chapter 12

139 6 0
                                    

Andrea's POV

" go Hwang University!!"

" go Jin!"

" go Andy!!!"

" go may labs! Kyaaaaaah!"

Ilan lamang iyan sa sigawan ng mga taga suporta nila Andy.

At syempre hindi ako magpapatalo noh. Kaya nga andito kami eh at pinangungunahan namin ni Alexa.

" sige Andy! Ganyan nga! "

Sigaw ko sa kanya nakita ko namang napalingon sya at ngumiti sakin at kumaway pa.

" uuuuy! Bagay ka pala maging cheerleader eh" panunukso sakin ni Alex

Nginitian ko lamang sya

" Go! Go! H.U! "

Sige lang kami sa pag che-cheer sa kanila, lalo na kina Andy at Jin.

Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. Madami na talaga ang pinagbago magmula nang dumating si Andy sa buhay ko.

Tulad na lang ngayon, hindi ako yung tipo ng tao na makikisigaw para sa ibang tao. Yung ipapakita na todo ang supporta.

Hindi talaga ako ganoong tao, ngunit ngayon heto ako.

Nakikisigaw kasabay ang iba pang mga fangirl. Nakakatawang isipin inis na inis at iritang irita ako noon sa mga fangirl na halos maubusan na ng boses kakahiyaw.

Pero kung titingnan heto ako at kasama pa sa mga fangirl na yun at ang malala pinangungunahan ko pa.

Ako pa ang naging lider ng mga fangirl na ito. Pero ayos lang

Dahil masaya naman ako sa ginagawa ko, hindi ko alam pero labis akong nasasayahan sa ginagawa ko.

Pakiramdam ko hindi ako si Andrea na anak ng may ari ng iskwelahang ito. Ang Andrea na magiging tagapagmana pag dating ng tamang panahon.

Sa ngayon pakiramdam ko, ako si Andrea na simpleng istudyante lang na nakikisigaw kasama ang iba pa.

At todo suporta sa mga ka-school mate at lalong lalo na

Sa taong nagbibigay ng kakaibang saya sa buo kong pagkatao.

Nakangiti lang ako habang nakatitig na sa kanya na ngayon ay naglalaro nang muli.

---

Andy's POV

Grabe ang ingay ng mga ka school mate namin pero nakakatuwa dahil todo suporta sila.

Nag effort  pa sila para ipakita ang suporta nila. Kaya naman lalo kaminh ginaganahan sa paglalaro.

Mas nakakatuwa pa dahil kasama din si Andrea at si Alexa sa mga sumusuporta at sumisigaw para sa team.

" sige Andy! Ganyan nga!"

Matapos kong itira ang bola, narinig kong sumigaw si Andrea.

Kahit madami ang sumisigaw mas nangibabaw sa pandinig ko ang pagsigaw nya.

Kaya naman lumingon ako sa kanya at nginitian ko sya sabay kaway pa.

Tapos nagpatuloy na sa paglalaro.

Nang maglapit kami ni Jin ay todo tukso sya.

Kaya daw ako ganadong ganado kasi andyan daw ang Love of my life ko.

Nginitian ko lang sya, napakagaan ng pakiramdam ko.

Ang saya sa pakiramdam kaya naman ganado ako sa paglalaro, ni kahit nga saktan ako eh hindi ko na pinansin.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें