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palapit sa bench namin.

Pagkarating ko doon ay sinalubong ako ni coach

" san ka ba galing Andy?!"

" kanina ka pa namin hinihintay! Kung san san ka pa nagpupunta!"

Imbis na sagutin ko sya, humingi na lamang ako ng paumanhin.

Napa buntong hininga lang si coach.
Pinaupo na nya ako para daw magpahinga at ipapasok nya ako.

Pagkaupo ko ay ayan na naman sya.

" Aj?"

Sumasakit na naman ang ulo ko. Pero hindi pwede dito kaya naman pumikit lang ako ng madiin at uminom ng tubig.

*pruuuut!

Pumito na ang referee tanda na tapos na ang 3rd quarter. Tanda rin na magsisimula na ang last quarter

" Brad? Okay ka lang? Bat wala ka kanina?"

Sunod sunod na tanong ni Jin

" ah kasi madami akong inilabas kanina. Alam mo bang nahirapan akong umiri kanina. Tapos wala ka manlang para sana tulungan ako-- ang sakit kaya sa puweeet! Alam mo ba yun?!"

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt