Andy's POV
Nagmulat ako ng aking mga mata, pero wala akong makitang iba kundi puro liwanag lang.
Naglalakad ako pero parang hindi naman ako nakakaalis
Hindi ko alam kung hanggang kailan itong paglalakad ko
Wala akong makita bukod sa liwanag
" helloo! May tao po ba dito? Nasan ako?"
Hindi ko talaga alam kung nasaan ako at kung paano ako napunta dito
Nakaramdan ako ng hilo bigla at naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng aking katawan
Sobrang liwanag kaya naman ay napapikit ako dahil sa sobrang liwanag
" Aj! Anak!" Sino iyon?
" Aj, baby gising na!" Mga ilang sandali ay nagmulat ako ng mata
Muka ni mama ang nasilayan ko ang nakangiti nyang muka
" buti naman at gising na ang baby namin-- dali bumangon ka na" si papa kailan pa nakauwi si papa
Teka bat muka pa silang bata?
Nagtataka ako, magsasalita na sana ako para magtanong kung anong nangyari
Ngunit naunahan ako ng isang boses
" good morning mama, good morning papa-- muah! Muah! Muah!"
Ako iyonPero hindi ko naman ibinubuka ang aking bibig
" okay mukang masaya ang baby namin ah-- dali na kailangan mo ng mag ayos" si papa at binuhat ako
" excited ka na bang pumasok hah Aj?" Ang tanong ni mama habang buhat ako ni papa
Nasan ba ako? Mukang hindi naman ito panaginip
" opo papa, mama excited akong pumasok kasi madami akong magiging bagong kaibigan-- tapos madami na din akong makakalaro!"
" okay baby halata ngang excited ka"
" tara na, kasi papasok na sa school ang baby Aj namin"
Ang masayang pahayag nila mama at papa sakin
" okay baby, dapat magbehave ka lang hah? Makipagkaibigan ka hindi makikipag away? Malinaw ba baby?"
" opo mama. Promise"
" yan ang baby namin ni mama-- masunurin. Pakiss na kami anak at aalis na kami-- wag pasaway kay nanay isabelle"
" opo papa, ingat po kayo ni mama *muah muah *muah"
Hinalikan nila ako sa noo
Nakakapagtaka talaga na may ibang nagsasalita para sa akin. Pero andito pa rin ako.
Naririnig ko na nagsasalita ako kahit hindi bumubuka ang bibig ko
Naglalakad na kami para pumasok na
Pero ang ipinagtataka ko bakit ako andito?
Ito yung school na yun. Ibig sabihin ba nito
Ito ang ilang mga alaala na nawala sakin?
Ibig sabihin talagang nangyari ang lahat ng mga iyon?Pumasok na ako sa isang room at expected bilang bata magulo at maingay
Meron naman na tahimik lang kasi wala pang kakilala.
Mga shy type
*kriiing
Narinig namin ang bell
YOU ARE READING
Match Made In Heaven (Lesbian Story) Completed
Teen FictionSabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso nito na labis na nagmamahal. Gaano man katagal o gaano man kahabang panahon na paghiwalayin sila ng ta...