chapter 15

141 5 0
                                    

Andy's POV

SPORTS FESTIVAL CHAMPIONSHIP

Mabuti at nakarating na din kami dito sa school.

Tulad ng mga unang araw, dagsa ang tao. Para manuod ng Sport Festival.

Lalo na ngayong championship.

Ang huling araw  kung saan malalaman ng lahat ang pinamagagaling na manlalaro sa buong ng New Land.

Kung anong iskwelahan ang pinamalalakas at kung anong iskwelahan ang maguuwi ng tropeyo bilang tanda ng kampyonado.

Nagkalat ang mga tao, makikita ang excitment sa kanilang mga mukha.

Magbabarkada, mag kasintahan minsan may magpapamilya pa na makikita.

Pinayagang pumasok ang mga outsider dahil sa naturang Festival.

Nagkalat din ang mga police, may mga medic na kung sakaling may mang yaring emergency.

Kahit saan ka lumingon sa loob at labas ng school ay may mga bantay. Lalong lalo na ang ilan sa mga manlalaro ay anak ng mga kilalang tao

At para na rin sa safety ng karamihan. Bawat field ay may naka antabay na bantay at medic.

Ang sosyal. Iba talaga ang mga anak ng mayayaman.

---

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Jin papunta sa office ng basketball club.

Medyo nahihirapan kami dahil nga maraming tao. At may mga bata din.

Parang ginawa na ding family day ito ng iba ah.

---

" oh mabuti naman at dumating na kayo!" Ang bungad sa amin ni coach ng makapasok na kami sa silid

" wala manlang bang pagbati dyan coach at ganyan agad ang bungad nyo samin"

Pagbibiro ko naman

Masyado kasing seryoso si coach. Hindi lang pala si coach maging ang mga kateam mates ko ay ganoon din

" uy! Chillax lang tayo! Masyado naman po ata tayong seryoso-- smile naman dyan"

Para mapagaan ang atmosphere dito sa loob ng silid

" okay na ba ang pakiramdam mo Andy?"

Bakit ba masyadong nag aalala si coach.

Tiningnan ko sila isa isa ganoon din ang nakikita ko sa mga muka nila.

" ano ba yan coach? Masyado naman kayo OA eh-- ayos na po ako. Don't worry I'm fine!"

Paninigurado ko sa kanila.

Pero bakit mukang may iba pa silang pinag aalala?

" ahem!-- sabihin nyo nga po sakin coach ano bang problema?"

Kaya naman tinanong ko na sya ng diretso

" ang makakalaban natin para sa championship ay ang Red Dragon, ng Redstone University"

Plain lang na turan si coach

" and then? Ano pong problema doon?-- ah! Baka naman inaalala nyo yung nangyari noong nakaraang laban natin sa kanila?"

Napatango na lamang sila.

Sabi na nga ba eh. Iyon ang inaalala nila

Yun kasi ang laban kung saan nasiko ako at nawalan ng malay at ang dahilan na madalas na pagsakit ng ulo ko

Sino kaya sa kanila ang may gawa noon sakin?

Oo hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang ulo ko.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now