chapter 9

138 7 0
                                    

Andrea's POV

Haaaay

Nakangiti kong sabi habang nag iinat.  At patayong tumayo at nagsasayaw sayaw pa patungo sa banyo habang nakangiti pa rin.

Masaya ang gising ko, maganda rin ang tulog ko. Sigurado ako dahil ito sa pangyayari kahapon

Excited akong pumasok, o baka naman excited lang akong makita sya.

Kaya naman ginawa ko na ang aking morning ritwal na punong puno ng saya sa aking puso

---

" good morning Nay"

Ang masaya kong bati kay Nanay Tsoleng ng makita ko syang naghahain na sa mesa

" good morning anak, mukang ang blooming mo ata ngayon anak. Ang gandang pagmasdan"

Pagbati sakin ni Nay Tsoleng at bahagya pa nya kong pinagmasdan mula ulo hanggang paa

" saan pa ba magmamana ang kagandahan ko nay, hindi bat sa inyo ni mommy"

Sabay ngiti ko sa kanya ng matamis bago umupo upang makapagsimula ng kumain

" nga pala Nay, si daddy? Hindi po ba sya sasabay?"

Ang masaya kong tanong kay Nanay Tsoleng
Hindi sya sumagot kaya naman tiningnan ko sya, nakita ko ang pagtataka na nakarehistro sa kanyang muka

Ngayon ko lang kasi uli hinanap si daddy

" ah, ano baba na rin siguro iyon maya maya"

Anh sabi nya sa akin kaya naman nginitian ko lamang sya

" ah ganon po ba? Hmm okay po"

Tanging sagot ko lamang at nagpatuloy na sa aking pagkain.

Patapos na ako sa pagkain ng makita ko si daddy na papunta dito sa hapagkainan.

Ng maka upo ito ay agad ko itong binati

" good morning dad!"

Ang masaya kong bati, nagkatinginan lang si daddy at Nanay Tsoleng ng mailapag na nya sa harap ni dad ang isang tasang kape

Hindi ko lang sila pinansin. Bagkus ay kinumusta ko lang si dad

" Kumusta ka na po pala dad? mukang pagod na pagod kayo dad ah! Tingnan nyo nga yan ang laki na ng eyebags nyo" bigla ko na lamang turan 

At muli ay napatingin na naman sya kay Nanay Tsoleng, na binigyan lang sya ng ngiti at isang tango

" ah o-okay lang naman anak--- te-teka a-anong meron?"

Buhat sa tanong ni dad ay nag angat ako ng tingin at nginitian ko na lamang sya

Tumayo na din ako dahil tapos na din naman akong kumain

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisnge at niyakap

" wala naman po masaya lang po ako-- I gotta go dad"

Paalam ko sa kanya matapos ko syang halikan sa pisnge at yakapin ganoon din ang ginawa ko kay Nanay Tsoleng

Umalis na ko para pumasok. Bahagya ko pang narinig na nagtanong si dad kay Nanay kung anong nangyayare sakin. Sinabihan lang sya ng hayaan nya na lang ako. Hanggang sa makarating na ko sa sasakyan.

" good morning Manong Erney, tara na po!"

Ang masaya kong bati tapos nginitian, napatango lang naman sya.

----

" good morning Ms. Andrea"

Ang bati sakin ng ibang istudyante

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin