chapter 3

365 6 0
                                    

Andrea's POV

" uy sis. Ikwento mo nga sakin kung sino ba yang Aj na yan. Pogi ba? Ipakilala mo naman ako" ang pangungulit sakin ni Alexa

Kasalukuyan kaming nasa room ngayon.
Kahit kailan talaga, napaka ingay ng babaeng ito.

Kinukulit nya ko, pano ba naman kasi napansin nya lagi kong dala dala yung panyo na bigay sakin ni Aj.

Matagal na nyang nakikita yun. Ang kaso napansin na naman nya kanina habang nag aayos ako ng mga gamit ko. At nakita nya iyon.

Kaya ito kinukulit ako ng kinukulit kung sino ba talaga si Aj. Dahil parang sobrang importante sakin ng panyong iyon dahil lagi ko iyong dala dala.

Panigurado hindi na naman nya ako titigilan nito. Lalo na kapag ka ganitong curious na curious sya.

Wala na ata akong choice kung di sabihin ah.

" okay fine. I'll tell you, kung sino ba talaga ang Aj na ito"

Kaya naman ikinuwento ko ang lahat. Ang tungkol sa bully thing at yung pagtatangkol nya sakin laban sa mga bad boys. At yung kaganapan sa park. Hanggang sa naaksidenteng napatid ako kaya ako nadapa, at ang biglang pagsulpot ni Aj sa harapan ko. Ang pag ihip nya sa tuhod ko. Ang pag punas sa mga luha ko gamit ang panyong bigay nya at ang pagpasan nito sakin sa kanyang likod para ihatid ako kila mommy.,

Oo hinatid nya ko at nakapagkwentuhan din kami kay nanay tsoleng, si mommy naman sandali lang silang nag usap dahil nga nagmamadali din ito na umalis kami.

In short ang lahat ng tungkol sa aming dalawa ni Aj noong mga bata pa kami hanggang ang huli naming pagkikita sa park.

Ayun nga ikiwento ko sa kanya kung bakit napaka importante ng panyong ito sakin.

****

" wow sis! Nakakakilig naman iyon. Siguro kung andun ako maiihi na ko sa sobrang kilig. Grabe ang haba ng hair mo sis! " ang tila kilig na kilig nga nyang pahayag at may pa palo palo pang nalalaman

" ano ka ba sis! Ang OA mo naman " pagsasaway ko sa kanya

" eeeeeeeih! Totoo naman kasi sobrang nakakakilig" pahabol pa nya

" anong kilig kilig ka dyan, haleer napaka babata pa namin nung mga panahong iyon! " ang bulyaw ko sa kanya

" pero sis, nakakakilig talaga. Biruin mo naging tagapag tanggol mo sya. Knight and shinning armor. Tapos ang mas nakakakilig eh yung inihipan nya yung tuhod mo para mawala ang sakit  at ang pagpunas nya sa mga mata mo. At ang pagbigay nya sayo ng panyo para hindi ka na umiyak pa. Para hindi ka makaramdam ng lungkot. At yung pasan sa likod thing. Di ba napaka sweet!-- ang mas lalo pa palang nakakakilig kahit imposible naman iyon ay ang pangakong magpapakasal kayo pag laki nyo" Hindi nga sya kinikilig halos nagpipigil sya ng tili at may patakip takip pa sa bibig nya para mapigilan ang tili nya

" sya nga? " balewala kong sabi sa kanya

" pero pwera biro sis. Sa twing naaalala mo yun hindi ka ba kinikilig? " tanong nya sakin

Ako naman ay napangiti na lamang habang binabalikan ang mga panahong iyon

" oo naman kinikilig ako. Sa twing naaalala ko iyon" ang nakangiti kong sagot

" pero sis, pagkatapos nung nangyare sa park nagkita ba uli kayo? " tanong nya uli

" sa katunayan nyan, yun na ang naging huli naming pagkikita " ang malungkot kong tugon sa kanya.

" aaw! Ganon ba. Nakaka lungkot naman yun. Pero kung sakaling magkita uli kayo, makikilala mo pa ba sya? Tapos yung pangako nyong kasal? " walang kagatol gatol na tanong nya

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now