chapter 24

150 5 0
                                    

Jin's  POV

Busy ang lahat. Kahit saan ka lumingon makikita mo ang mga taong paparito't paparoon.

May mga tao na akala mo hinahabol ng kabayo dahil sa pagmamadali.

Ang mga taong halos di na magkandaugaga sa mga dala at kung ano nga ba ang uunahin nila.

Ang mga taong nagsisilbing lider na halos mabura na o halos di na maipinta ang pagmumukha dahil sa stress.

Stress sa kung paano nila aayusin ang sari sariling booth at iba pa.

Ngunit ganoon pa man, makikita ang saya at excitement sa mga mukha nila.

Kahit na makikita na nahihirapan at nakakaramdam ng pagod nakukuha pa din nilang ngumiti at maging masaya.

Haaaay

Paano kaya kung hindi nangyari ang pangyayaring iyon apat na buwan na ang nakakalipas

Siguro hindi kami ganito ngayon. Hindi ganito ang tuwa sa puso namin.

Haaaaay

Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko ang mga pangyayaring iyon sa ospital.

Ang mga luha at mga pagtangis na maririnig sa bawat sulok ng puting kwarto na iyon.

At ang ingay ng mga machine na tila nagwawala na syang nagpataranta sa lahat ng taong naroon.

Ang sakit, pighati at paghihirap na nanuot sa bawat taong nandoon.

Nanuot sa aming mga pagkatao.
At nagturo din sa amin na dapat pahalagahan ang mga mahal mo sa buhay hanggat andyan pa sila.

Gawin ang mga dapat gawin at sabihin ang mga dapat sabihin bago mahuli ang lahat.

Haaaay bakit ba kasi inaalala ko pa iyon. Apat na buwan na ang nakalipas kaya dapat na iyong kalimutan

Ang bulong ko sa sarili ko.

" uy! Jin alam mo napapansin ko kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga, may problema ka ba?" Ang may pag aalalang tanong sakin ni kuya jom

Kasama ko sila ngayon dahil nag aayos kami ng sarili naming booth.

Actually kumpleto kami pwera na lang sya

" aah wala naman kuya jom. May naalala lang ako bigla" nagpatuloy na lamang ako sa ginagawa ko

Dikit dito, dikit don. Pukpok dito, pukpok don

" ano ba iyon? Parang napaka seryoso mo kasi at mukang binabagabag ka nito. Sabihin mo nga ano ba iyon?"

Si kuya talaga, kung minsan umaakto sya na parang sya talaga ang nakakatandang kapatid samin. Kahit na daig pa ang babae sa pagkataray nyan ay ayos na ayos naman.

" haaay---  ala naman kuya, naalala ko lang iyong mga nangyari apat na buwan na ang nakakalipas"

" ah sya na naman ba? Ano ba kalimutan mo na lang iyon. Ang mahalaga tapos na kung ano man ang mga nangyari noon. Oo hindi na natin mababago kung anuman ang nangyari. Imbis gawin na lamang nating aral kung anuman ang mga nangyari. Huh? Wag mo nang isipin iyon, ang mahalaga maging masaya na lang tayo para sa kanya"
Ang mahabang pahayag nya at tsaka tinapik tapik ang aking balikat at pinagpatuloy naman na nya ang ginagawa nya kanina.

Lumingon ako sa kabilang dako, at nakita ko naman sila Andrea at ang iba pa.

Mabuti na lang kahit papaano ay nakarecover naman si Andrea buhat ng nangyari sa kanila.

Ngayon nakikita ko na uli ang mga ngiti at saya sa kanyang mga mata na minsan ding binura ng pangyayaring iyon.

Magkagayon man, malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil hanggang sa huli pinatunayan nya na mahal nya ang brad ko.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora