chapter 8

166 5 2
                                    

Andy's  POV

Yes! Yes! Woooh!

Nagdiriwang ako ngayon, dahil alam nyo ba kung bakit? Hindi lang naman ako makapaniwala na kaya ko pala....

Kaya ko pala iyong sabihin sa kanya. Kahit medyo nahihiya akong sabihin kanina ay nagkaroon pa din ako ng lakas ng loob para masabi iyon.

Siguro dahil iyon ang gustong sabihin ng puso ko. Grabe pigil hininga ako kanina nang tanungin ko sya kung okay lang sa kanya or pwede lang na ihahatid ko sya tuwing uwian.

Grabe kung alam lang nya ang pigil kong hininga ng di agad sya makasagot. Ngunit ganoon na lamang ang pagtalon ng puso ko sa sobrang saya. As in. Muntik nang tumalon palabas ang puso ko sa sobrang saya. Buti na lang nakapagpigil sya.

Haaaaay... hanggang ngayon hindi pa din maalis alis ang ngiti sa mga labi ko na abot hanggang tenga.

As in mula sa bahay nila hanggang ngayon na nasa byahe ako para makauwi na, ay nakatatak pa din sa aking mga labi ang kasiyahan ng pumayag syang ihatid ko sya tuwing uwian.

Woooh! Simula bukas dadalhin ko na ang isa ko pang helmet para gamitin nya. Aayusin ko nga mamaya pag uwi ko titingnan ko kung maayos. Buti na lang pala dalawa ang helmet ko. Hindi ko naman kasi nagagamit masyado eh kaya naka stock lang sa kwarto. Pero simula ngayon ay magagamit na sya. Araw araw.

Yiieeeeeeh!si Andy kinikilig!

Oo kinikilig talaga ako. Ang saya saya ko ngayon. Di ko nga napigilang mapa yes kanina eh. Ewan ko ba, siguro sa sobrang saya. Hindi ko maintindihan pero kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Bigla din palang nawala ang pagod ko mula sa praktis kanina. Lumakas pa nga ako eh.

Ano ba yan, sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa amin. Kaya naman pumasok na ako matapos kong iparada ang baby raid ko.

" Baby Raid, umayos ka hah? Dahil simula bukas, kasama natin ang mommy mo"

Kinilig naman ako sa isipan kong iyon. Mommy daw ng baby ko. Eeeeh.

Parang na imagine ko bigla na tatawagin syang mommy ng maliliit na paslit namim habang tumatakbo palapit sa kanya na kagagaling lang sa trabaho  tapos ikikiss sya sa pisnge sabay bibigyan sya ng power hug. Para maalis ang pagod  tapos sabay kakain, sabay magliligpit at lalong lalo na sabay matulog habang mag kayakap.

Wet es de meneng ef des?

Gusto lang ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Ngunit bakit ganito? Sya ang nakikita kong kasama sa furure ko habang masayang nagtatawanan kasama ang mga magiging anak namin.

Okay! Okay!

I admit it. I already love her. Since I met her, but I don't know the exact day.

Pero tinanggi ko lang sa sarili ko,  dahil hindi pa ko sigurado kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ngunit ngayon ay sigurado na ako na mahal ko na sya. Hindi ko maisip isip na maging masaya sa piling ng iba. Pwera na lang kung sya ang aking kasama.

Ganito pala ang feelings. Ang saya sa pakiramdam at ang gaan. Pakiramdam ko matagal ko na syang kilala, pakiramdam ko sya ang taong matagal ko nang hinahanap at hinihintay.

Hahaha kaya siguro hindi ako magkacrush crush kasi sya ang hinihintay ko.

----

Nakangiti akong binuksan ang pinto at tumambad sa harapan ko ang butihin kong ina na nakatingin lang sa akin. At makikita sa kanyang mga mata ang pagtataka

Hindi ko alam, pero sigurado akong dahil ito sa kanya. Kaya naman tumakbo ako bigla sa kanya at niyakap sya ng mahigpit sabay inikot ko sya kasabay ko

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now