Andrea's POV
Ilang araw na ang nakakalipas hindi pa rin nag kakamalay si Andy
Maging ang mga doktor ay nagtataka na rin
Lagi kaming bumibisita dito kay Andy pagkatapos ng klase
Dumadaan kami. Pag wala namang pasok ay nandito lang ako
Pinagmamasdan ko ang tulog na Andy
Namimiss ko na ang boses nya, ang mga ngiti nya, ang tawa nya.
Namimiss ko na ang masayahing Andy
Na laging nakatawa at nakangiti habang nakikipag kulitan sa mga kaibigan at kaklase nya
Lalo na ang kasweetan nya sakin.
Ilang gabi na din akong walang tigil sa pag iyak.
Lalo na nang malaman ko ang lahat
Sobra akong nanlumo sa nalaman ko dahil ang taong matagal ko nang hinihintay at hinahanap ay nasa harap ko na pala mismo
Kasama at katabi ko na pala mismo, kaya pala iba ang pakiramdam ko kapag kasama sya
Kakaibang saya ang bumabalot sa buong pagkatao ko
Pakiramdam ko sa tuwing andyan sya
Bumalik ako sa pagkabata ko, na pakiramdam si Aj ang kasama ko kaya sobra ang saya ko
Pero ipinag walang bahala ko lamang iyon
Kaya ngayon nagsisisi ako sana sinabi ko na sa kanya ang lahat.
Kung ano nga ba ang nararamdaman ko.
Bakit ganito? Parang napaka unfair
O baka naman sadyang pinaglalaruan lang kami ng tadhan
Pinagtagpo kami noong mga bata pa lang, at naging malapit talaga sa isat isa
Tapos bigla na lamang syang aalisin sa buhay ko.
Ngayon ibinalik sya ngunit hindi ako aware at ng malaman ko na, na sya pala si Aj ay ganito naman ang nangyari
Papa lord, pakiusap naman po. Pagbigyan mo na kami. Matagal akong naghintay na makita at makasama syang muli pero bakit kukunin mo na naman sya sakin. Please god.
Taimtim kong dasal at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha
Nakaupo lang ako dito sa tabi ng kama ni Andy or should I say Aj
Pinagmamasdan ko lamang sya at hindi tinatanggal ang paningin sa kanya
Baka kasi pagnawala saglit ang atensyon ko sa kanya ay bigla na lamang syang mawala at di ko na makita pang muli
Patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko
Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ang likod nito habang tumutulo ang aking mga luha
Narinig kong bumukas ang pinto, ngunit hindi ko ito nilingon
"Ija?" Ang tawag sakin ng isang boses at sigurado akong ang mama ito ni Aj
Kaya napalingon naman ako sa kanya
Lumapit sya sakin nakatingala ako sa kanya ngayon kaya naman naghila sya ng upuan at umupo sa tapat ko
Nakatingin lang ako sa kanya habang walang tigil sa pag iyak
Nakikita ko din sa kanyang mga mata ang sakit bilang ina dahil sa sinapit ng kaisa isa nyang anak
Pinahid nya ang aking mga luha at niyakap ako
Bigla kong namiss si mama, sa tagal na panahon ngayon ko lang uli naramdaman ang yakap ng isang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/145483622-288-k947749.jpg)
YOU ARE READING
Match Made In Heaven (Lesbian Story) Completed
Teen FictionSabi nga nila makalimot man ang isipan ng isang tao at mawala ang lahat ng alaala nito. Magkagayon pa man hinding hindi naman makakalimot ang puso nito na labis na nagmamahal. Gaano man katagal o gaano man kahabang panahon na paghiwalayin sila ng ta...